Chapter 18: Thalia and Alexan's Moment! 07/10/15

50 1 0
                                    

"Ano bang problema mo? Why you are always following me? At anong sinasabi mong boyfriend kita? Sabog ka ba?" ~© Thalia Chloe Mercer.

***

        Sa sobrang pagod ko kagabi hindi ako maka-sleep ngayong kailangan ko! Oh, my dee! Nakaka-inis kasi si Polka Dots eh!

N'ong una, seven thirty may ka-date ako, shopping daw kami, ay hindi pala, sasamahan niya lang ako. Gwapo at hot siya eh, sayang naman siya kung tatanggi pa ako 'di ba? Lapitan kasi ako ng mga magagandang lalaki eh! Hahaha, na-udlot lang iyon dahil kay Alexan a.k.a Polka Dots! Grrr! Sinira niya yung date namin ni pogi. Hayy! Sinabi pa niyang siya ang ka-date ko at hindi yung magandang lalaki (nakalimutan ko yung name) nagpa-uto naman si pogi! Hay! Sayang yun ah! Ano kayang problema ni bakla? Grrr!

Tapos no'ng isang araw naman, makikipag-date ako sa isang foreigner, naka-video call ko lang siya. So, ang dami kong nalaman sa kaniya, that time. Ngayon, magta-travel daw siya dito sa Philippines upang makipag-date sa akin. Haha, ang haba ng hair ko! Pero siyempre, d'on sa spot na ime-meet namin ang isa't isa ay hindi kaagad-agad ako sumipot. Malay mo, magnanakaw, drug pusher, matanda, o 'di kaya'y takas sa mental yun. Aba! Safety first nga 'di ba? Pero hindi eh, ibang iba siya! Kung ano ang picture at video-ng nakita ko sa website, siyang-siya din! Mukha siyang baby face with baby blue eyes! Oh, oww. Yung pagkaka-flirt ng katawan ko, lumalabas na! Haha, pero sa kabila ng lahat ng iyon, nasundan na naman ako ni Alexan. Pinagsusuntok niya yung boy, wala namang ginagawang kasalanan si Baby Blue Eyes eh. Ano kayang pumasok sa kokote ni Polka Dots? Hayy!

*Flashback~

"Are you nuts?! Why did you punch me dude?! What's your problem?! Huh?!"

"You! You are the problem!"

"Tell me baby, is that your boyfriend?"

"Yes/No" nagkatinginan pa kami ni Polka Dots.

"No we're not!" hinatak ko papalayo si Polka Dots kay baby blue eyes.

Pumunta kami sa hindi malayuang garden, gusto kong linawin ang lahat eh.

"Ano bang problem mo? Why you are always following me? At anong sinasabi mong boyfriend kita? Sabog ka ba?!"

"I'm just want to save you from trouble. He's too dangerous. You don't even know him who's the real him! He is not worth it for you! Saka hindi mo naman alam kung record ba yan sa pulis or drug alert yan!"

"Oh, my dee! What are you talking about?! That I'm serious of him? Duh! He's my toy, OK? Saka, sino ka ba para pagsabihan ako ng dapat kong gawin? Hindi na ako bata para pagsabihan mo 'ko ng ganyan! Ok?! Anong DRUG ALERT na pinagsasabi mo diyan?! Drug Pusher yun, tanga!"

"Drug Pusher, Drug Alert kahit ano d'on! Basta, yun na yun! I'm just trying to help you, OK?"

"No need. Sino ka ba sa buhay ko ha? You're just a friend of Pollux and nothing else."

"Tama. I'm just nothing but a friend of Dude Pollux! Sino nga ba ako sa buhay mo? Wala naman 'di ba?! Hahaha, ang tanga-tanga ko grabe! Sige magsama kayo ng unggoy na yan!" tuluyan na siyang lumisan papalayo sa akin.

Naglandas ang aking mga luha. Bakit ako nasasaktan?

*End of Flashback~

Simula n'ong nangyari iyon, hindi na siya nagpapakita sa'kin. Hindi ko maipaliwag, na siya lagi ang aking hinahanap. Simula n'on hindi ko na maaninag ang kaniyang anino. Kahit sa school, hindi ko siya nakikitang kasama sila Khione.

