11

13 2 0
                                    

Sa tatlong buwan na nakalipas ay naging mailag ako kay Gabriel umiwas ako at hindi na siya kinausap.

Sobrang hirap dahil kahit na gusto ko siyang kamustahin, kausapin at yakapin ay hindi ko magawa.

Pilit kong sinanay ang aking sarili na wala siya para sa araw na tuluyan na niya akong iwan ay hindi ako wasak na wasak.

Ngayon na rin ang aming graduation. "Kausapin mo na." Ulit ni Megan. Kanina pa kasi nila ako pinipilit na kausapin si Gabriel.

Narinig ko rin kasi na pagkatapos nitong graduation ay bbyahe na rin sila pa Manila.

"Hindi ko kaya." Sagot ko sakanila at naiiyak na.

Napabuntong hininga naman si Sin. "Ate, kung hindi ngayon kailan? ito na 'yung tamang oras para magusap kayo para maayos niyo kung ano man ang meron kayo."

"Tama, sis. Kahit magkaroon man lang kayo ng proper break up." Dagdag pa ni Megan.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumapit sakaniya. "Hi." Bati ko.

Halata naman ang gulat niya pati naman ng mga kaibigan niya kaya naman iniwan nila kami para makapag usap na rin. "Ligaya."

"Ngayon na 'yung alis mo ano?" Paguumpisa ko.

Tumango siya. "Magiingat ka roon ah?" Sabi ko pa.

Napaiwas naman ako ng tingin ng maramdaman kong tutulo na naman itong luha ko.

"Sorry, Ligaya." Sabi nito.

Pinilit kong ngumiti. "Ayos lang para naman sa future mo 'tong pagalis mo e."

"Ayaw mona ba talagang ituloy natin? Ayaw mong mag risk?" Tanong nito.

Umiling ako. "H-hindi ko alam... Alam mong hirap ako kapag hindi tayo nagkikita o usap ng personal tingin mo ba kaya kong sumabak sa ldr?" Sagot ko.

Niyakap niya ako. "Maghiwalay na tayo, Gabriel. I'm rooting for your future and please ingatan mo 'yang sarili mo. Hanggang sa susunod na pagkikita." Sabi ko at bumitaw na sa yakap niya.

"L-ligaya... Hanggang sa susunod na pagkikita, mahal ko."

right where you left meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon