Chapter 13: Jason's Jealousy

563 23 9
                                        

Chapter 13: Jason's Jealousy
Written by BlackRavenInk16

HALOS KALADKARIN siya ni Jason nang makapasok sila sa kwarto niya. Tinulak pa siya nito ng pabalag sa papag at sa gulat niya, bigla na lang siya nitong sinakal!

"Who the f*ck is that guy?!"

"Kuya Jason, aray ko po, nasasaktan ako!" Nangilid ang luha sa mga mata niya nang maramdaman ang mahigpit na hawak ni Jason.

"Talagang masasaktan ka sa akin kapag hindi mo sinabi kung sino siya! Basura ka na nga, nanlalalaki ka pa! Who is he?! S*gar daddy mo?!" galit na galit na sabi nito.

Hindi siya makasagot dahil sobrang higpit ng pagkakasakal nito. Napansin yata nito iyon kaya binitiwan siya nito.

"Hindi ko po siya s*gar daddy, kaibigan po siya ni Mama--"

"Sinungaling! Kung kaibigan lang siya ng mama mo, bakit 'my' ang tawag niya sa 'yo? At nakapagrebond ka pa ng buhok! Pati damit mo, bago! Ako pa ginagawa mong t*nga!"

"Hindi po siya ang gumastos ng rebond at mga damit ko, iyong kaibigan ko pong si Faye--"

"Magsisinungaling ka pa rin? Hindi ka pa rin aamin? Pinareserve nga niya ang buong restaurant para sa inyo pagkatapos sasabihin mo, wala lang iyon?! Huwag mo akong g*guhin!" pagsigaw ni Jason.

Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito si Jason, kung bakit parang galit na galit ito. Pero hindi rin siya makapaniwala na talagang pinareserve nga ni Lucien ang buong restaurant kanina noong kumakain sila. Ang akala nila ay nagbibiro lang ito nang sinabi nito iyon kanina.

"Maniwala ka, Kuya Jason, hindi ko po talaga boyfriend si Sir Lucien--"

"Huwag na huwag mo nang kakausapin ulit ang lalaking iyon! Dahil kapag kinausap mo pa siya ulit, manghihiram ka na ng mukha sa aso!" pagsigaw ni Jason.

Natigilan siya. Parang ayaw niyang sundin ang sinasabi nito. Si Sir Lucien, isa ito sa mga iilang tao na mabait sa kanya. Simula pa pagkabata, tuwing birthday niya ay binibigyan na siya nito ng regalo. Nahinto lang ng tumuntong siya ng 12 years old na hindi niya malaman kung bakit.

Ito rin ang nagbigay sa kanya noon kay Luka at naging mahalaga sa kanya ang aso niya. Totoong nakaramdam siya ng kaunting takot dahil pinilit siya ni Lucien na mangako din dito na huwag nang makikipaglapit sa kahit na kaninong lalaki kanina pero nararamdaman niya na kahit gano'n, mapagkakatiwalaan pa rin niya ito kung ikukumpara kay Jason.

Kung mayroon man siyang taong ayaw niyang layuan, si Sir Lucien iyon. Kumportable at magaan ang loob niya rito. Kaya nga hindi niya sinabi rito ang katotohanan tungkol sa tiyahin niya dahil ayaw niyang madamay ito sa gulo ng buhay niya. Siguradong pagbabawalan lang siya ng Tita Eloisa niya na makipagkita rito kapag nalaman ang tungkol dito kaya mas pinili niyang manahimik na lang. Simula pa noong bata siya, si Lucien lang ang nakikita niyang liwanag sa buhay niya kaya ayaw niyang mawala ang liwanag na iyon.

Pero ganito pa rin pala. Kahit hindi nalaman ni Tita Eloisa ang tungkol kay Sir Lucien ay may magbabawal pa rin pala sa kanya. Si Jason na hindi niya akalain na may pakialam pala kung magkakaroon siya ng kaibigan o hindi. Ang buong akala niya ay si Annika lang ang gustong walang kumakausap sa kanya dahil gusto nito na mag-isa siyang palagi pero pati pala si Jason ay ayaw din siyang maging masaya. Ano ba ang kasalanang nagawa niya sa mga ito? Bakit galit na galit sila sa kanya?

"Ano, hindi ka na nakasagot? May gusto ka ba sa lalaking iyon ha?! Dahil ba gwapo siya at mukhang mayaman? Matatandang lalaki ba ang type mo?!" muling pagsigaw ni Jason.

Natigagal siya. Paanong pumasok sa utak ni Jason na may gusto siya kay Sir Lucien? Totoong liwanag ang tingin niya rito dahil mabait ito at magaan ang loob niya pero hindi ibig sabihin no'n na may gusto na siya.

