Chapter 11: Living Like A Dead

42 3 0
                                    

~ Fight for your peace! No one can control your destination. Make it success! ~ © Thalia.

***

TINAWAGAN nga niya. Ilang beses pa itong nag-ring pero walang sumasagot.

Pero sa bandang huli ay may naka-sagot na nito.

"Gotcha! Hahaha." inilayo niya muna yung phone ko sa tenga niya saka base sa pagkakahawak d'on sa phone ko, ini-loud speak niya ito.

[OUT-CALL] : "Hello sweetheart! Where are you? Nand'yan ka pa ba sa Montago's Venue?"

Naglandas ang aking mga luha. Hindi puwede ito! Kailangan kong ipakita kay Venus na matatag ako!

[IN-CALL] : "Hi po tita."

[OUT-CALL] : "Venus? Ikaw ba 'yan? Bakit hindi pa kayo umuuwi?"

[IN-CALL] : "Tita, kung gusto niyo pa pong makita ang anak niyo. Kailangan niyong sundin ang iuutos ko sa inyo!"

[OUT-CALL] : "Huh? Anong pinagsasabi mo iha? Nasaan kayo?!"

[IN-CALL] : "Wag mo po akong pangunahan tita! Heto ang rules ko para sainyo, makinig ka. Buhay ng anak mo po ang nakasalalay dito! First, kailangan may isang tao ang pupunta kung nasaan kami ngayon. Second, kailangan may dala siyang kalahating milyon. And Third, kakausapin mo ng panandalihan ang anak mo po habang hawak ko ang phone niya. Maliwanag po ba?"

[OUT-CALL] : "P*tangina! Nasaan kayo ng anak ko?!'

[IN-CALL] : "Relax! Kung ayaw niyo ng makita ang anak niyo, pasensyahan na lang tayo! Hahahaha"

Lumapit si Venus sa'kin at sinampal ng napaka-lutong ang pisngi ko, ang lakas ng impact nito saka itinapat sa bibig ko ang phone ko na hawak niya.

Tinanggal ng isa niyang utusan na uto-uto ang pagkakalikat sa bunganga ko.

Habol hininga ako na para bang matagal akong hindi naka-hinga.

"Magsalita ka naman Thals. Ayaw mo bang kausapin ang Punyeta mong ina?!"

"Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito Venus?"

Naglandas ang aking mga luha. Hindi ko mapigilan eh, kusa na lang tumulo. Ang sakit na ng katawan ko ----- totally.

"Huwag kang atat! Sasabihin ko din mamaya kaya get ready! Kausapin mo naman ang ina mo? Oh! Punyetang ina ni Thals ayaw ka daw kausapin ng anak mo!"

"MOM! NO ONE COULD GO HERE! AYOKONG MAPAHAMAK KAYO. PLEASE LANG!"

Sana walang pupunta dito ni-isa sakanila , baka makita ko na ng tuluyan ang sungay ni Venus at 'yun ang ayaw ko pang makita sa tana ng buhay ko!

"Sweetheart, pupunta ang Dad mo d'yan. Siya lang mag-isa, wag kang mag-alala he will help you for pete sake!"

"M-mom...."

W-why? Bakit siya pupunta here? He would got in trouble if pupunta pa siya dito!

Tinapat na niyang muli ang phone sa ear niya, hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila. Isa lang ang nadinig ko; ibinigay ni Venus ang Address kila Mom at pursigidong pupunta si dad, here.

Sinilip ko muna ang wrist watch ko, halos alas-dos na pala ng madaling araw. Buti hindi tinanggal ni Venus ang wrist watch ko?

Kaya pala kaninang nagsisigaw ako para humingi ng tulong ay wala naman palang nakaka-dinig sa'kin. I forgot na isang liblib na lugar ang abundant house na ito.

Torturing the Bad GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon