Chapter 14: Seriously!? 06/29/15

38 0 0
                                    

Eris (Ang tagal niyang nawala sa P.O.V.)

        Lagi kong nakikitang magkasama sila Big Bro at Thalia. Laging magka-holding hands. Tinanong ko naman si Big Bro kung syota na ba niya si Thalia, pero tipid na ngiti lang ang sagot niya. Ang gulo niya.

         Kaarawan pala ni Thalia ngayon. Kaya pala, todo porma si Big Bro, kakaibang ngiti ang lagi kong nakikita sa mga labi niya.

Si Big bro, gusto niya sana akong isama pero hindi ako sumang-ayon sa kagustuhan niya.

Bakit ako sasama kung alam ko namang hindi ako inbitado at mas lalo pa nila akong aapihin kung pupunta pa ako.

          Narito ako sa isang silid kung saan ako laging nagbabasa. Kahit gabi ay nagbabasa pa din ako ng mga paborito kong mga istorya.

Madaling araw na n'ung tumigil ako, para kasing nanghihina ako n'on. Nahihilo ako na parang ewan.

Lagi namang wala si Tiyang Melda dito sa bahay, dahil nakapag-hanap na siya ng trabaho, 'di ba?

Nag-text ako kay Big Bro na kailangan na niyang umuwi sa bahay, dahil ako ay magkaka-sakit ata. Hindi ako nagkamali; dumating nga siya.

Hinihipo-hipo niya lagi ang aking noo, kung may sakit ba ako o wala.

"Fever." alam ko na ang tinutukoy niya.

Kumuha siya ng gamot at tabletas sa ref. Kumuha din siya ng mineral water, pina-inom niya sa'kin. Mainam kong ininom ito saka na humigang muli sa kama ko para na din makapag-pahinga na ako.

"Big bro, hindi ka pa ba uuwi sainyo? Baka, hinahanap kana ni Tita mo."

"I'll stay with you, Lil' sis. Walang magbabantay sayo ngayon sige ka."

"Ayus lang, big bro. Baka hinahanap kana sainyo."

"Wag ng makulit. I'll stay with you here, hanggang magkaroon na ng sinag ang araw." ngumiti ako sakanya ng napaka-pait. Ang bait niya talaga kahit kailan... Sana may ganito akong kapatid kagaya niya...

         Naalala ko tuloy, ilang araw na din akong hindi binu-bully ng mga Goddesses. Pansin kong ang lalim lagi ng mga iniisip nila. May problema ba sila o sadyang pagod na sila?

Nagsimula ito, n'ung dumating dito sa Pilipinas si Big bro.

May koneksyon ba ito sa pag-dating niya o wala?

Masyado na talaga akong nakukuryos.

Nagbago kasi bigla ang mga timpla ng apat eh.

         Umalis na si Big bro sa silid ko, sa kwarto na lang daw ni Tiyang Melda, d'un daw siya matutulog.

Nakakahiya, hindi man lang siya nakapag-bihis.

Nagising ako dahil may naririnig akong mga kalampog ng mga paa.

May magnanakaw kayang naka-pasok sa bahay? Posible yun.

Napa-upo ako sa kama, may pumasok na dalawang naka-armadong lalaki sa kwarto ko.

"Sino kayo? An---"

"Kailangan niyo pong sumama sa'min."

Everything went black.

***

PAGKAMULAT ng aking mga mata, isang malawak na bahay kaagad ang nakita ng mga mata ko. Naka-higa ako sa kama na malambot. Sobrang lambot, ito ang kauna-unahang naka-higa ako sa isang pang-mayaman na kama.

Torturing the Bad GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon