Chapter 11: Ang Muling Pagkikita

655 29 9
                                        

My Mother's Replacement
Chapter 11: Ang Muling Pagkikita
Written by BlackRavenInk16

"BABY? Tinawag n'yo po akong baby? Kayo po ba ang daddy ko?" tanong niya.

Natigilan siya dahil ang sinabi niyang iyon, parang pamilyar sa kanya. Parang nasabi na niya dati.

Imbes na sagutin siya ay hinaplos nito ang mukha niya na para bang may magnet iyon. Sobrang lalim nito kung tumitig sa kanya.

"Kamukha mo na ang mommy mo noong 12 years old ka pa lang pero ngayon, parang ikaw na ikaw na talaga siya. Mas naging malaki ang resemblance ninyo ngayong straight na ang buhok mo. Curly ang buhok mo dati. You're so beautiful, Lucia. I can't believe that you're infront of me now..." sabi nito na parang nahihibang.

Nanlaki ang mga mata niya nang bigla niyang naalala na noon ay may gwapo ngang lalaki na yumakap sa kanya at napagkamalan siyang ang mama niya. Kung ganoon ay ito ang lalaking iyon!

"Natatandaan ko na po kayo! Kayo po iyong lalaking may gusto sa mama ko noon, hindi ba? Iyong yumakap sa akin noong 12 years old pa lang po ako?" sabi niya.

Ni hindi man lang nagbago ang mukha nito. Bampira ba ito? 12 years old lang siya noong una at huli niya itong nakita pero mukhang hindi man lang ito tumanda. He looks mature and dignified though pero hindi naman mukhang gurang na.

Kung sabagay, mukhang mayaman ang lalaki. May driver ito at butler na nasa likuran lang nila. Alaga siguro sa derma ang mukha nito.

"What? Nakalimutan mo ako, Lucia? Ngayon mo lang ako naalala?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Napakamot siya sa ulo niya.

"Pasensya na po. 12 years old lang po ako noong una at huli po tayong nagkita. Hindi naman po siguro nakakapagtaka na hindi ko na po kayo natatandaan--"

"But I am Lucien Piece. No one forgets about me!" sigaw nito na nakapagpapitlag tuloy sa kanya. Mukhang mataas ang pride ng manong na 'to.

"Sorry manong--"

"What the f*ck, manong?!"

"Sorry po! Hindi ko po talaga alam kung ano po ang itatawag ko sa inyo! Hindi naman po kayo mukhang matanda pero huli ko po kayong nakita noong 12 years old pa po ako. Ibig sabihin po ay malaki ang age gap natin," sabi niya na yumuko rito. Mukhang nakakatakot ito. Ito iyong tipo na boses pa lang nito, katatakutan mo na.

Para naman itong napahiya nang halos magmakaawa na siya sa harapan nito.

"You don't need to bow down to me. I'm sorry, baby. Nagulat lang ako. You don't have to say sorry. Don't be like that, okay? I should be the one begging you. You're my princess, you're precious. Don't be afraid, I'm not mad..." Biglang umamo ang boses nito.

Nag-angat na siya ng ulo.

"Bakit n'yo po akong tinatawag na baby at princess?" nagtatakang tanong niya.

Para namang natigilan ito at napaisip kung bakit nga ba. Parang hindi nito mahagilap kung ano ang sasabihin.

----

DAMIEN'S POV...

Why the hell am I nervous? She's waiting for my response!

Iyon ang tumatakbo sa isip niya habang naghihintay si Lucia sa sagot niya kung bakit baby at princess ang tawag niya rito. Masyado siyang nadala at nawala sa isip niya na sa isip nga pala ni Lucia, isa lang siyang estranghero.

Kahit kailan sa buong buhay niya, hindi siya kinabahan sa harap ng isang babae. Palagi siyang confident at swabe kung kumilos at gumalaw pero bakit sa harap ng isang bata, natatameme siya?

8. My Mother's ReplacementMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon