"Hoy bakla!" Pangbubulabog ni Seb saakin, ang aga-aga ba't ko pa kasi pinatulog 'to dito?
"Anoo??" Sagot ko habang nakahiga parin ata nakapikit ang mga mata.
"Gising na po boss, umaga na." Pangugulit nya sabay dagan sakin, ang kulit talaga ng taong 'to.
"Natutulog pa yung tao istorbo naman to!" Naiinis kong sagot havang nakadagan parin sya sakin.
"Dali na kasi, gugutom nako." Pagpupumilit nya at napabuntong hinga ako.
"Edi magluto ka, hawak ko ba yung kaldero?"
"Lutuan mo nga kasi ako eh slow mo naman."
"Wow ha, nakitulog ka nalang demanding ka pa."
"Ihh ano ba naman yan, minsan na nga lang dumalaw sayo ganyan ka pa." Sambit nya naman at tumayo na habang ako nakahilata parin sa kama.
"Daming sinasabi, magluto ka na nga!" Naiinis kong sabat sakaniya.
"Oo na boss!" Sabi nya sabay sarado ng pinto ng kwarto ko. Ang init naman eh parang kagabi lang umuulan tapos ang lamig, may sapak ba yung panahon?
Tumayo ako at nilakasan nalang yung electric fan, peste pati yung bugaw ang init!
May aircon naman yung kwarto ko ayaw ko lang buksan, sayang kuryente at kaya pa naman patyagaan 'tong electric fan na mas matanda pa sakin, natatandaan ko 14 years old palang ako electric fan na namin 'to nila mama eh, kinakaya naman hanggang ngayon kaya sakin nalang ibinigay ni mudrabels.
Pawis na pawis tuloy ako buti nalang nakasando ako kaya medyo nahahanginan rin ako kahit sobrang init ng panahon. Tirik na tirik yung araw nakakatamad tuloy gumala.
"Ano kaya ginagawa ni Maeve ngayon?" Bigla naman ako napaisip at napatingin sa cellphone ko na naka charge sa tabi ko. Binuksan ko yung twitter ko para mag check kung ano mga ganap lately.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Shet, ganda ng umaga ko.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Haha, joke lang binabawi ko na.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.