Maeve's POVLate narin ako nakauwi dahil pinasyal ko muna yung sarili ko around sa BGC buti nga maaga parin ako nagising, around 12 AM na rin ako nakauwi, napaaga na rin kasi yung gala namin ni Callie dahil ayoko rin naman umattend ng SSG meeting dahil alam ko na rin yung mangyayari dahil nasabi na rin naman na ni Arreana sakin lahat.
Subject ngayon ni Ma'am Gomez, wala naman kaming masyadong ginagawa ngayon kaya pinatawag nya nalang yung partners namin kaya eto kami ni Callie, magkatabi.
"Okay, sino na yung naka capture ng special moment nila with their partners? Kindly raise your hand." Sambit naman ni Ma'am Gomez, nagkatinginan kami ni Callie tsaka tinaas yung kamay namin, kasabay naman non ang pagtaas ng kamay nila Arreana at Mitch.
They already spent some time together na pala. Akala ko kami palang ni Callie yung nakakapag hangout.
"Alright, tumayo kayong apat dito sa harapan. Mauuna sila Ricalde at Vergara." Dagdag pa nya, tunayo kami ni Callie sa harapan ng klase.
"Alright, dahil nakagawa na kayo ng special moment nya, how was the experience? Anong masasabi nyo sa buong klase?" Tanong ni Ma'am Gomez. Nahihiyang nagkatinginan kami ni Callie, huminga ako ng malalim bago tumingin sa buong klase.
"Uhmm, Callie and I really had our time knowing each other, bago pa magkaron ng ganitong project magkakila na kami dahil sa kapatid ko. They're friends, at sakto naman umattend ako ng gig nila and yeah, doon kami nagkakilala." Sabi ko at sumulyap kay Callie.
"Masarap syang kasama, as in. Hindi ko expect na magiging ganon kami ka dikit kahit mga ilang araw palang kami magkakilala. Pero hindi naman talaga sa tagal nababase yung closeness ng dalawang tao eh, nasa pagsasama 'yon." Dagdag nya pa.
"Pero para sakin, special moments are really unpredictable. May isang special moment kami ni Maeve na hindi namin na record or kung ano man. That's when we sang together in front of a lot people. Acapella pa 'yon ah." Sabi nya naman ng seryoso, hinayaan ko lang sya mag share ng gusto nyang sabihin.
"Special moments are not really captured by cameras, it's captured by the heart. By the eyes, by the feelings you feel during those moments na kasama mo yung isang tao. Unpredictable kasi ang special moments, bihira lang macapture yung mga talagang masasabi nating core memory type of special moment. Hindi mo masasabi kung kailan mangyayari yung special moment mo sa buhay mo." Dagdag nya, ngumiti naman ako.
"Special moments is when you get really lost in the moment hindi mo lang narerealize. Kapag nangyari na kasi yung special moment mo, wala na sa isip mo yung pictures, yung videos kasi talagang naeenjoy mo yung moment you have with that person. That's why we didn't capture the moment Callie and I sang, because that moment, was a very special one. It's part of the thing we called, "core memory" and experiencing it with someone you didn't expect na makaka close mo, it hits different." I added and smiled after finishing my sentence.
Pagkatapos namin mag share ng experience and feelings namin towards our film project, pinaplay ni ma'am yung nacapture naming special moment with each other.
Everyone in my class, including hers saw our moment and bond with each other. Puro tawanan nga eh pero there was a scene that showed up na hindi ko alam na capture nya.
Nung nag stop over kami sa 7/11, she was filming as I walk through the shelves. Habang nagtatawanan kami, habang naghahanap pala ako ng makakain there she was filming every inch of that memory. I didn't expect that because I never noticed na nag vivideo pala sya during that time.
Overall, sabi ni Ma'am Gomez maganda daw yung pagkaka film namin kaya ipagpatuloy lang daw namin until the end of this semester. Sunod naman nag share ng experience at feelings si Mitch and Arreana, super ganda rin nung sakanila kasi doon ko lang din nakita magsabi si Mitch ng feelings nya.
YOU ARE READING
Piece of You | Macolet #1
Roman d'amourA macolet au wherein: Maeve (M), slowly loses her memory and Callie (C) always leaves a note to remind Maeve her memories.