Isang gabi ang nakakalipas, nakita ko siya sa isang boutique sa mall. Bakit siya nandito? Bakit siya pumipili ng mga damit pang-babae? Kanino niya ito ibibigay? At higit sa lahat, sino yung babaeng nakapulupot yung braso niya kay Polka Dots?

Hindi ko alam pero naiyukom ko ang aking mga palad. Nanggagalaiti ako sa galit. Nakakainis! Bakit hindi siya nagpapa-ramdam sa akin... sa amin? May problema ba siya? Bakit hindi niya sabihin sa'min. Hindi yung, mawawala na lang siya na parang isang batubalani na minsan kapag nawala mo hindi mo naman mahanap tapos makikita mo na lang sa sumusunod na araw naka-dikit lang pala sa pinto ng pridyider. Kainis yun diba?!

Iniwan ko ang aking dalang small bag d'on sa saleslady saka tumahak sa kaniyang kinaroroonan.

Sinampal ko ang babae ng dalawang beses yung flirty monster! Halata naman kasi siyang maharot eh! Grrr!

"Oh, my God! Who the hell are you bitch?! Why did you slapped my face!?"

"Shut up! Who the hell are you too slut?! Ha-ha, I mean WOMAN WHORE?!"

"Hey girls, stop it!," hinatak niya ako tungo sa labas, naka-masid lang sa'min ang mga saleslady, "Ikaw, ano bang problema mo? Bakit mo siya sinampal?"

"Can't you see, she looks flirt! Grrr! I want to kill her!"

"W-what? Kill her? Sigurado ka bang gusto mo siyang patayin? Ano bang lumalabas sa bibig mo?! Killer ka ba?!"

I slapped him, "You know what, I don't know kung ano ang pumasok sa kokote ko kung bakit ko ginagawa ito ngayon eh. Look, sa tana ng buhay ko, ngayon na lang ulit ako nag-kuryos sa lalaki! Lagi ko silang ginagawang laruan! Pero, pagdating sayo, bakit parang hindi kita kayang paglaruan? Bakit!? Please tell me!"

Naglandas ang aking mga luha.

"Chloe, pas---"

"F*ck! N'ong nakita ko yung flirty monster na yan hindi ko na like ang kanyang radar! Ewan ko kung bakit! T*ng*na, hindi ko alam kung ano na ang mga pinagsasabi at pinaggagawa ko! Hindi ko alam kung ako pa ba ito, at kung bakit ko sinasabi sayo ito! T*ng*na mahal na kita! Mahal na kitang gago ka!" Hinawakan niya ang dalawang braso ko, pero tinabig ko kaagad iyon, "Chloe, sorry. Hindi ko alam na nasasaktan ka na pala. Sor--"

"Ay, oo nga pala, hinahanap ka ni Khione ngayon, puntahan mo na lang siya sa Heavell Degree."

Tinalikuran ko siya, "Oh! Anong tinitingin-tingin niyo!? Layas! Wala ng show OK? Next time meron pa!" grabeng mga tao ito! Napaka-tsismosa!

Kinuha ko sa saleslady yung small bag, saka na lumisan. Tumakbo ako na para bang walang taong naka-paligid sa'kin. Hindi ko alam kung sinudundan niya ako, as I wish namang susundin niya talaga ako. Ayokong mag-assume! Tsk. Kahit anong gawin n'un, hinding hindi magbabago ang tingin ko sa kanya.... bakla pa din siya!

Pinaharurot ko kaagad ang aking kotse, gusto ko munang mag-libang malayo dito. Pumunta ako sa isang market at bumili ng mga Alcoholic drinks, buti na lang may nagbebenta pa sa ganitong oras. Sumakay kaagad ako at tuluyan ko ng pinaandar ng napaka-bilis ng car ko. Ilang oras din akong nagba-byahe tungo sa... saan ba ito? It looks so unfamiliar na to me. I think, bukid itong napuntahan ko? Madaming bahay kubo dito. Lumabas ako sa kotse ang lamig ng simoy ng hangin. Hindi ko alam kung paano ako makaka-uwi. Padalos-dalos kasi ako, hay! Dagdag problema ito. Tsk. Uminom ako ng alak.

May tutulong kaya sa'kin dito?

-to be continued...

Torturing the Bad GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon