Chapter 9

14 1 0
                                    


Chapter 9

Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Clarissa sa akin. I didn't expect that Rowan will give me a new project despite of the issues that is on-going between the two of us. Sa sobrang hindi ko inaasahan ay talagang hindi ako makapaniwala. Ipinakita sa akin ni Clarissa ang text ni Rowan at doon ko nakumpirma na totoo nga dahil kahit sa akin ay nakatanggap din ako ng text galing sa kanya. Ni hindi ko nga alam na alam pala ni Rowan ang number ko.

Nagtapos ang gabing 'yon na masaya ako na nakatulog dahil looking forward ako sa project na ibinigay sa akin. Kinabukasan ay maaga kami pumunta ni Clarissa at ng mga crew para sa project. Inaasahan nga namin na may mga tao na roon at naghihintay na sila sa amin pero laking-gulat naming lahat nang wala kaming madatnan na tao sa lugar na 'yon.

Clarissa called the project manager even the director at iyong mga crew members and they told us that we have to wait kasi wala pa sila sa site. We waited for more than five hours. Inis na inis na si Clarissa dahil mistreatment daw iyon sa akin at sa mga crew na naghihintay sa kanila pero ang project manager ay tinawanan lang ang manager ko at hindi nagbigay ng kumento roon.

Nagsisimula na ako ma-frustrate. I was happy last night because the project was given to me tapos eto ang madadatnan ko. Ayoko magreklamo kasi wala naman akong karapatan. I tried to be more patient and understanding pero nang magsimula na ang shoot para sa short commercial ay hindi ko nagustuhan ang mga trato sa akin ng mga tao roon. I was not even treated fairly. May co-actress akong kasama roon sa commercial na mas pinagtutuunan ng pansin kesa sa akin. I was not even asking to pay their attention to me dahil actress din ako. Ang hinihingi ko lang ay tamang pakikisama lang pero hindi ko 'yon nakuha.

I was pissed but I still must act professional because I am an actress. Pinilit kong ngumiti sa mga kasama ko doon sa site kahit na malapit na ako pumutok na parang bulkan. Even Clarissa could tell that I was already pissed and ready to lash out in any minute.

Siguro ang naging last straw ko na ay noong napagalitan ang isa sa mga crew member na part ng team ko dahil hindi sinasadyang matapunan ng juice iyong katrabaho ko na actress. Nag-sorry na iyong gumawa pero nakatanggap pa ito ng malakas na sampal at sigaw galing doon sa actress na kasama ko.

I was shocked pero hindi sapat iyon para masampal muli ng isang beses ang crew na 'yon. Bago pa niya ito muling masampal ay nahawakan ko na ang kaliwa nitong kamay at inilayo iyon sa pagmumukha ng kasama ko.

"What—"Why did you slap her?" I shouted. I matched her irritating voice with my voice. Umangat ang isa niyang kilay at kita ang inis doon sa pagmumukha niya. "Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita na natapunan niya ang damit ko? Do you know how much this dress cost?"

"Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang? Hindi niya sinasadya na tapunan ka! And I don't give a fvck about how much that dress cost! May mas pakialam pa ako kung paano ka naging actress sa ugali mo na 'yan!"

"How dare you to slap—"Save me from your nonsense talk, Claire. Kahit actress ka pa o kung sinong pontio-pilato ka, wala kang karapatan na manakit ng ibang tao! And our crew already said sorry! Not once but twice! Kung ako siguro iyong crew na pinagsasampal mo, baka hindi pa ako humingi ng sorry. Just be thankful that she was sorry enough to say sorry for what she did kahit hindi naman niya sinasadya!"

Lumipas ang araw na hindi ko kasundo ang mga katrabaho ko. Hindi na rin naman ako umaasa na makakasundo ko pa sila pagkatapos ng eksena na ginawa ko noong nakaraan.

I slapped Clair hard. Naging usap-usapan pa iyon at kumalat sa buong building hanggang sa nadagdagan na nang nadagdagan ang ginawa kong pagsampal sa kanya na kesyo kaya ko raw siya sinampal ay dahil hindi ko siya gusto o dahil gusto ko maging pabida and so on. Wala naman akong pakialam na roon kaya kiber lang kung anong isyu ang ipagkalat nila.

The Wedding Intruder - Solo Series -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon