CHAPTER 2

136 24 2
                                    

SARIYAH PENELOPES'S POV

"Who the f*ck are you woman?"baritono niyang tanong pero mas lalo akong nanlaban sa kaniya. Bigla niya namang kinuha sakin ang walis at basta na lamang itong hinagis sa kung saan.

Akmang kakagatin ko ang kamay niya ng pareho kaming mapatigil dahil sa biglang pagbukas ng ilaw. Unang bumungad sakin ang tatlong kasama ko sa kwarto. Antok pa ang mga mata nito pero ng makita ang posisyon namin ng lalaking magnanakaw na to ay agad na nanlaki ang mata nila.

Agad naman akong binitawan nitong lalaking.

"May magnanakaw. Nahuli ko siyang naghahalungkat ng ref!" sabi ko habang hinahabol pa ang hininga ko.

Nakita ko naman silang lumapit sa pwesto namin. Nang-aasar na tumingin ako doon sa lalaki.

Huh! Ano ka ngayon? Siguro bukas e matutuwa sakin yung may-ari nitong bahay dahil ako yung nakahuli dito sa magnanakaw.

Ngunit ang sayang naramdaman ko kanina ay nauwi sa pagkalito nang ako ang hawakan nina tanya at inilayo sa lalaking ngayon ay seryosong nakatingin sakin habang nakasandal sa lamesa.

"Teka lang... bakit ako ang hinawakan niyo? Di ba dapat siya?" lito kong tanong at pilit tinuturo yung lalaki.

Nakita ko pang tinaasan ako ng kilay nung lalaking magnanakaw. Pansin ko rin ang naglalarong ngiti sa labi nito habang umiiling na nakatingin sakin.

"Teka-"

"Taympers lang sariyah hah. Pinapahamak mo ang sarili mo e." pigil ni tanya sakin. Nalilito ko silang tiningnan.

"Bakit ba kasi?"

"AMONATINYANGPINAGBIBINTANGANMONGMAGNANAKAW!" mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni madona.

Kanina lang kami nagkakilala pero parang gusto ko siyang busalan sa bibig para hindi na siya makapagsalita pa. Wala rin naman kasing silbi kong ganyan rin naman siya magsalita. Kala mo naman hinabol sa bilis magsalita.

"Salamat hah! May naintindihan talaga ako." sarkastikong sagot ko kay madona.

"Ang bilis mo naman kasing magsalita madona. Ako na nga lang magsasabi sa kaniya." mabilis namang humarap si lilian sakin saka ako hinawakan sa magkabilang braso.

"Amo natin yang sinasabihan mong magnanakaw sariyah. Si sir Evan yan. " aniya.

Ilang segundo akong natahimik pero nang maintindihan ang sinabi ay mabilis pa sa alas kwatrong napabaling ako doon kay sir evan -err na akala ko magnanakaw. Kasalukuyan na itong umiinom ng tubig ngayon pero nasa akin ang paningin. Oh my ghadd! Ito na ba ang katapusan ng trabaho ko?Tuluyan na ba akong matutulog sa gilid ng kalsada? Sana pala pinigilan ko na lamang yung uhaw ko. Bahala ng madehydrate wag lang mawalan ng trabaho.

"Hijo mabuti naman at naisipan mong umuwi ngayon." mas lalo lamang dumoble ang kaba sa dibdib ko nang pumasok si manang soling kasama yung tatlo pang kasambahay.

Hindi ko alam kung ilang santo na ang tinawag ko sa utak ko. Kulang na lamang ay lumuhod ako at paulit-ulit na magdasal para lamang hindi matanggal sa trabaho.

"Naisipan ko lang na dito muna matulog manang. But I didn't know someone will welcome me in the middle of the night." sagot niya ng hindi man lang tinatanggal ang paningin sakin.

Hindi ko maiwasang mapangiwi at mapag-cross ang dalawang daliri. Mukhang 50/50 na nga dito ang trabaho ko.

"Oh si sariyah ba? Teka hija ikaw ba yung sumigaw kanina?" di ko alam kung ngingiti ba ako o ngingiwi ng ako naman ngayon ang balingan ni manang soling.

Hilaw na ngumiti ako, "O-opo manang. Pero swear po hindi ko po sinasadya. Akala ko po kasi e magnanakaw siya.... Bakit ba kasi hindi pa binuksan yung ilaw." sagot ko pero bulong lamang yung sa huli.

Being His Maid: EVANDER BLAZE VILLAREALWhere stories live. Discover now