Wakas

9 3 0
                                    

[WAKAS]: ANG DIYOSA NG BUWAN








ㅤㅤ








ㅤㅤ
HALOS ilang minuto lamang ang lumipas at nakarating na siya sa tore. Kaagad siyang napahinto nang masilayan niya ang hari na nasa harapan ng tore. Ito'y may kinakausap na molvescan habang ito'y nagkakarga ng mga gamit.

Kaagad naramdaman ni Fauzeah ang halo-halong emosyon na nadarama niya sa lalaki. Hanggang sa muling bumalik sa kaniya ang bagay na kusang ipinakita ng kaniyang mga baraha.

HABANG walang malay si Fauzeah, ang tanging nanatili sa kaniyang tabi ay si Aramis. Siya ang nag-asikaso sa kaniya at nagpalit ng kaniyang kasuotan habang siya'y wala pang malay. Halos dalawang linggong nakahilata ang dalaga kung kaya't hindi rin maiwasang mag-alala ng lalaki.

"Fauzeah, kailan ka magigising?" Tanong nito habang siya'y hindi pa rin nagkakaroon ng ulirat. "Tapos na ang lahat, nais ko ng makita ang iyong mukha. Nais kong ipaliwanag sa 'yo ang lahat, nais kong malaman mo na ikaw lamang ang nilalaman ng aking puso't-isipan. Kaya pwede bang magising ka na?"

Ngunit sa pagdilat niya ng kaniyang mga mata, hindi niya nadatnan ang binata.

'NAIS ko nang sumuko para sa atin noon, pakiramdam ko'y panaghinip lamang ang mga katagang iyong binanggit subalit ang sinabi sa akin ng aking baraha ay iba. Ipinakita niya ang kaniyang sinseridad na hindi ko nakita noon.'

'Sana'y sa umpisa pa lamang napagtanto ko na ang iyong tunay na hangarin.'

"Aramis." Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang marinig niya ang malamig na tinig na tumawag sa kaniyang pangalan. Dahan-dahan niyang nilingon ang kinaroroonan ng tinig na iyon hanggang sa masilayan na nga niya ang nilalang na matagal na niyang inaantay.

Nais man niyang lumayo sa mga oras na iyon, kaagad pa rin siyang nilapitan ni Fauzeah. Ngayo'y nakatingin sila sa mata ng isa't-isa. Animo'y binabasa nila ang buo nilang pagkatao. Hanggang sa hindi na nga naiwasan ni Aramis ang pagtulo ng kaniyang luha.

"F-fauzeah-"

"Maari mo ba akong kausapin sa hardin ng iyong kaharian?" Tanong ng dalaga. Magkalapit man sila, ramdam naman ni Aramis ang distansyang ibinibigay ni Fauzeah. Nasasaktan man siya dito, alam naman niya na may mali rin siya.

"Kung iyon ang iyong nais." Hindi na nag-atubili pa ang dalaga at bigla na lamang niyang inilabas ang kaniyang baraha. Hanggang sa bigla itong lumaki't lumusot sa kanila. Ngayo'y napunta na kaagad ang dalawa sa hardin. Nabigla man ang lalaki dito, wala na siyang sinayang na oras.

"A-ano ang nais mong pag-usapan?"

"Sabi mo sa akin ipapaliwanag mo ang lahat?" Tugon naman ng babae.

"H-hindi ko alam kung saan magsisimula." pag-amin ng lalaki habang patuloy na tumutulo ang kaniyang luha. Nais mang punasan iyon ni Fauzeah, kinagat na lamang niya ang kaniyang labi upang ito'y kaniyang maiwasan. Hanggang sa pumasok sa kaniyang isipan ang isang katanungan na matagal na niyang hinahanapan ng kasagutan.

"M-mahal mo ba ako...Aramis?" Dahil mismo sa katanungang iyan, ninanais na lamang ni Aramis na lumuha sa harapan ni Fauzeah at sabihin sa kaniya ang kaniyang nadarama. Ngunit kailangan niyang lakasan ang kaniyang loob at ang tangi niyang magagawa ay ipakita't ipadama kay Fauzeah ang lahat.

"Mahal na mahal kita Fauzeah. Oh, Fauzeah mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin ang paghihirap ng aking buhay nang ika'y wala sa aking tabi. Araw-araw iniinda ko ang lahat upang hintayin ka na lumapit at magtanong sa akin...a-at ikaw ang tangi kong iniisip sa mga araw na nais ko nang sumuko. Ayokong sukuan ka Fauzeah, ginawa ko na ito sa unang p-pagkakataon kaya't kung susukuan man kita, ito ay ang araw na ako'y wala na sa mundong ito.

The Prophecy Series #2 : Decks of Qiver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon