CHAPTER 3

114 19 2
                                    

SARIYAH PENELOPE'S POV

Mabilis ko lang natapos ang paglilinis ng kwarto ni sir evan. Hindi rin naman kasi ganon kadumi ang kwarto niya. Mukhang palagi naman yung nililinisan.

"Sariyah." kakababa ko lamang ng hagdan ng salubungin ako ni tanya. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya kaya ganon ang ginawa ko.

"Bakit?" tanong ko habang inaayos ang pagkakabitbit ng walis.

"Tulungan mo naman akong dalhin yung mga pagkain doon sa may pool." di ko maiwasang mapakunot ng noo. Bakit kailangang doon pa dadalhin? Eh may lamesa naman sa kusina? Ano yun display lang?

"Bakit daw doon dadalhin? Doon ba mag-aagahan si sir evan?"

"Ang alam ko ay dadating daw yung mga kaibigan niya mamaya. Kaya doon pinapahanda ni sir evan."

"Sige. Ibabalik ko lang to sa lagayan." sabay pakita sa hawak kong walis.

Tumango naman siya, "Dumiretso ka na lang sa kusina."

"Sige."agad na akong umalis doon at ibinalik sa lalagyan yung walis.

Pagkatapos ay dumiretso sa kusina. Agad ko namang naabutan si tanya na inaayos yung mga pagkaing dadalhin sa labas.

Pasimple kong inilibot ang paningin sa paligid. Nasan si sir evan? Di ko yata siya makita ngayon dito.

"Heto sayo sariyah oh." mabilis ko namang nilapitan si tanya saka kinuha yung mga pagkaing dadalhin ko. Nang matapos ay sabay kaming nagpunta sa may pool at inayos ang mga pagkain sa may lamesa.

Nang matapos ay papasok na sana kami sa loob ng bahay nang makasalubong namin sina sir evan. Nasa likod niya ang tatlong kaibigan niya.

And oh my sheesh! Ano bang nagawa kong kabutihan ngayon at mukhang pinagpala akong makakita ng mga nagagwapuhang nilalang. O baka naman may himala yung pandesal na pinakain ni manang soling sakin nung unang gabing nagkita kami. Naku baka di manang soling talaga ang fairy grandmother ko. Sinikreto niya lang.

"Hey!" agad na napatingin ako sa isa sa mga kaibigan ni sir evan. Isang chinito yung nagsalita at nakangiti pa itong nakatingin sakin. "Your new here?"

Pasimple ko namang inipit sa likod ng tainga ko ang buhok na kumawala sa mukha ko.

"Opo. Bago pa lang ako sir." sagot ko sabay ngiti.

"Kaya pala ngayon pa lang kita nakita dito. Hi tanya!"

"Hello po sir!"

"Alam mo miss hindi bagay sayo ang pagmimaid. Mas bagay sayo ang...." napabaling naman ako sa isa pang kaibigan ni sir evan. Itong lalaking to ay may dimple. Kahit hindi ngumingiti ay mapapansin mo pa rin ang dimple niya.

"Ang?" tanong ko. Hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Mas bagay sayo ang maging asawa ko." aniya. Naramdaman ko naman ang pagkurot ni tanya sakin. Di ko rin napigilang mapangiti pero nang mapatingin kay sir evan na salubong ang kilay ay agad nawala ang ngiti sa mukha ko saka napatayo ng tuwid. Hirap pasayahin ng isang to.

"Btw I'm mikael." pagpapakilala nung lakaking may dimple.

"Ethan here." yung lalaki namang chinito.

"And I'm lucas." pagpapakilala rin nung pangtatlong kaibigan ni sir evan. Ang isang to naman ay mukhang kapareho ni sir evan. Yung tipong mahirap patawanin. Kumbaga serious type.

"Ah ako naman si sariyah. Hehe."saad ko naman saka isa-isa silang kinamayan. Shemayy ang lalambot ng kamay. Di siguro to gumagawa ng mga gawaing bahay. Hayy pag buhay mayaman nga naman.

Being His Maid: EVANDER BLAZE VILLAREALWhere stories live. Discover now