Third person POV
"Peligro? Vice? Teka, hindi ko kayo maintindihan. Karylle, bakit ka umiiyak?" tanong ni Yael na nag aalala na sa girlfriend nya.
"Si Vice. Si Vice." tanging sabi ni Karylle na sumubsob na sa dibdib ni Yael para umiyak.
"Ano bang meron kay Vice?" tanong ni Yael na sinusubukang pakalmahin si Karylle. Tumingin sya kay Anne upang humingi ng sagot. "Anne?"
"Kasi-"
Naputol naman ang sasabihin ni Anne ng biglang magring ang phone ni Karylle. Agad naman nya itong kinuha at halos tumalon ang puso nya ng makita kung sino ang tumatawag.
"Vice? Vice nasaan ka ba? Akala ko ano ng nangyari sa'yo!" tuloy tuloy na sabi ni Karylle. Ngunit agad na nagbago ang facial expression nya ng magsalita ang nasa kabilang linya.
"Hello? May missed call po kayo sa phone na 'to kaya kayo na yung kinontact ko. Naaksidente po yung-"
"Nasaan si Vice? Nasaan sya?! Sabihin nyo sa'kin kung saan nyo sya dinala!" sigaw ni Karylle na hindi na pinatapos pa ang sasabihin ng nasa kabilang linya.
-
Tulala lang si Karylle na nakaupo sa gilid ng hallway ng hospital. Agad silang tumungo sa hospital na sinabi ng kausap ni Karylle sa telepono. Base sa oras at lugar ng mga pangyayari, naaksidente si Vice habang patungo sya sa venue ng play nila.
Samantala, magkatabi naman sa isang gilid sila Anne at Yael. Pinagmamasdan nila pareho si Karylle na lugmok na lugmok sa mga pangyayari.
"Sobrang lungkot nya." sabi ni Yael.
"Kaibigan namin si Vice. At si Karylle, higit sa lahat, ang naging pinakamalapit sa kanya. Syempre malulungkot sya." sabi ni Anne.
"Hindi lang dahil magkaibigan sila." sabi ni Yael.
Nilingon naman sya ni Anne at binigyan ng questioning look.
"Paano nyo nalaman?" tanong ni Yael.
"Nalaman?"
"Paano nyo nalaman na may masamang nangyari kay Vice? Pareho na kayong balisa pagdating ko. Ramdam ko na ang tensyon bago pa man may tumawag kay Karylle."
"Yael..." sabi ni Anne.
"Si Vice ba? Si Vice ba ang soulmate ni Karylle?" tanong ni Yael na obvious ang nadaramang sakit.
Umiwas ng tingin si Anne at binalik ito kay Karylle. "Hindi ako ang dapat tanungin mo tungkol dyan."
Tumango na lang si Yael dahil tama nga naman si Anne. Wala naman syang ibang dapat na tanungin kundi si Karylle.
-
Karylle's POV
Gulong gulo na ako.
Kung gaano kabilis binigyan ni Vice ng kulay ang buhay ko, ganun rin kabilis nawala. It's unbelievable how everything can happen in one flick of a finger. Parang kanina lang, excited pa si Anne na ipakilala ako sa bagong direktor ng mga play namin. Ngayon nandito na ako sa hallway ng hospital, unsure kung makikita ko pa ba uli ng buhay ang soulmate ko.
Almost everything is back to being black and white now. Before I met Vice, wala namang problema sa'kin yun. Hindi ko naman nararamdaman na may kulang kahit na hindi ko nakikita ang sinasabi nilang kulay. It was the least of my concerns. Pero bakit ngayon feeling ko nabulag ako? Nakikita ko pa naman ng malinaw ang imahe ng paligid pero pakiramdam ko hindi talaga ako nakakakita. Hindi ko dapat nakikita ng ganito ang mundo ko. Deserve ko ang makakita ng kulay!
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Roadtrip | Vicerylle
FanfictionSharing stories on the road with you. Vicerylle oneshots.