Nang makarating kami sa school pagkapasok ko pa lang ang dami na agad na memories na pumasok saakin.
'Yung mga kulitan at harutan namin ng tropa at ni Gabriel. Napabuntong hininga na lang ako. "Nakakamiss."
"Huh? Sino ako? Miss mo?" Biglang sulpot ni Gabriel.
Agad ko naman itong inirapan. "Dati kabang kabute ah? sulpot ka ng sulpot ah!"
Nginitian lang niya ako at kinurot ang pisngi ko. "Cute mo talaga magalit, Ligaya ko." Sabi nito at tsaka naglakad palayo.
Napairap nalang ako at tsaka pumunta sa gawi nila Megan. "Kita namin 'yun ah." Pang aasar naman nila agad.
Hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang ako. Habang busy sila doon at nagaayos ng gamit ay naisipan ko munang lumabas at naisipang pumunta sa favorite spot namin ni Gabriel.
Laking gulat ko ng makita ko rin siya doon. "Baka nag rereminisce kana ah?Maaga pa." Bigla kong sabi kaya naman gulat na gulat siya.
Tinabihan ko siya doon at napatingin na lang sa kawalan. Palagi kong iniisip paano kaya kung hindi kami naghiwalay? Ano kayang buhay ang mayroon kami?
"Gabriel, may tanong ako." Sabi ko.
Humarap ako sakaniya. "Paano kaya kung hindi tayo naghiwalay 'no?" Sabay naming sabi kaya naman napatayo kaagad ako.
Napangisi siya. "Curious ka rin 'no?" May pangaasar na toni nito.
Napairap naman ako. "Ikaw din naman."
Hinatak niya ako pababa kaya naman napaupo ako sa lap niya. "Paano nga kaya ligaya kung hindi tayo naghiwalay 'no?"