SARIYAH PENELOPE's POV
Naglalakad ako pauwi dala ang isdang binili ko kanina sa palengke. Alas singko y meyda palang kasi ng umaga ay binulabog na ni tiya martha ang tulog ko. Hindi naman ako pwedeng magreklamo kaya sinunod ko na lamang ang utos niya.
Hindi naman kalayuan ang bahay ni tiya martha kaya agad rin akong nakarating. Papasok pa lang ako ng bahay pero amoy na amoy ko na ang baho ng sigarilyo.
"Oh ba't ang tagal mong nakauwi?" salubong sakin ni tiya martha habang humihithit ng sigarilyo.
"Meron lang po nangyari sa palengke kaya natagalan ako tiyang." sagot ko naman sa kaniya.
"Tsk. Magluto ka nalang dun dahil dadating mamaya ang tiyong mo." tumango naman ako sa kaniya at aalis na sana kaya lang ay pinigilan ako nito.
"May pera ka ba diyan?" tanong nito.
"Bakit po tiyang?"
"Andami mong tanong. Meron o wala lang naman ang isasagot mo."
"Magsusugal na naman po ba kayo tiyang?"
"Pakialam mo ba? Magbibigay ka ba o hindi?" nakataas ang kilay na tanong nito sakin.
"Pero tiyang pambayad po iyon ng kuryente. Baka ho maputulan tayo." sagot ko sa kaniya. Ngunit tiningnan lamang ako ni tiya martha.
"Wala akong pake. Ikaw na bahalang maghanap ng maipambabayad mo. Akin na yung pera." napabuntong hininga na lamang ako saka dinukot sa bulsa ang perang dapat ay pambayad ko sa kuryente namin.
Nang ilahad ko sa kaniya ang pera ay mabilis niya itong kinuha saka binilang pa bago muling humithit sa sigarilyo niya at ibinuga sa mismong mukha ko kaya napaubo ako.
"Magluto ka at pagkatapos mo ay linisin mo itong bahay tsaka labhan mo na rin yung mga labahin doon." utos niya.
"Tiyang baka mapahamak po kayo dahil sa pagsusugal niyo. Alam niyo naman pong bawal iyon hindi ba?" saad ko.
"Wala akong pake. Isa pa sariyah kung ano yung ipinagbabawal iyon pa ang mas exciting kaya wag mo na akong pakialaman at sundin mo na lamang ang mga inutos ko sayo."
"Pero tiyang------."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mong bata ka? Sundin mo na lamang ang utos ko sayo at hindi yung andami mo pang sinasabi diyan. Bahala ka na nga diyan!" litanya niya bago lumabas ng bahay.
Napabuga na lamang ako ng hininga bago pumasok sa kusina.
Kinse anyos pa lang nang maulila ako. Namatay kasi ang mama ko dahil sa cancer. Kaya naman si tiya martha na lamang ang nag-alaga at kumupkop sakin. Ngunit ang kapalit nun ay dapat manilbihan ako sa kanila. At iyon nga ang ginagawa ko ngayon. Wala rin kasing anak sina tiyang at tiyong kaya ganon na lamang sila.
Yung papa ko naman... Hmm ewan ko kung nasaan na. Hindi ko rin naman kilala kung sino ang papa ko. Ang sabi kasi sakin ng mama ko na pagkatapos malaman ng ama ko na buntis si mama ay bigla na lamang itong nawala ng parang bula. Kung baga magic, naglaho bigla.
Inis na napailing na lang ako. Ayaw ko talaga sa mga lalaking ganyan. Iyong pagkatapos nilang buntisin yung babae ay iiwan na lamang ng basta basta. Ayaw naman pala ng responsibilidad eh dapat umpisa pa lang hindi na nila ginawa ang bagay na yun. Psh.... Mga walang kwenta.
Pinagpatuloy ko na lamang ang pagluluto. At nang matapos ay kinuha ko na yung mga labahin nina tiya martha at tiyong, isinama ko na rin yung akin. Dala ang mga labahing nakalagay sa basket ay naglakad ako papunta sana sa likod bahay kung saan ang gripo nang mapatigil ako dahil sa pagdating ni tiyong.
YOU ARE READING
Being His Maid: EVANDER BLAZE VILLAREAL
Romance"Lumayas ka na ngayon! At wag na wag ka nang babalik pa!" sigaw ni tiyang at marahas akong hinila patayo at tinulak sa labas ng bahay. Tanging pag-iyak lamang ang nagawa ko habang tinitingnan si tiyang na galit akong tiningnan bago pumasok sa loob...