Chapter 8
"Sorry Wyn, tinanggihan ka ulit nila..." malungkot na wika sa akin ng manager ko. I already expected that. Marami talagang tatanggi sa akin dahil sa nangyayari ngayon sa career ko. My name has been cleared at tumatakbo naman ang kaso ni Steven pero hindi ko naman inaasahan na babalik lahat ng mga pinaghirapan ko sa akin.
"It's fine, Maam. You already do your best to convince them."
Itinuturo ni Steven ang pangalan ko at kasabwat daw ako sa droga pero nagbigay na ako ng statement at tumutugma ang mga statement na binigay ko sa mga ebidensyang hawak namin. Halatang-halata na nagsisinungaling si Steven sa pagdawit niya sa pangalan ko kaya naman lalo siyang madidiin. Pero sa kabila nang mga inilabas naming ebidensya na walang katotohanan ang mga sinasabi at alegasyon sa akin ni Steven ay naniniwala pa rin ang iba sa binigay na statement nito. Even others think we had a special relationship kaya imposible daw na hindi ako sangkot at wala akong alam.
Ginawa naman ng manager ko ang lahat para makumbinsi ang mga company na ineendorse ko noon na kunin ulit nila ako pero sa lahat nang 'yon ay wala ni isang nag-yes sa pangungumbinsi na ginawa niya. Kahit nga maliliit na business na kailangan ng endorser or model ng product ay tumatanggi sa akin. Ganoon kalaki ang impact sa akin ni Steven.
"If only Sir Rowan would help us, we won't be here."
Tamad akong umupo sa sofa pagkatapos kumain ng agahan. Rowan? I doubt that. He told me what he wanted and that is to make me suffer and quit this career. Iyon daw ang tamang kabayaran sa ginawa ko sa kanya noon. Tama naman siya. Magkakaroon sana siya ng masayang pamilya dapat pero sinira ko 'yon at siguro ang pangarap ko nga ang tamang kabayaran doon.
But still, hindi ko pa rin alam kung anong dahilan ni Ms. Joey para gawin iyon. She didn't tell me her motive at all. Pero siguro kahit itanong ko ay hindi niya rin naman ako sasagutin. Rowan probably knows her dahil hindi naman siguro niya ipapasira sa akin ang kasal noong lalaking 'yon kung hindi.
Hindi ko na rin itatanong kay Rowan kung kilala niya ba si Ms. Joey. Ayoko na ulit masangkot sa gulo. Okay na iyong nanira ako ng kasal at pinagbabayaran ko 'yon ngayon. I didn't want to add another burden. Okay na iyong wala akong alam kung ano ang koneksyon nila sa isa'r isa.
Alam ko rin naman na kahit pa kausapin ni Clarissa si Rowan ay aayaw iyon. I will never forget those hatred in his own eyes. Malaki sigurong himala kung pumayag si Rowan na tulungan ako.
"If I talk to him, do you think he would help us?" wika ni Clarissa sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiling sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sa akin. "Why?"
"Hindi ba ay sinabi niya na hindi siya tutulong kaya alam kong kahit anong usap ay hindi roon madadaan iyon," pagdadahilan ko. Hindi ko pwede sabihin nak ilala ko ang CEO ng Star Entertainment at ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. "Stop convincing him. He won't help us or if he wanted to, matagal na niya siguro tayong tinulungan. Baka mamaya niyan, ikaw pa ang matanggalan ng trabaho dahil sa akin."
"Yup. We should stop convincing him. Instead of convincing him, we should prove him that we are worth of his help, Wyn," ganadong wika niya sa akin. Hindi ko alam kung paano naming ipapakita iyon o kung ano man ang ideyang tumatakbo sa isip ni Clarissa. I didn't want to know nor ask. Kung pwede nga lang magbago ng entertainment ay matagal ko nang ginawa pero sa nangyayari ngayon, malabo 'yon. And my mom was a top actress on Star Entertainment.
Gumawa si Clarissa nang paraan kung paano ako magkakaroon ng gig. May maliit na company na nagsisimula pa lang na kailangan ng endorser. Mukhang maganda naman ang plano ni Clarissa para sa akin kaya pumayag ako. Kinabukasan ay pumunta kami sa nasabing kumpanya. Maayos kaming tinanggap ng staff. Kinausap ni Clarissa ang CEO habang ako ay pumirma sa contract matapos kong basahin 'yon. Six months ang contract at lahat ng product ng kumpanya ay ako ang mag-eendorse.

BINABASA MO ANG
The Wedding Intruder - Solo Series -
General FictionAlthough life wasn't always simple, Wynter Avalon Delgado aspires to be an actress like her mother. She was offered money to stage and ruin a wedding because she was desperate to save her mother's life from an illness. She became an actress after f...