Lahat kami ay nabigla nang malaman namin na pumanaw na pala si Governor Salcedo. Ang huling balita ay gumagaling na raw tapos kanina ay ibinalitang pumanaw na raw.
Sobrang nagaalala ako kay Gabriel kanina kopa pinag iisipan kung imemessage koba siya o hindi.
Napatigil ako nang tumunog ang phone ko.
probinsyanang matitinik
1:23 PM
meganduh
bading @ligaya nung ex niya puntahan mo kaya si gab?
nagwawala raw siya
sobrang umiiyak sa lamay ni gov
ligaya nung ex niya
pinagiisipan ko nga kung imemessage ko e
parang 'di ko kayang harapin siya, guys.
fuck
Napabuntong hininga na lang ako at nagulat nang makita na nag message saakin ang kapatid ni Gabriel na si Ate Deilayah.
Deilayah Salcedo
1:26 PM
hello, ligaya? u're my brother's ex gf right?
can u come to our house?
hindi namin alam kung paano papakalmahin si gabriel
ikaw lang ang nasa isip ko na makakapag pakalma sakaniya
hala hello po
sige po
thank you, ligaya. ipapasundo nalang kita sa mga body guards namin
Nang sabihin niya iyon ay kaagad na akong nagayos at lumabas na ng matapos. Konting oras lang naman ang hinintay ko at dumating na ang taong mag susundo saakin.
Nang makarating kami sa bahay nila ay sumalubong kaagad saakin si Ate Deilayah. "Hello." Bati nito saakin at bineso ako.
"Hello po." Bati ko rin.
She smiled at me. "Si Gabriel ang pinala na apektuhan sa pagkawala ni Dad kaya kung paano mo siya makikita sa kuwarto niya please huwag ka ng magugulat." Babala nito saakin.
Tumango lang ako at kumatok na sa kuwarto ni Gabriel. "Gabi?" Fuck that nickname.
He immediately open the door for me and hug me. Sa gulat ay niyakap ko nalang din siya pabalik.
Kaagad ko siyang cinomfort at dahan dahang hinahaplos ang kaniyang likod. "L-ligaya ang sakit, sobra." Umiiyak na sabi nito.
"Alam mo, may ikukuwento ako." Sabi ko at humiwalay ako sa yakap niya. Pinapasok niya ako sa kuwarto niya at pinaupo.
Napabuntong hininga nalang ako. "Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito ngayon, pero sa tingin ko ito lang 'yung kaya kong gawin para mapagaan 'yang loob mo."
"Nung umalis ka at iniwan ako sobrang naging fucked up ang buhay ko, araw araw akong umiiyak napabayaan ko sarili ko at muntik na nga rin akong magpakamatay e, ganoon ako sobrang naapektuhan nung naghiwalay tayo." Bahagya akong napabuntong hininga muli at pinunasan ang luha.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Gabriel, naiintindihan kita 'yung pain na nararamdaman mo puwede mong ilabas saakin lahat kasi i've been there kapag naaalala ko kung paano naging miserable 'yung buhay ko noon masakit pa rin."
He hugged me. "I'm sorry for leaving you, Ligaya. Pinangako ko sa sarili ko kapag kaya ko na at tapos na ako sa responsibilidad ko babalikan kita kasi mahal kita e, kahit naghiwalay tayo walang naging iba."
Napahiwalay ako sa yakap niya. "Sinungaling! Ang sabi ni Francis may maging ibang nobya ka sa Manila!" May galit na sabi ko.
Natawa naman ito. "Pinagtitripan ka lang ni Francis. Never akong nag entertain ng iba doon, Ligaya."
Napatingin naman ako sakaniya. "Promise?"
He smiled. "Promise."
Tumango ako at niyakap siya muli. "Namiss kita sobra, Gabi."
"Ano?" Tanong niya.
"Namiss kita kako." Ulit ko
"No, 'yung huli mong sinabi." Sabi pa ulit nito.
"Gabi?" Patanong na saad ko.
Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya saakin. "Tangina, namiss ko iyan, Ligaya."