Chapter 25: The Cogitation 09/07/15

22 2 0
                                    

Tripp Pollux

We've both running this time. I won't tolerate the others. I won't be scared because of this. I don't want to see them dying in this battle even my love once. If I'm a good Mafia Boss, we will make it 'til the end. We can survive, just to show our trusts and stop losing hopes. We are brave and dauntless! Always wins never loses!

Pinapalibutan ako ng mga allias ko dito sa isang yatch. Sa kabilang yatch ay ang mga Mafia reaper at kasama d'on si Athena. Sina Hera, Thalia at Trinna ay nasa kabilang yatch naman kasama ang ibang Mafia Reaper at nakakataas pa rito. Isinantabi ko muna ang mga negative thoughts ko. Ayokong madismaya ng wala sa oras. Ayokong maduwag. Pinasabugan namin ang yate ng kalaban namin na medyo may kalayuan. Napaka-panganib talaga nito. Natamaan ang yate nila at pinasabugan ulit iyon ng lima pa hanggang sa nakita naming nagpa-panic na sila. Kalmado lang akong tinitingnan ang mga taong nagsisi-takbuhan at mga taong lumalangoy na sa dagat.

Hindi ako mapakli dahil hindi ko siya katabi. Bakit kasi nais niya pang sumama sa mga kapwa mafia reaper? P'wede naman siya sa 'kin sumama. Natatakot akong mawala siya.

Pinlano kong iisa-isa naming ta-targetin ang isang yatch. Hangga't hindi ito lumulutang, hindi namin ito tatantanan sa pagsasabog ng mga dinamita. Maraming pasabog ang inihanda namin. May isang dumapong dinamita sa yatch na sinasakyan ko kaya medyo nagpanic ang mga kasamahan ko. Pinapa-kalma sila ni Lexus upang hindi sila mag-panic. Napuruhan ang aming yateng sinasakyan kaya medyo umapaw yung tubig galing sa dagat sa yateng kinasasakyan namin. Nagsikilos kaagad sila upang tumigil sa kaka-apaw ang tubig. Sa ginawa nila, kaunti na lang ang lumalabas na tubig dahil sa makapal na pagkakalagay na parang bakod na flywood na hindi ko alam kung anong tawag dito. Still safe. Tiningnan ko kung saang yate nanggaling ang pasabog na iyon. Damn, d'on pala sa ikalawang sulok na yate pala. Umalis ako sa kinatatayuan ko at nagpwesto sa mga madadaming weapons. Sa gilid nito ay may pampasabog na dinamita na kahit malayo, maabot nito ng kalaban. Tinututok ko ito sa pwesto ng kalaban. Pinasabog ito. The next thing na nakita ko, naka-lubog na yung barko. Hindi lang pala ako ang nagpasabog ng dinamita, si Athena din pala at naka-smirked siya sa 'kin. Makikita ko naman na smirked yun. Kilala ko siya eh.

Pinagpapawisan na ang mga kasamahan ko, kahit na napaka-lamig na. Ang dagat kasi na ito ay nagyeyelo na kaya medyo may pagkahirap ang pagmamaneho nito sa dagat. Madaming nangamatay sa mga kalaban.

Sampung yate na lang ang natitira sa 'min. Sa kalaban naman ay anim. Mas lamang pa kami ng apat. Pero mas madami pa sila kanina sa 'min n'ong 'di pa nag-uumpisa ang laban...

"Save them Lexus. Babalik ako sa island." I said while I'm serious fixing my life jacket.

"Ha? Why? Anong gagawin mo? Hindi ko sila kayang i-manage dito, Dude." Nagtatakang batid niya sa 'kin habang hindi siya naka-tingin sa 'kin dahil mas focus siya sa madugong laban.

"You can manage them. May mas important akong gagawin sa island. May naka-pasok eh. Ge."

"Sige Dude, ingat. Anak ng tipaklong, bahala na! Tsk!" naghihintay na ang helicopter na nag-aabang na sa 'kin. Sumakay na ako upang mabilis akong maka-punta sa island. Tinawag namin itong The Lost Island, it because madami ng nangamatay rito at madaming mga secrets ang naka-tago rito. May yungib din roon na p'wedeng taguan pansamantala. Kung sanang buhay pa si Uncle Maxzeith, baka siya ang nandirito sa kinatatayuan ko ngayon.

***

Thalia

Nakaka-kilabot pala dito. Natatakot ako pero pinipilit kong maging matatag. Naka-tayo ako habang naghihintay ng response sa mga kasama ko na busy sa pagpapasabog ng mga dinamita. Hindi ako mapakli sa kinatatayuan ko kaya kinagat ko ang mga kuko ko. Nag inhale and exhale ako upang kumalma. Nahagip ng aking paningin si Alexan. Kasama niya ngayon si Daisy. Bakit wala si Dominic? Kahit hindi ko sila kasama sa iisang yatch, nakikita ko pa din sila. Nag-uusap sila na tila napaka-serious. Oh, my dee! Ngayon ko lang ulit nakitang serious mode si Alexan. Ano bang pinag-uusapan nila? Bakas sa mukha nila na hindi sila makahunos dili eh.

Torturing the Bad GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon