Chapter 3: Masked Man

878 40 7
                                        

Chapter 3: Masked Man
Written by BlackRavenInk16

7 YEARS LATER...

Pinangako ni Lucien sa sarili niya na hindi na niya kikitain pa si Lucia  pero kahit ano'ng gawin niya, hindi talaga niya mapigilan ang sarili na hindi tingnan ang kalagayan nito kahit isang beses man lang sa isang taon.

Kaya naman palihim niyang binibisita si Lucia nang hindi nalalaman ni Rigor. Kapag nalaman nito ang tungkol sa ginagawa niya ay siguradong pagtatawanan lang siya nito lalo pa at palagi niyang sinasabi na wala siyang pakialam kay Lucia.

Mukha namang mabuti ang kalagayan ni Lucia sa piling ng mga kamag-anak na pinag-iwanan niya rito. Maginhawa ang pamumuhay nito, may mga yaya katulad ng habilin niya at higit sa lahat, palaging mamahalin ang mga suot na damit.

His princess really deserves the best. Gusto niya ay mabubuti at magagandang bagay lang ang palaging nakikita nito.

Siguro nga ay talagang nabaliw na siya. Tinanggap na niya sa sarili na si Lucia ay parte na ng pagkatao niya. Na talagang mahal na niya ito bilang pamilya.

But of course, hindi niya hinahayaan ang sarili na makita nito. Kadalasan, he's always just watching her from a far o kung lalapit man siya rito, nakamask siya palagi.

Katulad ngayon, it's her 8th birthday. Napacute nito sa suot nitong dress na violet. Busy na sa pagkain ang lahat ng bisita sa loob ng mansyon na binili niya para rito pero ito ay nakikipaglaro pa rin sa aso nito gamit ang bola na pinahahabol nito rito.

Tumama ang bola sa paanan niya kaya lumapit ito sa kanya. Pinet niya ang puting aso na binigay niya rito last year. Bagong panganak lang ito noong binigay niya ito kay Lucia para may kalaro ito.

"It's you again. Ikaw ang nagbigay kay Luka. Bumalik ka po ulit!" nakangiting sabi nito.

Noong nakaraang taon lang kasi siya unang nagpakita rito. Iyon ay noong time na binigyan niya ito ng aso.

"Happy birthday, princess. I have another gift for you again!" nakangiting sabi niya sabay abot dito ng teddy bear.

"Whoa! How cute! Thanks po!"

Akmang lalapit sana ito para humalik sa pisngi niya pero napapitlag siya kaya napalayo siya nang bahagya rito.

"Don't kiss anyone that easily little kid. Especially a stranger like me," sabi niya na medyo naiirita.

"But you're not a stranger. You're my daddy," inosenteng sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya.

Her daddy? Narerecognize ba siya nito kahit na baby pa lang ito noong nagkasama sila?

"I'm not your daddy. I'm too young to be your dad," sabi niya.

"If you're not my daddy then why are you always watching me from a far? Are you a guardian angel? Or maybe my fair god father?" sabi nito na natutop pa ng dalawang kamay ang bibig.

God, she's so cute. Nakakawala talaga ng stress ang kakulitan at kacutean ng batang 'to. And he can't believe that she called him an angel. Masyado siyang masamang tao para masabihang isang anghel. Kung alam lang nito kung ano na ang mga nagawa niyang kasalanan. Baka mas matawag pa siya nitong demonyo kaysa anghel.

"No, I'm not."

"If you're not my daddy, not an angel and not a fairy god father then can you be my prince charming then?"

Muntikan na siyang mapanganga ng literal sa sinabi nito. Siya? Magiging prince charming ng isang bata?

"Prince Charming? What is the role of the prince charming to you then?" tanong niya. Gusto niyang malaman kung naiintindihan ba nito ang sinasabi nito.

"Prince charming is the husband of the princess. Since you called me a princess just a while ago then you must be my prince! You should marry me when I grow up!" sabi nito na niyugyog pa siya ng bahagya.

Hindi na niya napigilan ang tawa dahil sa kainosentehan nito. Buong buhay niya, ngayon lang may batang nagyaya sa kanya magpakasal.

Ginulo niya ang buhok nito.

"Then grow up fast, my little princess. That's the only way you can marry your prince," pagsakay niya sa sinasabi nito.

"Promise? You're not lying?" paniniguro nito.

"Of course. I'm a man of my word. But what if I'm an ugly man? I'm wearing a mask, do you still want to marry me even if I'm an ugly frog?" panunudyo niya sa bata.

Tiningnan siya ng masama ng bata.

"You're lying. You're not ugly. You have kissable lips and a pointed nose. Imposible pong pangit kayo. Mata lang naman po ang hindi kita, e!" nakangusong sabi nito.

Gusto na niyang umiyak sa kakatawa dahil parang maiiyak na ito dahil hindi matanggap kung pangit nga talaga siya.

"Just joking. Of course, I'm a handome man," sabi na lang niya.

Ngumiti na ito.

"Do you want to get inside? I want to introduce you to my mama and papa," sabi nito.

Umiling siya. "No need, baby. Saka ka na lang magpakilala ng prince charming mo sa kanila kapag malaki ka na," sabi niya.

Kumunot ang noo nito.

"Pero bakit 'di pa po ngayon?" inosenteng tanong nito.

Ginulo niya ang buhok nito.

"Because you're still too young for me. Kumain ka muna ng maraming bigas ha, little princess."

"Ayoko po! Magiging mataba ako, baka asarin ako ni Kuya Jason!" nakangusong sabi nito.

"You're still beautiful in my eyes kahit tumaba ka pa. Kaya kumain ka lang palagi ng marami to be healthy, ha," sabi niya rito.

"Really?"

"Of course. You're my princess, no matter what you look, you're always beautiful for me," nakangiting sabi niya.

May sasabihin pa sana si Lucia pero bigla na itong tinawag ng tiyahin nito. Nang lumingon ito sa likod nito ay umalis na siya. Ayaw niyang malaman ng mga kamag-anak nito kung sino siya at kung ano ang mukha niya.

Sapat na para sa kanya na panoorin na lang mula sa malayo si Lucia. Hanggang nakikita niyang mabuti ang kalagayan nito ay masaya na rin siya. She deserve to have an ordinary family. Hindi sa katulad niya na palaging nasa bingit ng kamata*an ang buhay dahil sa pagiging mafia niya.

Maisip pa lang niya na maaaring mapahamak si Lucia kapag nalaman ng iba na ito ang kahinaan niya ay parang ikasisira na ng ulo niya. Masama na siyang tao sa ngayon pero mas may maisasagad pa ang kasamaan niya kapag ito na ang pinag-uusapan.

Yeah, Lucia is better off without him...

- To Be Continued...

8. My Mother's ReplacementMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon