My Mother's Replacement
Chapter 12: Hate at First Sight.
Written by BlackRavenInk16"LUCIA, sino 'yang kasama mo?" nakasimangot na tanong ng lalaki kay Lucia.
Nagsalubong ang kilay niya. Sino ba itong lalaking ito na kung kumausap sa Lucia niya ay parang may karapatan ito rito?
"And who are you?" nakasimangot ding tanong niya rito. Hindi niya gusto ang tabas ng mukha nito. Hate at first sight ba ang tawag dito?
Lumingon siya sa manager ng restaurant na kinakainan nila.
"I reserved the whole restaurant until midnight! Bakit nagpapapasok pa rin kayo ng ibang tao?!" inis na sabi niya.
Doon naman biglang pumasok ang security guard ng restaurant sa loob.
"Pasensya na sir, nag cr lang ako sandali!" paliwanag nito saka nilingon ang tatlong lalaki. "Sir, hindi na po muna pwedeng kumain. Nakareserve na po kasi ito kay Mr. Pierce," sabi ng security guard.
"That's fine, nawalan na rin ako ng ganang kumain," sabi ng lalaki saka lumingon kay Lucia. "Let's go, Lucia," sabi nito.
Akmang pupunta na si Lucia papunta rito pero bigla niya itong hinawakan saka niya ito dinala sa medyo malayo sa mga lalaki at sa mga staff ng restaurant kung saan hindi siya maririnig ng mga ito.
"Who is he?" nakasimangot na tanong niya.
"Po?"
"I'm asking you who is he!" mariin na sabi niya pero pinigilan pa rin niyang hindi sumigaw.
"Ah, pinsan ko po siya. Tinatanong n'yo po ako kanina kung bakit ako wala po akong kasabay. Ngayon, mayroon na. Siya po ang sundo ko!" sabi nito.
"Are you sure that he's just your cousin?" paniniguro niya.
"Opo. Bakit po?"
"Don't entertain other man aside from me, you understand?" mahinang sabi niya.
"Ano po ang ibig n'yong sabihin?" Parang nagloloading ang utak nito.
"I already marked you. No one is allowed to be closer to you other than me," seryosong sabi niya.
Parang may nakita naman siyang takot sa mga mata ni Lucia nang mapatingin ito sa mga mata niyang matalim. Kahit pa mukhang hindi pa rin nito naiintindihan ng maigi kung ano ba talaga ang sinasabi niya.
Yeah, he can be sweet with Lucia but he can be possessive at the same time. Hindi niya matatanggap na matapos ang 17 years na paghihintay niya rito ay mapupunta pa ito sa iba. Baka mabaliw siya kapag nangyari iyon.
"Lucia--"
"Shut up! I'm still talking to her!" bulyaw niya sa lalaking tumatawag dito. Natameme naman ang lalaki.
"Answer me, Lucia. Promise me that you won't get close to other man, naiintindihan mo ba?" muling sabi niya rito.
Nag-aalangan man, tumango na rin ito.
"Sige po." Parang sinabi lang nito iyon para matapos na ang usapan nila.
"Mawalang galang na pero kaano-ano ka ba ni Lucia? Boyfriend ka ba niya?" Nakalapit na pala sa kanila ang lalaking dumating.
"Did I gave you a permission to talk to me?"
"Ano? Ang yabang mo, ah!" Parang nainsulto ang lalaki kaya akmang lalapit sana ito para manuntok pero bigla nang humarang si Rigor at anim na bodyguards niya na bagong dating lang.
"Sino ka ba? Kaano-ano mo si Lucia? Bitiwan n'yo nga ako!" tanong nito na nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawa sa mga bodyguards niya rito.
"Lucia, ihahatid na kita sa inyo--"
BINABASA MO ANG
My Mother's Replacement
RomanceA girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with her? Matatakasan ba niya ang pag-ibig ni Lucien o mahuhulog din siya rito?