CHAPTER 11

3 2 0
                                    

Isang buwan na akong nag tratrabaho dito sa kumpanya ni marcus kaya naman sahod ko na ngayong araw. Kaya naman good mood ako ngayon kase makukuha ko na yung matagal ko nang inaantay.

Nag lalakad ako ngayun papunta sa opisina ni marcus kase iaabot ko yung schedule niya sa susunod na linggo. Inayos ko muna yung sarili ko saka ako kumatok. Narinig ko na yung permiso niya kaya pumasok na ako nang naisara ko na yung pinto ay nag lakad na ako papunta sakanya.

Inabot ko sakanya yung schedule niya tapos nag salita na ako. "Sir ayan po yung schedule niyo next week" May inabot din akong isang invitation card pinadala daw ni Mr. Gonzales kanina sabi ng staff na nag abot sakin. Binuksan na ni marcus yun at tahimik itong binasa.

Nilibot ng paningin ko yung opisina ni sir marcus kase na boboring ako antagal niya kase mag basa. Naka lipas ang ilang minuto ay natapos niya nang basahin yung invitation card at ibinigay sakin. Bakit sakin? Nahalata niya yata sa muka ko na nag tataka ako kung bakit niya inabot sakin yun kaya naman nag salita siya.

"Inimbitahan ako ni Mr. Gonzales sa event na yan, Event ng mga negosyante sa buong pilipinas. Ikaw ang sekretarya ko kaya sasama ka. Sa linggo pa ang event kaya naman makakapag handa pa tayo." Paliwanag niya, Kaya tumango nalang ako at nag salita ulit siya.

"May susuutin ka naman diba?" Tanong niya, umiling at sumagot narin "Wala po eh" Napakamot tuloy ako sa kilay ko, Kase hindi naman ako nag sosoot ng ganon na damit at ayoko ding masyadong nakikita yung balat ko.

"Then let's buy some" Sagot niya sabay ngumisi. Tumango nalang ako at nag salita. "Okay" Sagot ko at ngumiti nang kaunti. Nag paalam na akong aalis na at tumango naman siya kaya umalis na ako.

Sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala sa sinabi niya na 'Let's buy some' sweldo ko naman ngayun so dapat ako na ang bahala sa susuutin ko at hindi siya. Pero hahayaan ko nalang wala na akong magagawa nag volunteer na eh, tatanggi pa ba ako?

Nag punta na ako sa opisina ko at para makapag pahinga ako kahit saglit. Umupo na ako sa upuan ko at isinandal yung ulo ko. Nang biglang pumasok sa isip ko yung mga mata niyang nakitingin sakin kanina na kulay kape. Lalo pa naging malinaw yung mata niyang nakatingin saakin kanina dahil sa araw. Napangiti nalang ako nung maalala ko yun.

Teka anong nginingitingiti ko dito? Sinampal ko yung dalawa kong pisngi para matigilan ako sa pag iisip nun. "Nababaliw na yata ako" Sabi ko sa sarili ko at tinakpan ko yung muka ko gamit yung dalawa kong kamay at hinapas ito. Huminga na ako ng malalim saka nag ko kinuha yung cellphone ko sa bag ko.

Inopen ko na yung cellphone ko tska nag scroll scroll sa facebook. Nag iiscroll lang ako ng nakita kong may nag text saakin. Pinindot ko iyon at nakita kong si sir marcus yung nag text.
Inopen ko na yung conversation namin at binasa yung text niya.

Nakalagay sa next niya na sa friday daw ay mag kita kami sa parking lot sa baba ng kumpanya kasi bibili daw kami ng isusuot namin sa linggo. Luh? Nakakalimutan niya yatang day off ko sa friday. Nag kamot ako ng ulo tapos nag ring ulit yung cellphone ko at may text ulit siya. 'Tayong dalawa lang ang bibili duon at i know na day off mo sa araw na yon.' Text niya kaya nag reply nalang ako ng okay. Wala naman akong magagawa tska day off ko din naman sa saturday kaya makakapag pahinga pa ako.

***

Ngayon na yung araw na bibili kami ng isosoot namin sa event at andito ako sa parking lot ng kompanya sa ground floor. Inaantay ko nalang si sir Marcus na dumating.

Nag antay lang ako ng ilang minuto at maya maya oa ay nakita ko na yung kotse niya na jeep wranger na itim. Halata talagang mayaman sa kotse palang eh noh? Himunto yun sa harapan ko at bumakas yung bintana ng kotse.

Nakita ko si sir Marcus na yumuko at tinawag ako. Lumapit ako at nag salita na siya. "Sakay" Sabi niya at sumakay naman na ako sa passanger seat at nag seatbelt na. Sabi ko na eh tamala yung hula ko na sakanya ako sasakay. Nung sa airport palang wala na siyang tiwala saakin eh.

Tahimik lang kaming byumahe siguro mga 30 minutes lang ang byahe bago kami makaratong sa pag bibilhan ng isusuot namin. Nauna si marcus lummlabas ar ako naman ay tinali ko muna tung buhok ko bago ako lumabas. Nagulat ako nang biglang umikot si marcus tapos binuksan yung pinto ng passanger seat. Natulala lang ako habang nag ka tinginan kaming dalawa sa mata ng isa't isa. Tinaasan niya ako ng kilay at umiwas ng tingin, kaya naman natauhan na ako at bumaba na.

Nag lakad na kami papasok ng building at nag elevator paakyat sa pupuntahan namin. 6th florr daw yun sabi ni sir marcus kaya naman pinindot ko na yung 6 na button. Tahimik lang kami parehas sa elevator hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin. Nauna siyang pumasok at may nakita akong isang magandang babae na mukang may inaantay.

Nang makita niya na si Marcus ang nag yakapan lang sila saglit bago nag salita yung babae. "Long time no see Marcus. Kamusta kana?" Tanong nang babae kay sir Marcus at sumagot naman si marcus ng kalmado. "Okay lang naman Thea, ikaw? " Sabi niya ng walang ka emoemosyon sa babae. Sumagot naman yung babae nang nakangiti sakanya sabay tingin saakin"Okay lang din, by the way siya ba yung bago mong secretary?" Tanong niya at tumango naman si marcus.

Lumapit siya sakin at inabot yung kamay niya. "Hi i'm Althea pero just call me thea" Kinamayan ko siya at nag pakilala rin ako "Hello Thea, Savvanah nga pala secretay ni sir Marcus" Pakilala ko sa sarili ko. Binaba na namin yung kamay namin at nag salita ulit siya "Ang ganda mo savvanah! Pwede ikaw nalang yung secretary ko?" Tanong niya sakin at humarao siya kay Marcus at nag salita din.

"Hoy marcus hindi ka nag sasabi na ang ganda pala ng secretary mo ah. Akin nalang siya ah?" Sabi niya kay sir Marcus. Sinamaan naman siya ng tingin ni Marcus kaya tinikom niya na ang bibig niya.

Nag salita na ulit siya "Anyways, Susulatan ko lang si savvanah dun kalang muna sa upuan doon at umupo ka habang susulatan ko si savvanah." Sabi ni Thea kay sir Marcus. Tumango naman siya at nag lakad papuntang upuan at umupo. Ako naman ay hinila na ni Thea papunta sa irang kwarto.

Nakita ko na ang daming gowns at dresses duon. Kinuha na ni Thea yung medida at nag salita. "Wag ka muna hihinga mga 5 seconds lang" Sabi niya at ngumiti saakin. Ginawa ko yun habang tahimik niya akong sinulatan.

Nang nasulat niya na sukat ko sa papel ay sunod niyang sinukat ang braso ko. Nang matapos ay pinaupo niya muna ako sa sofa dun at lumapas. Para yata tawagin si marcus. Teka bakit niya hindi pinapasok si Marcus eh susulatan lang naman ako? ewan ayoko namang mag tanong bahala na.

Pumasok na si sir Marcus at umupo sa sofa medjo malayo ngalang saakin. Tinawag na ako ni  Thea sa fitting room kaya tumayo na ako at sinundan siya.

Pinag soot niya ako ng red designer dress at nilagayan ng konting make up yung muka ko.
Pinag soot niya rin ako ng heels na kulay puti. Lumabas na ako sa fitting room at pumunta kay sir Marcus. Nang lumabas ako ay lumingon si sir Marcus sa direksyon ko at nakatingin saakin. Unti unti akong lumapit sakanya dahil ipapakita ko yung suot ko. Tumigil na ako sa pag lalakad sa unahan niya at parang natulala yata sa ganda ko.Char Nakalipas ang isang minuto ay hindi parin siya kumukurap na nakatingin saakin.

"You're beautiful" Sabi niya at lumingon para iwasan yung mata ko. Nag salita na ako "Thank you sir" Saby ngiti. Lalo yatang lumaki yung mata ni sir Marcus nang nguti ako or naiimagine ko lang???

Nung lumingon ako sa likod ko ay nakita kong nakatingin sa amin si Thea ng naka ngiti nag lakad na siya palapit saamin at nag salita.

"Ohh na love at first sight kaba? syempre ako pumili ng dress eh ako paba?" Sabi niya kay sir Marcus ng pabiro at sinamaan naman siya ng tingin neto. "Maganda ka na nga at lalo ka pang gumanda savvanah promise. Tama nga yung pinili kong dress sayo dahil bagay sayo yan" Sabi niya at nginitian ako.

Naka itatlong try din ako ng dress para titiganan daw ni Thea yung iba kung may mas bagay pa. Baka nga daw gawin niya akong model niya kase lahat daw ng binigay niyang dress ay bagay saakin. Nahiya naman ako ng kaunti.

Sa huli ay yung una kong sinuot na dress ang napili namin. Gusto nga daw akong jowain ni Thea kung lalaki siya kasi napaka ganda ko daw. Nahihiya naman ako dahil hindi ako sanay na pinupuri ako.

***

The Ceo's Boss (HIATUS)Where stories live. Discover now