Stopover 4: Soulmate | Part 1

1.8K 64 13
                                    

soulmate concept based on one hayffie fic i've read :)

-

After every storm comes a rainbow

That's why you'll always see me smile when the world is upside down

"Ang ganda nanaman ng kantang sinulat mo, Karylle!" bati sa'kin ni Anne matapos ko iparinig sa kanila ang sinulat ko. Ngumiti lang ako in response to her compliment.

"Naku, sigurado ako maganda nanaman ang kalalabasan ng buong musical play na 'to."

"Sana nga. Naeexcite na ako sa kalalabasan nito. Kaya guys, galingan nyo ang pagsulat ng script neto ha!" sabi ko.

"Oo naman. Kami pa ba!" sabi ni Vhong.

"Ang problema ko lang, paano ko ba maaappreciate ang concept ng play na 'to? Eh hindi ko naman maintindihan kung anong meron sa mga bahaghari? Hindi ko maintindihan kung paano ba ito naging maganda kung hindi naman ako nakakakita ng kulay?" sabi ni Billy.

Umiling naman si Vhong at lumapit kay Billy. Tinap nya ang balikat nya. "Hay, brad. Kailan mo ba kasi makikilala ang soulmate mo? Sayang naman. Mas maganda pa naman ang mundo kapag puno ng kulay!"

"Grabe kayong lahat sa'kin! Palibhasa kayong lahat nakita nyo na ang soulmate nyo!" sabi ni Billy. Tumawa lang si Vhong at Anne. Ako naman ay yumuko lang at ngumiti.

Sobrang ironic na sumusulat ako ngayon tungkol sa mga kulay at bahaghari dahil maski ako ay walang makitang mga kulay.

The whole world is black and white and shades of gray. Walang makikitang kulay ang mga mata... hanggang sa makita mo ang taong para sa'yo. 'Yan ang sabi nila. Kapag nakita o nakilala mo na ang soulmate mo, magsisimula mo ng makita ang mundo na puno ng kulay. Kakaiba daw ang feeling sabi nila, sabi nilang mga nakilala na ang soulmate nila. Kakaiba daw ang pakiramdam na sa isang iglap ay mag-iiba na ang tingin mo sa mundo.

Pero paminsan minsan ay nagdadalawang isip ako kung totoo ba itong soulmates na 'to. Matagal ko ng nakilala si Yael, matagal ko ng nakilala ang taong para sa'kin pero kahit kailan ay hindi pa ako nakakita ng kulay. Marahil ay hindi naman sya ang soulmate ko. Pero sabi rin naman nila, hindi rin naman laging soulmate mo ang makakatuluyan mo. Ang mga magulang ko, sabi nila hindi daw sila soulmates. Sabi ng nanay ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nakakakita ng kulay. Hindi pa rin nya nakikilala ang soulmate nya. Sabi nya, hindi naman sya nanghihinayang dahil naging masaya naman ang pagsasama nila ng tatay ko kahit na hindi sila soulmates.

"Huy Karylle! Nakikinig ka ba?" sabi ni Vhong.

"Ah, ha? Ano yun?"

Umiling naman si Vhong. "Sabi ko, bukas daw makikilala na yung magdidirect ng play natin."

"Ha? Anong nangyari sa dating director ng plays natin?" tanong ko.

"Hindi na daw sya magdidirect ng plays natin. Nagpunta na syang Amerika. So, bukas makikilala natin yung papalit." sabi ni Anne.

"Hm, okay. Sana magaling sya. 'Wag sanang sirain yung play." sabi ko.

"Grabe ka naman. Sisirain agad?" sabi ni Vhong.

Roadtrip | VicerylleHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin