Ngayon ay araw ng 23 at ngayon din ang monthsary namin ni Gabriel. Inaya niya pa nga ako sa school mamayang gabi at doon daw kami mag celebrate ng monthsary sa favorite spot namin.
Pumayag naman ako lalo na at minsan lang ito. "Ligaya, mamaya ah? h'wag mong kalimutan." Pagpapaalala niya ulit saakin.
"Oo na, paulit ulit ka." Sagot ko naman.
Natawa lang siya at humalik na saakin dahil papasok na siya sa trabaho niya.
Naging mabilis lang ang oras ala siete na agad at pumunta na ako sa school. Nagsuot lang ako ng off shoulder black dress.
Nagtaka nga ako bakit parang ang dilim sa school tapos natatanaw ko parang may pa red carpet.
Nang saktong pagbukas ko ng gate ay biglang bumukas ang mga ilaw at nakita ko ang mga kaibigan namin doon at iilang ka batch habang si Gabriel ay nakatalikod sa gitna.
Dahan dahan itong humarap at may dalang red roses. Kaagad niya akong niyakap ay hinalikan sa noo ng makalapit siya saakin.
He signal and ask me if he can dance with me daw. Natatawang tumango na lang ako. "Ang effort mo ah?"
Ngumisi ito. "Naman, special itong araw na ito saakin e." Sabi nito.
"Alam mo ba palagi kong pinagdadasal na sana bumalik kana saakin? at ngayong bumalik kana saakin ang pinagdadasal ko naman na sana ngayon gabi na ito ay makuha ko ulit 'yung matamis mong oo." Sabi niya at biglang lumuhod.
"Will you marry me, Ligaya?" He asked. At nagsihiyawan naman ang mga kaibigan namin.
Kaagad na nagsituluan ang luha ko at tumango ng maraming beses. "Oo naman, papakasalan kita." Sagot ko at sinuot na niya saakin ang sing sing.
He hugged me tight and shout. "Thank you, Lord! Mrs. Salcedo kana next year!"