"Hindi 'yan totoo, Kuya Jason--"

"Kapag nakita ko pang kasama mo pa ulit ang lalaking iyon, kakausapin ko si Mama na huwag ka nang pag-aralin at ikulong ka na lang sa bahay! Tutal ay wala rin namang kwenta ang pag-aaral mo, hindi ba? Dahil kahit ano pa ang gawin mo ay hindi ka na makakatakas sa anino ng pamilyang ito!"

Natigilan siya.

"Bakit akala mo hindi ko alam? Na kapag graduate mo ay may plano kang umalis? Wala kang utang na loob, Lucia! Pagkatapos gastusan ng pamilya ko ang tuition fee mo at buhayin ka simula pa ng mamatay ang ina mo ay lalayasan mo lang kami!" sabi pa nito.

"Hindi ko naman sinabing pag-aralin ako ni Tita Eloisa, pwede naman akong kumuha na lang ng scholarship pero ayaw niyang pumayag--"

Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil bigla na lang siyang sinampal ni Jason.

"Talagang ingrata ka nga! Parang kami pa ang may utang na loob sa 'yo na ginagamit mo ang pera namin para mapag-aral ka! Ang kapal din talaga ng mukha mo, Lucia!" singhal nito.

Tahimik na lang na umiyak siya. Parang kahit ano pa ang sabihin niya ay wala namang halaga kay Jason. Magsasayang lang siya ng laway.

"Huwag ka nang umasa na makakatakas ka pa rito dahil hindi ako papayag! Dito ka lang! Akin ka lang!" muling pagsigaw nito saka na nagmamaktol na lumabas ng maliit na kwarto niya at binalibag pa ang pinto kaya napaigtad siya.

Wala na siyang nagawa kung hindi ang umiyak na lang at yakapin ang sarili sa matigas na papag. Saka napatitig sa kwarto na ni walang kagamit-gamit at kahit electric fan o foam sa kama ay wala. Ang mga damit niya, puro pinaglumaan lang ni Annika.

Talaga ngang basura lang siya sa pamilyang ito. Wala siyang karapatang maging masaya o magkaroon ng sarili niyang pagmamay-ari.

Masama bang maghangad na guminhawa kahit kaunti man lang ang kaunti? Kaya gusto niyang umalis sa bahay na iyon?

Pero ngayong alam pala ni Kuya Jason ang plano niya na umalis ay alam niya, gagawin nito ang lahat para mahadlangan iyon. Baka talagang hindi na nga siya makaalis sa mansyon na ito.

Buong buhay niya simula noong 12 years old siya ay hindi na siya naging masaya. Ang pagmamahal na binibigay sa kanya ng tito at tita niya noon ay hindi pala para sa kanya kung hindi pala para kay Annika. Kaya nang lumitaw ito ay para na lang siyang itinapon sa isang tabi. At simula ng dumating si Annika, wala na rin siyang naging kaibigan at naging cold na rin sa kanya si Jason.

Ang tanging naging kaligayahan lang niya noon ay ang aso niyang si Luca pero namatay din.

Naalala niya noong nagkasakit ito, nagmakaawa siya kay Tita Eloisa noon na bigyan siya ng pera para mapagamot si Luca pero nagalit pa ito sa kanya at sinampal siya. Bakit daw ito mag-aaksaya ng pera para sa isang aso lang.

Wala siyang nagawa noon kung hindi ang ipagluksa na lang si Luca na wala siyang nagawa para mailigtas.

Kaya ngayong nakita niyang muli kung sino ang nagbigay dito, sobrang saya niya. Dahil naalala niyang muli ang aso niya.

Bumalik sa isipan niya ang gwapong mukha ni Lucien kanina at ang magaganda nitong mga mata na parang hinihigop siya. Kung tingnan siya nito ay parang siya ang pinakamagandang tao sa buong mundo. Ngayon lang may taong tumitig ng ganoon sa kanya. Para sa ibang tao kasi ay ang pangit-pangit niya.

Nginingitian siya nito, pinakikinggan nito ang mga sinasabi  niya at higit sa lahat, tinatrato siya nito ng tama. Na para ba siyang isang babasaging kristal na dapat ingatan.

Hindi niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay gusto niya itong makita ulit at makasama. Gusto niya itong maging kaibigan kahit malaki ang age gap nila.

Pero sa tingin niya ay imposible nang mangyari iyon ngayon dahil ayaw ni Jason. Wala siyang karapatang maging masaya. Kaya siguro, kung anuman ang nararamdaman niya para kay Lucien ay dapat kalimutan niya na lang...

- To Be Continued...

8. My Mother's ReplacementMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon