Chapter III: Partners

1.9K 55 10
                                    

Callie's POV:

[Flashback]

After umalis ni Maeve, napagdesisyonan ko munang tumambay dahil maya maya pa naman ang klase namin, mahangin naman yung paligid kaya relaxing rin kahit papaano.

Habang nakaupo ako, tumabi naaman si Jia sakin.

"Oh jia, akala ko hanap mo si Maeve? Kakaalis lang." Bungad ko naman.

"Callie, may aaminin ako." Sagot nya naman na may seryosong tono at ekspresyon sa mukha habang nakaiwas ng tingin.

"Aaminin na ano?" Tanong ko naman at niligon sya.

"Callie, i really don't know how to stay this but ever since we met, i had my eyes on you. Nadala kasi ako ng curiosity ko sayo dahil tahimik ka, wala kang imik at palagi ka lang nasa sulok but then, i approached you. You weren't that bad to be honest, you know how to communicate properly, you know how to handle me and my random chikas kahit yung panahon na 'yon hindi pa tayo masyadong close."

Napahinto sya sa pagsasalita at tinignan ako.

"I know we've been friends for two years na. Ever since i got into this school, ever since I was recruited sa banda nyo, mula noong mapalapit ako sa'yo. You treated me in a way I never expected you would. You knew me so well to the point you can see right through my tired eyes, you know when will I shed tears, you know when to be there exactly when I need someone to run to. You became a safe place for me, you made me feel like na kahit talikuran pako ng mundo, nandyan ka para samahan ako, para intindihin ako. Callie, I really like you."

She confessed, gulat na gulat ako sa nga narinig ko. I mean, marami namang nag confess sakin kaso iba kapag ka close mo eh, yung kaibigan. It hits different.

Nakatulalang nakatingin ako sakaniya, she smiled and tapped my shoulders.

"Wag ka mapressure, kung ano yung isasagot mo, rerespetuhin ko." She reassured me with a calm tone.

"Basta friends parin tayo ah?" Dagdag nya, tumango ako at napabuntong hininga.

"Jia, hindi ka naman mahirap magustuhan eh. Matalino ka, maganda ka, maganda yung boses mo, hindi ka naman talaga mahirap mahalin, you are the standard, you are the dream, Jia. Hindi lang ako ready makipag commit, hindi pako ready sa mga responsibilidad kaoag nasa isang relasyon, i'm sorry kung hindi kita mabibigyan ng maayos na sagot." Sabi ko naman habang nakatingin sa mga mata nya.

"Uy! Ano kaba? Okay lang, prepared naman na ako sa mga ganitong sagot, that's why I took the risk to confess. Gusto ko lang sabihin yung nararamdaman ko." Sagot nya at ngumiti bago tumayo.

"Basta nandito lang ako palagi. One call away." Dagdag nya at unalis na rin papalayo.

Sa mga oras na 'yon ay hindi ko na rin maintindihan yung mararamdaman ko sakaniya. Oo maganda sya, she's really the standard of everyone. It's just that..

I'm not ready, because I'm unsure of what to feel.

[END OF FLASHBACK]

"Ang boring ng class." Bulong ng seatmate ko at humikab.

Nanahimik lang ako at nakinig sa mga sasabihin ni Ma'am Gomez, sabi nya may project daw kami for this whole semester pero may twist.

"As I said, may twist ang project nyo. Kasama nyo ang section nila Ms. Ricalde." Sambit nya.

Pagkatapos na pagkatapos niya itong sabihin, parang mga nakawala aa hawla yung mga lakaking kong classnates dahil hiyawan ng hiyawan.

"Ma'am request ko po na partner ko si Ricalde!" Sigaw ng katabi ko.

Piece of You | Macolet #1Where stories live. Discover now