Chapter 10

18 1 0
                                    


Chapter 10


Lumabas ako sa hotel. Sinubukan ako pigilan ni Clarissa at kausapin pero sarado ang isipan ko. Sinabi ko na hayaan nila ako dahil gusto ko mapag-isa. Hindi ko magagawang pakalmahin ang sarili ko sa emosyon na nararamdaman ko kapag nanatili ako sa lugar kung nasaan si Rowan.

Hanggang ngayon ay walang alam ang ibang tao sa kaguluhang nangyayari sa pagitan ko at ng boss nila. Marahil gulat na gulat sila ngayon doon at hindi malabong pag-usapan kaming dalawa kinabukasan at sa mga susunod na araw. Hinndi na rin ako magtataka kung masisisante na talaga ako at mawawalan ng career. I know other people saw that and knowing how famous he can be, hindi na ako magtataka kung kami ang laman ng balita bukas sa social media.

Pero hindi ko pa dapat iyon problemahin, ang dapat kong problemahin ay itong sitwasyon namin ngayon. I know for sure that I can't work with him anymore without having a cease-fire between us. Pero paano naman magkakaroon ng cease-fire kung dalawa kaming sarado ang isipan sa isa't isa? I was trying to figure him out. I was trying to be nice and good but I found it exhausting. Wala akong ideya kung paano ako makikipag-usap sa kanya na hindi nakikita ang galit at poot sa mata niya. Hindi ko alam kung paano ko iignorahin ang galit sa bawat salita na binibitawan niya.

Until now, we never had a nice conversation. Palaging nauuwi ang mga 'yon sa pag-iwas ko sa kanya o kaya ay sa away katulad na lang nito. Sinusubukan ko naman na makihalubilo sa kanya ng maayos pero may pakiramdam ako na ayaw niya iyon dahil bakit nga ba gusto niya na makihalubilo sa isang taong may kasalanan sa kanya? Ang gusto ko lang naman hangga't maaari ay gawing propesyonal ang relasyon naming dalawa. If he's mad at me, dapat direkta sa akin ang galit niya at hindi na siya mandadamay ng iba pang tao.

It was unfair to include other people in your fight, bukod pa roon, hindi tam ana mandamay ng tao na wala namang kinalaman sa away niyo pero wala ata iyon sa bokubularyo ni Rowan. Ngayon ko napatunayan na handa siyang gumamit ng ibang tao para saktan ako at iyon nan ga ang nangyari ngayon.

Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Wala akong dalang kahit na ano dahil naiwan ko ang wallet at cellphone ko sa hotel.

Unti-unting lumukob ang kaba sa aking dibdib nang malaman ko na malayo na ako at hindi ko alam kung nasaan na akong lupalop na lugar. Ni wala akong mapagtanungan kung saan ang pabalik ng hotel dahil dinala ako ng mga paa ko sa isang madilim at maliblib na lugar.

I was trying to calm myself at all cost and think the best solution I could think of dahil wala naman mangyayari kung magpapanic ako. Pero hindi ko mapigilan na hindi mataranta dahil nasa lugar ako na hindi pamilyar, idagdag mo pa ang katotohanan na madilim dito at walang tao.

Halos pukpukin ko na ang sarili ko dahil sa inis, sinisisi ang sarili dahil bakit ko naisipan na umalis nang hotel na hindi dala ang wallet o cellphone ko man lang? Anong katangahan bae to at sa dinadami nang pupwede mangyari ay eto pa talaga? Ito din ang dahilan kung bakit pinipigilan ko ang sarili ko na magpadala sa emosyon dahil hindi ako nakakapag-isip ng maayos. My thoughts were clouded and I couldn't stay positive.

Huminga ako ng malalim. Nagsisimula na ako manginig dahil kahit anong pagpapakalma sa sarili ko ay hindi ko magawa. Umiisip nan ga ako ng mga positibong bagay para mapakalma ang sarili kahit paano pero kahit na isipin ko 'yon ay palaging napupunta sa mga negatibong bagay at sitwasyon.

Nawala saglit ang kaba ko nang makakita ako ng tatlong lalaki na papalapit sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay mga kasing kaedaran ko lang sila.

"Miss?" tawag sa akin ng isa sa mga tatlong lalaki. Isa-isa ko silang pinagmasdan. Akala ko ay makakahingi ako ng tulong sa kanila pero lalo pa atang lumala ang kaba na nararamdaman ko.

"Mag-isa ka lang ba? Nawawala ka?" wika nung isang lalaki. Ang isa sa kanila ay matangkad at may malaki ang pangangatawan na may mahabang buhok at tattoo sa kamay. Iyong dalawa ay pareho lang ang tangkad at pangangatawanan at ang pagkakaiba naman nila ay may hikaw sa kanang tenga ang isang lalaki at iyong isa naman ay wala.

Tawagin niyo na akong judgmental pero parang sanay na sanay na sila gumawa ng gulo.

Hindi ako nakasagot sa tanong nila dahil nagsisimula na naman akong kabahan. I couldn't think right!

"Okay ka lang ba?" wika nung lalaki na may hikaw sa tenga. Hahawakan niya na sana ako pero bigla akong umatras.

"Sorry... h-hindi ako nawawala. May kasama ako..." pagsisinungaling ko, wishing them to believe my simple lie kahit na alam kong hindi nila papaniwalaan 'yon basta-basta. Just by looking at them, I know they are not stupid. Lalo akong kinabahan sa naisip na 'yon at naiisip na baka katapusan ko na dito sa tatlong lalaki na 'to. I tried to gather my last straw of strength to speak up.

"Kasama? Saan nagpunta ang kasama mo at iniwan ka sa lugar na 'to?" pag-uusisa nung isang lalaki. "M-May kinuha lang... babalikan niya naman ako dito kaya okay lang ako. U-Umalis na kayo."

Pero hindi sila umalis kaya lalo akong kinabahan lalo nan ang akbayan ako ng lalaki na hindi ko naman kilala. Flashbacks started to come back like waves. Nang dahil doon ay hindi ko maiwasan na lalong manghina.

"Sumama ka na lang sa amin, Miss."

"Let's have some fun, okay?" wika ng lalaki na lalong nagpalala ng kaba ko. Hinihila na nila ako at gusto nila akong sumama pero ako ang nagpupumiglas. Pinipilit ko ang sarili ko at sabihin na may kasama ako pero ayaw nila makinig hanggang sa sinampal na ako ng matangkad na lalaki at tinignan ng masama.

"Kanina pa ako naririndi sa boses mo! Sumama ka na lang kung ayaw mo masaktan!"

Hindi na ako nakapagsalita dahil mas iniinda ko ang sakit na natamo ko galing sa kanya sa aking pisngi. Gusto ko umiyak pero hindi ko magawa. Hindi na ako nanlaban at kusa na lang sumama sa kanila dahil alam ko na kapag nanlaban pa ako ay hindi lang sampal ang matatamo ko sa kanila. "Sasama ka rin naman pala, dami-dami mong satsat!"

Kinaladkad nila ako. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. I am too weak to ask. Nilalamig na rin ako dahil inabutan na ako ng gabi tapos hindi pa ako nakakauwi sa hotel.

I was about to passed out when a car stopped in front of us. Bumaba ang pamilyar na lalaki sa sasakyan. I almost smiled when he saw me looked at me with full of emotions that I didn't want to name. Iyon kasi ang unang pagkakataon na tinignan niya ako ng walang galit sa mga mata niya.

"Let her go. Kasama ko ang mga pulis kaya mas mabuting huwag na kayong manlaban pa."

The man let me go. Inangat ako ng lalaki bago itinulak papunta kay Rowan. Sinalo niya ako habang inaaresto ng mga pulis ang tatlong lalaki.

Yinakap ako ni Rowan. Doon na ako napaiyak nang todo. Hindi ko na napigilan ang nag-uumapaw kong emosyon na kanina ko pa pinipigilan.

"B-Bakit ang tagal mong hanapin ako? P-Paano kung natuloy ang pagkuha nila sa akin... tapos hindi mo na ako nahanap? S-Sino nang magliligtas sa akin?" I said between my sobs. Hindi siya sumagot. Matagal bago siya nagsalita. Iyak lang ako nang iyak sa kanya habang nakayakap. Wala na akong pakialam kung may makakita sa aming dalawa. Ang tanging naiisip ko lang noong mga panahong 'yon ay ang magpasalamat kay Rowan na sinubukan niya akong hanapin at iligtas sa mga lalaking 'yon.

"I'm sorry, Wyn."

The Wedding Intruder - Solo Series -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon