Chapter 20: Lucia's New Family
Written by BlackRavenInk16
"ANO na po ang plano ninyo sa kanya, Lord Lucien? Kukunin n'yo na po ba talaga si Lucia?"
"May iba pa bang dahilan para manatili sa ibang lugar ang Lucia ko, ha, Rigor? Kaya nga pinasunog ko na ang mansyon nila, hindi ba? Para wala na siyang dahilan para bumalik pa roon. She's mine now. I will not let go of her," sabi niya habang hinahaplos ang mukha ng nahihimbing na si Lucia.
Naroon na sila ngayon sa ospital. Wala pa rin itong malay pero wala na raw sa kritikal na kalagayan ang buhay nito. Nahimatay daw ito dahil sa sobrang gutom at nakadagdag pa ang matinding sakit na naramdaman nito noong sinuntok ito ni Jason sa tiyan.
Nagngitngit na naman ang dugo niya nang maalala ang mga demonyo nitong kamag-anak.
"Nasa Ospital din po si Jason--"
"At bakit dinala mo pa siya sa ospital ha, Rigor? Did I asked you to do that?!" galit na tanong niya.
"Mamamamat*y po siya kung hindi ko ginawa iyon. Grabe ho ang pinsala na ginawa ninyo sa pambubugbog sa kanya--"
"Is he still deserving to live ha, Rigor? She almost r*pe my Lucia! Kung hindi pa ako dumating, baka kung ano pa ang ginawa niya sa Lucia ko!"
"But he's still Lucia's family--"
"Tinuring ba nilang pamilya si Lucia, 'di ba at hindi?"
Natahimik si Rigor.
"Kung tutuusin, it's also your fault na ganito ang pinagdadaanan ni Lucia ngayon. You stopped me so many times to get her from that family. Kesyo na kailangan kong hintayin na magdalaga siya, kailangan kong magtimpi na galawin siya but now I realized that it's all bullsh*t! Hindi dapat ako nakinig sa mga walang kwentang payo mo! I'm not a beast, Rigor katulad ng iniisip mo! Kaya kong pigilan ang sarili ko, alang-ala kay Lucia!"
Nagyuko ng ulo si Rigor. Aminado ito na may kasalanan nga rin talaga ito sa sinapit ni Lucia.
"Sa oras na makalabas sa ospital ang Jason na iyon ay dalhin mo na siya sa basement kasama ng buong pamilya niya. Sama-sama silang mapupunta sa impyerno. I'm not yet done with them. Sisiguraduhin ko na maghihirap ang pamilyang 'yon. Ibabalik ko sa kanila ng triple ang ginawa nila sa Lucia ko," sabi niya habang nakatitig pa rin sa inosente at magandang mukha ni Lucia habang natutulog ito.
"Masusunod, Lord Lucien..." sabi nito.
Iyon lang at lumabas na ito sa kwarto.
Napabuntong-hininga siya habang tinititigan pa rin si Lucia. Hinding-hindi na sila magkakahiwalay pa. Kamat*yan na lang ang magpapahiwalay sa kanilang dalawa.
Natigilan siya nang mapansin na maya-maya ay gumalaw ang mukha ni Lucia. Agad siyang nakadama ng kaba hanggang sa tuluyan na nga itong nagmulat ng mga mata.
"Lucia, you're awake now. How do you feel? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Sir Lucien, ano pong--"
Hindi na nito naituloy ang sasabihin pa sana nito dahil agad na siyang tumayo para tawagin ang doktor nito. Tiningnan nito ang kundisyon ni Lucia at pagkatapos no'n ay pinaalis na sa mga nurse ang mga nakakabit sa katawan nito.
"She's fine now, Mr. Pierce. Pwede n'yo na siyang iuwi ngayong araw but she still needs a lot of rest. At dapat kumain siya ng marami because she is malnourished. Sobra ang payat niya. Kung may kailangan ho kayo, just call me anytime," sabi ng doktor.
"Salamat, Doc! Of course, I will!" sabi niya.
Iyon lang at napag-isa na ulit sila ni Lucia sa kwarto.
BINABASA MO ANG
8. My Mother's Replacement
RomanceA girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with her? Matatakasan ba niya ang pag-ibig ni Lucien o mahuhulog din siya rito?
