Stopover 2: Buko

2.5K 124 22
                                    

"Anak kamusta nakasakay ka na ba ng barko?"

"Yes ma. Kakasimula pa lang rin maglayag neto."

"Karylle mag iingat ka dyan ha. Naku bakit ngayon mo pa kasi naisipan bumyahe eh may parating ngang bagyo. Ako ang kinakabahan sa'yo eh."

"Ma ano ka ba. Bukas ng hapon pa naman daw tatama sa bansa yung bagyo. Eh umaga pa lang nasa Palawan na kami."

"Nag-aalala lang ako para sa'yo. Basta mag-iingat ka ha? Ikamusta mo na rin ako kila nanay doon."

"Opo ma. Mag-iingat ako."

"O sige na bye anak. I love you."

"I love you too Ma. Bye."

Binaba ko na yung telepono. Minsan may pagka-oa rin si mama eh. Pero ganyan naman talaga siguro pag nanay ka.

Kakasakay ko lang ng barko papuntang Palawan. Magbabakasyon muna ako dun sa bahay nila lola. Kailangan ko rin kasi ng oras para makapag unwind at para na rin mahanap ko uli yung sarili ko.

Isang linggo na rin kasi ang nakalipas simula nung nagkahiwalay kami. Isang linggo ko na rin syang iniiyakan. Nagsasawa na ako. Gusto ko na syang makalimutan. Hindi worth it ang luha ko sa kanya.

Nakatanaw lang ako ngayon sa malawak na karagatan. Dinadama ko yung simoy ng hangin. Ang sarap. Nakakarelax. Sana ganito na lang lagi.

Matagal tagal rin akong tumambay doon ng bigla akong antukin. Naisipan kong bumalik na lang sa kwarto ko para makatulog. Paatras pa lang ako at paharap sa direksyon ng kwarto ko ng biglang may nakabunggo ako. Oh my god. Natapunan ng kape yung t-shirt ko!

"Hala sorry miss!" sabi nung nakabangga sa'kin tsaka nilapag yung cup na hawak nya tsaka hinila yung shirt ko at pinagpag.

Binawi ko naman agad yung shirt ko tsaka hinawi yung kamay nya. "Ano ba yan hindi kasi nag iingat!" sabi ko tsaka ako na mismo ang nagpagpag sa sarili ko.

Tinaasan naman nya ako ng kilay. Bakla 'to. Sa pananamit pa lang eh. Nakaputing sleeveless na polo sya na may bato pa sa kwelyo. Oa rin yung pagiging shorts ng blue shorts nya. Yung buhok nya pa kulay pink.

"Ikaw kaya 'tong naglalakad patalikod ako pa ang hindi nag-iingat?"

Aba. Ako na nga 'tong natapunan ng kape.

"Tuloy wala na kong maiinom ngayon na kape." dagdag pa nya.

Wala na kong magagawa. Natapunan na eh. Ayoko na makipagtalo pa sa baklang 'to kaya nagroll na lang ako ng eyes at dumiretso sa kwarto ko para magbihis.

"Aba bastos 'to ah. Nag-uusap pa tayo umalis ka na agad? Bahala ka." narinig kong sabi nya. Hindi ko na lang sya pinansin.

Pagdating ko sa kwarto, nagbihis na lang ako at natulog tulad nga ng balak ko. Nagising na lang ako sa pagriring ng phone ko. Sumilip ako sa bintana. Madilim na rin pala.

"Hello?"

"Hello anak? K kamusta ka? Ayos ka lang ba dyan?" Si mama pala uli.

"Oo naman ma. Sabi ko naman sa'yo makakarating kami ng ligtas dun bago dumating yung bagyo."

"Pero anak bumilis daw yung galaw nung bagyo! Mapapaaga daw yung pagtama nung bagyo. Sabi ko na nga ba dapat di na kita pinayagan bumyahe ngayon eh. Ako ang mamamatay sa nyerbyos nito eh."

Sinilip ko yung bintana. Umuulan nga pero mukhang di naman malakas. "Ma hindi naman malakas yung ulan dito. Kumalma ka lang ha? Makakarating ako kila Lola ng ligtas."

"Basta anak mag-iingat ka ha? I love you."

"I love you too ma. Bye."

Binaba ko na yung telepono. Sumabog nanaman pala yung pagkakulot ng buhok ko kaya tinali ko na lang sya into a messy bun. Nagugutom na rin kasi ako. Kaya lumabas na rin ako para makakuha ng pagkain.

Roadtrip | VicerylleHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin