Dancing was always been my hobby. Because you can express your emotions through dancing.
I dance when I'm happy , sad , upset or angry. Dancing was always been my stress reliever, especially, belly dancing.
"Iana! Iana! Iana!"malakas na tawag ni Lexter galing sa labas habang nagsasayaw ako sa harap ng salamin .
"Bakit ba Lexter?!"malakas na boses ko ding sagot.
Nagmamadali siyang lumapit sakin na may masungit na mukha at bigla niya nalang hinila ang aking buhok.
"Arayy!!Ano ba Lexter!?" nasasaktang hiyaw ko.
"Isang Lexter pang babaita ka ,tingnan lang natin kung di pa yan mahiwalay yang buhok mong kulay mansanas dyan sa ulo mo!" maldita niyang sabi,na nakahawak pa din sa buhok ko.
"Oo na Lexy! ,Bitiwan mo na nga buhok ko!" saad ko.
Binitawan niya naman ang buhok ko at tawang-tawang nakaturo sa buhok ko.Nagtaka ako kung ano ang tinuturo niya ,kaya tumingin ako sa salamin.
Pesteng bakla talaga to oh! Kinabugan ko pa ata si Sisa na hinabol ng mga gwardiya sibil dahil sa buhok ko.
Inirapan ko na lang siya habang inaayos ang aking buhok.
Siya nga pala si Lexter best friend ko since elementary, 'Lexy' for short.
Tunog pornstar pa yung pangalan takte!
Siya lang naman ang nagturo ng mga kababoyan sakin.
"Bakit ka ba sigaw ng sigaw sa labas?Ang lakas-lakas na nga ng boses mo sumigaw ka pa.Nagmukha ka tuloy barakong may pink na buntot." sabi ko at uminom ng tubig.
Habang umiinom ako ay bigla niya naman akong kinurot sa tagiliran kaya naibuga ko ang iniinom sa mukha niya.
At bogshh!sapol sa makapal niyang mukha.Matatawa na sana ako kaso baka wrestling-in ako nito eh.
"Bakit mo ba kase ako kinurot? Napaka-sadista mo talaga. Alam mo namang may kiliti ako dun! " pigil na tawa kong saad habang tinutulungan siyang punasan ang mukha niya.
Tinitigan niya ako ng masama kaya iniba ko ang usapan para maisalba ko ang planetang Earth sa susunod niyang atake.
"Ano ba ang chismis? " kunwaring kuryoso kong tanong.
Lumiwanag ang kaniyang mukha at nagsimula nang ibahagi ang nasagap niyang chismis kahit basang-basa pa ang mukha.
Chismosang bakla talaga oh kahit papano.
"Ito na nga ang chismis! May bigatin akong kumare na naghahanap ng pwedeng ipasok niya sa Club na pinagtatrabahoan niya! " excited na sabi niya.
" Oh?" walang pakeng saad ko.
"Hindi lang basta-bastang Club dai! Isang exclusive Club! Ibig sabihin, puro mga may datong ang nandoon!" tumitili niyang sabi.
Kung makahanap ng mayaman tong baklang toh akala mo di anak ng pinakamayamang business tycoon sa Europe ah
" Tapos?" nabo-bored kong sabi.
"Mananayaw ang hinahanap niya. Pasok na Pasok ka dun daii!" niyuyugyog na niya ako sa sobrang excited niya.
"At ito pa!"tumili pa ang bruha ,mukha namang kambing.
"Maraming gwapo dun!! Ahhhhkk!" at tuluyan na nga siyang gumulong sa sahig.
Ang OA lang ha!