Chapter 7: Lucia's New Friend
Written by BlackRavenInk16
"MS. MALLARI! MS. MALLARI, don't sleep in my class!"
Biglang napalikwas ng bangon si Lucia nang marinig na tinatawag ng professor nila ang pangalan niya.
Nakasimangot ang gwapo nitong mukha nang magising siya habang ang mga kaklase naman niya ay nagtatawanan na.
"St*pid na nga, ang tamad pa grabe!" Narinig niya ang boses ni Anika pero hindi na lang niya ito pinansin. Tawa lang ito nang tawa kasama ng mga kaibigan nitong katabi rin nito sa upuan.
"Sorry po sir kasi po--"
"If you will keep on sleeping on my class, baka iyan ang ikabagsak mo. Tandaan mo, graduating student ka. Gusto mo bang hindi gumradweyt ha, Ms. Mallari?" tanong nito.
Tanong ba iyon? Mayroon bang estudyanteng gustong bumagsak?
At isa pa, iyon lang ang tanging nakikita niyang pag-asa para magbago ang buhay niya kaya bakit naman niya gugustuhin na pabayaan ang pag-aaral niya? Pero bumibigay na talaga ang katawan niya sa araw-araw na pagod. Sa mansyon nila, hindi lang si Anika kung hindi maging sina Tita Eloisa at Jason ang pinagsisilbihan niya. Palautos pa naman ang mga ito kaya wala siyang pahinga.
"I'm sorry, Sir, hindi na po mauulit," sabi na lang niya ng nakayuko. Kasalanan niya rin naman dahil wala namang alam si Mr. Arevalo sa sitwasyon niya sa mansyon.
Nakasimangot pa rin na umiling sa harapan niya ang gwapong professor saka tinawag na ang bagong transfer student daw na nasa pinto.
Umupo na siya at napatingin sa bagong lipat na estudyante na mukhang palaban tingnan. Ewan, pero mukha itong gangster kaya naman nag-iwas siya ng tingin. Sa tingin niya, ang mga tipo nito ang bigla na lang nang-aaway ng walang dahilan.
"Class! Stop talking, may bago kayong kaklase!" pagsigaw na ni Mr. Arevalo. Ang iingay kasi ng mga kaklase nila.
Doon lang tumigil sa pag-iingay ang lahat. Parang tinatamad pa nga ang mga kaklase nila na pansinin ang bagong estudyante.
Mabilis lang na nagpakilala ang babae sa harap na ang pangalan ay Faye. Sa tabi niya ito pinaupo dahil walang gustong tumabi sa kanya.
Sa gulat niya, ngumiti ito sa kanya kaya ngumiti rin siya ng tipid. Mukhang mabait naman pala ito. Masyado lang siyang judgemental.
---
MAYA-MAYA...
"Hello, pwede bang makiupo?"
Lumingon si Lucia sa paligid niya. Ang dami pa namang bakanteng upuan sa canteen pero iyong bagong transfer student, sa harapan niya umupo.
"Sure ka ba? Ang dami pang bakanteng upuan dito, baka--"
"Kung ayaw mo akong katabi, sige, ayos lang, pasensya na sa abala," sabi nito saka akmang aalis na sana pero tinawag niya.
"Sorry! Syempre, pwede kang umupo. Hindi naman sa ayaw ko, nag-aalala lang ako para sa 'yo," sabi niya.
Umupo na ito pero nakakunot pa rin ang noo sa pagtataka.
"What do you mean? Bakit ka naman mag-aalala?" nagtatakang tanong nito.
Bumuntong-hininga siya.
"Outcast kasi ako rito sa school. Walang gustong makipagkaibigan sa akin dahil kapag nilapitan nila ako, magiging outcast na rin sila. Kaya ayoko sanang madamay ka pa sa akin," sabi niya.
"At bakit ka naman pumapayag na maging outcast? Kung ayaw ka nilang lapitan e 'di ikaw ang lumapit. Gano'n lang 'yun kasimple," walang anumang sabi nito, nag-umpisa nang kumain.
BINABASA MO ANG
8. My Mother's Replacement
RomanceA girl who always wanted someone to love her find out that she have a stalker. And that is a man who love her mother before and is now obsessed with her? Matatakasan ba niya ang pag-ibig ni Lucien o mahuhulog din siya rito?
