SARIYAH PENELOPE's POV
Paika-ikang naglakad ako habang bitbit ang bag na naglalaman ng mga damit ko. Hindi ko alam kong saan ako pupunta. Kanina pa ako palakad lakad at walang eksaktong destinasyon.
Si tiya martha lang kasi ang nag-iisang kadugo ni mama. Kaya wala akong ibang malapitan ngayon. Pero mas okay na rin ito kesa ang bumalik sa bahay na yun. Kung saan hindi ko masisiguro ang kaligtasan ko.
Napahawak naman ako sa tiyan ko ng kumalam ito. Gabi na rin at simula kaninang tanghali pa ako walang kain. Kung sana hindi kinuha ni tiya martha ang pera ko kanina, may maipambili sana ako ng pagkain ngayon. Pero wala e, kahit anong gawin kong hanap sa bag o tingin sa bulsa ng pantalon ko ay wala talaga akong makikitang pera.
Saklap naman ng buhay to!
Hindi pa nga mawala sa isip ko ang tungkol sa nalaman ko kanina e, tapos poproblemahin ko na naman ngayon ang pagkain at tutuluyan ko. Putangina sana hindi na lamang ako pinanganak!
Nanghihinang napaupo ako sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kong ano nang gagawin ko. Siguro dito na lamang ako sa gilid ng kalsada magpapalipas ng gabi.
Uupo na sana ako ng mamataan ko ang isang waiting shed sa gilid. Wala gaanong nakaupo doon tanging isang may edad na babae lang. Kaya naman ay nagtungo na lamang ako doon at naisipang doon na muna magpalipas ng gabi. At least mas okay pa doon kung sakaling umulan man lalo pa't kanina ko pa napapansin ang makulimlim na kalangitan.
Nang makarating sa waiting shed ay agad akong umupo. Nakita ko pang napasulyap sakin yung may edad na babaeng kasama ko dito. Habang ako ay nasa pandesal na hawak niya ang atensyon ko. Wala sa sariling napalunok ako sa sariling laway at natatakam na nakatingin doon. Rinig ko ang muling pagkalam ng sikmura ko at mukhang ganon rin ang may edad na babaeng kasama ko dahil nakatingin na ito sakin ngayon.
"Nagugutom ka ba hija? Sayo na to oh." saad niya sakin saka inilahad ang pandesal na hawak niya. Para naman akong kinain ng hiya kaya napayuko ako at ng muling mag-angat ng tingin ay umiling.
"Hindi na po." tanggi ko kahit rinig ko ang muling pagkalam ng sikmura ko.
Mahina naman siyang napatawa bago lumapit sakin at siya na mismo ang naglagay ng pandesal sa kamay ko. Nakita ko pa siyang may kinuha sa loob ng cellophane na hawak niya. Pagkatapos ay inilahad niya sakin ang isang bottled water na hindi pa nabubuksan.
Hindi ko alam pero bigla na lamang nanubig ang mata ko. Ganito pala yung pakiramdam na may nagmamalasakit sayo.
"Maraming salamat po." mahina kong pagpapasalamat sa kaniya. Ngumiti naman siya sakin bago umupo sa tabi ko. Nagsimula naman akong kumain.
"Walang anuman hija. Teka saan ka ba pupunta at may dala kang bag?" tanong niya at napatingin sa katabi kong bag.
Nilunok ko muna ang kinain ko tsaka nag-isip kung ano ang isasagot. Hindi ko naman pwedeng sabihin na pinalayas ako ni tiya martha. Kung maaari ayaw kong may makaalam ng nangyari sakin.
"Naghahanap po kasi ako ng mapagtatrabahuan." sagot ko na lamang. Iyon lang kasi ang naisip kong rason.
"Trabaho ba kamo?"
"Opo."
"Okay lang ba sayo kung pagiging kasambahay lamang hija." tanong niya na nagpatigil sakin sa pagkain. Agad akong napabaling sa kaniya.
"Opo! Ayos lang po sakin kung kasambahay lamang." hindi ko maitago ang tuwa ko nang sabihin ko yun.
"Kung ganon ay tapusin mo muna iyang kinakain mo at sumama ka sakin mamaya pagbalik sa mansyon. Mabuti na lamang at naghahanap kami ng bagong kasambahay ngayon. Pero siguro bukas pa kita ipapakilala kay sir evan."aniya, "Naku yung batang yun talaga may sariling mansyon pero madalas lamang matulog doon."
YOU ARE READING
Being His Maid: EVANDER BLAZE VILLAREAL
Romance"Lumayas ka na ngayon! At wag na wag ka nang babalik pa!" sigaw ni tiyang at marahas akong hinila patayo at tinulak sa labas ng bahay. Tanging pag-iyak lamang ang nagawa ko habang tinitingnan si tiyang na galit akong tiningnan bago pumasok sa loob...