CHAPTER 4

20 0 0
                                    

SARIYAH PENELOPE's POV

Magtatanghali na ng tumigil sina sir evan sa paglalangoy sa pool at pumasok dito sa loob ng bahay. Nang makita silang umupo sa may living room ay pinagpatuloy ko na lamang ang paglilinis.

Ngunit napatigil ako ng makita ang isang litrato ni sir evan, kasama ang mga magulang nito. Nakatitig lamang ako sa litratong yun. Nakangiti siya sa litratong ito at makikita kung gaano niya kamahal ang magulang niya. Pero hindi ko yata nakikita ang magulang niya ngayon. Nasa ibang bansa ba sila?

"Hoy! Anong tinitingnan mo diyan?" bulong ni lilian sakin saka ako siniko ng mahina.

"Lilian, matagal ka na bang nanilbihan dito?" balik tanong ko sa kaniya. Lito naman siyang tumingin sakin pero tumango rin naman.

"Oo bakit mo natanong?"

"Alam mo ba kung nasaan ang mga magulang ni sir evan? Nasa ibang bansa ba sila? Hindi ko yata sila nakita dito."

Kita ko ang bahagyang tingin ni lilian kay sir evan bago ako marahang hinila palayo doon at nagtungo sa may kusina.

"Bakit?" takang tanong ko.

Bakit parang takot siyang marinig ni sir evan ang pag-uusapan namin? Wala naman sigurong masama doon.

"Ayaw lang kasi ni sir evan na binabanggit yung mga magulang niya." saad niya at muling sumilip kina sir evan. Pansin ko pa ang pagbuga nito ng hangin na para bang naibsan yung kabang naramdaman niya kanina.

"Bakit naman ayaw niya? E magulang niya naman yun? May alitan ba sila?"

"Hindi naman. Sa totoo niyan base sa mga naririnig ko, sobrang malapit talaga iyang si sir evan sa mga magulang niya. Kailanman ay hindi niya sinuway o kahit man lang magawang magalit sa mga magulang niya."

Mas lalo tuloy akong naging curious dahil sa sinabi niya.

"Kung ganon, bakit ayaw niya na binabanggit ang magulang niya?"

"Kasi ang balita ko.....wala na ang mga magulang niya." saad ni lilian na nagpagulat sakin. Hinfi ko inaasahan yun. "Ang alam ko, birthday niya nung araw na namatay ang magulang niya. Pitong taon pa lang siya nung mangyari ang aksidenting yun."

"Teka lang.....namatay sila? Ano bang kinamatay ng mga magulang niya?" tanong ko na mas naintriga pa.

"Car accident daw. Susurpresahin dapat siya ng mga magulang niya kasi nga birthday niya. Iniwan muna kasi siya ng mommy at daddy niya sa bahay ng lola at lolo niya. So yun nga nalaman na lamang nila yung nangyari sa mommy at daddy niya nung may tumawag sa kanila. Nakakaawa nga si sir evan e, dahil sobrang bata pa niya nung mangyari yun. Sobrang hirap kayang mawalan ng magulang sa murang edad lamang." parang biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Siguro dahil rin sa awa. Hindi ko alam na ganon pala ang nangyari kay sir evan. Kaya pala hindi ko pa siya nakitang ngumiti man lang. Nakakaawa at nakakamangha siya dahil kahit na nangyari yun sa kaniya, heto at patuloy pa rin siyang lumalaban sa buhay. Andami na nga niyang narating sa buhay.

Kung ako siguro yun....

Agad na tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Naiisip ko na naman si mama. Kapag naiisip ko talaga siya talagang nagiging emosyonal ako. Parang lahat ng masasakit na alaala noon ay muling bumabalik. Napakahirap naman talagang mawalan ng mahal sa buhay.

"Ayos ka lang sariyah?" tanong ni lilian. Nagkamot ako ng kilay saka pasimpleng pinunsan ang luha bago tumingin kay lilian.

"Oo ayos lang ako. Di ko akalaing ganon pala ang nangyari kay sir evan."

"Naku nakakaawa talaga si sir. Alam mo bang sa tinagal ko rito hindi ko pa yan nakikitang ngumiti man lang kahit isang beses. Nakocurious nga ako kung anong feeling ang makitang nakangiti si sir. Pero ang alam ko rin, may dating kasintahan yan si sir evan. Pero naghiwalay rin sila nung mangibang bansa yung babae. Sayang nga e dahil 5 years na daw yun sila e. Kung ako siguro yun, talagang hindi ko na papakawalan si sir evan. Aba full package na, papakawalan ko pa ba."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 6 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Being His Maid: EVANDER BLAZE VILLAREALWhere stories live. Discover now