Kabanata 15

12 3 0
                                    

[YOU CAN'T READ THIS CHAPTER IF YOU HAVEN'T READ THE LAST SWORD]

[15]: ANG PAGBABAGO








ㅤㅤ








ㅤㅤ
ANG mapayapang gabi sa Quevaria ay damang-dama ni Imogen sa kaniyang balat. Nilalasap niya ang bawat sandaling ito habang ang kaniyang mga mata'y nakapikit. Nakataas pa ang kaniyang mga braso na para bang niyayakap ang hangin. Ang ngiti sa kaniyang labi ay hindi mawari.

"Hay, Accius, kay daming alaala ang mayroon sa parteng ito," wika ng babae habang dinadama ng kaniyang mga paa ang agos ng tubig. "Kumusta na kaya si Fauzeah?"

Nais niya pang sulitin ang mga sandaling ito. Ngunit kaagad na nawala ang kaniyang mga ngiti ng maramdaman niya ang kakaibang ihip ng hangin. Nadama niya kaagad ang paparating na panganib kaya't nanlaki ang kaniyang mga mata. Sa himpapawid, nasilayan niya ang kakaibang mga sasakyan na animo'y pinapalipad sa ere. 'Katasea? Ito'y isang lumang kagamitan! Ano'ng ginagawa nito rito?'

Nang mapagtanto niya ang pangyayari, kaagad siyang tumakbo patungo sa kanilang kabahayan. 'Hindi...hindi...hindi! Nangyari ang propesiya! P-paano?! Imposible! Nawasak ang pader!'

Hindi na mapakali ang kaniyang utak sa dami ng tumatakbo rito. Mabuti na lamang at nakarating siya kaagad sa kanilang tinutuluyan. Kaagad siyang tumakbo sa kanilang bahay at saka tinawag ang kaniyang asawa. "Accius! Accius! Narito ang mga...mga escias!"

Nanlaki naman ang mga mata ni Accius nang mapagtanto niya ang nais ipahiwatig ni Imogen. Kaagad siyang lumabas upang ipaalam sa ibang quever ang posibleng mangyari. Ngunit paglabas pa lamang nila ay nakaharap na sa kanila ang mga escias. Subalit sa kanilang pagkabigla, kasama nila ang iba pang sundalo ng iba't-ibang kaharian.

"Accius at Imogen," wika ng isang escias. "Nais kayong makita ng aming mga pinuno," 'Mga pinuno?'

Nagkatinginan muna ang mag-asawa at saka sila nagtanguan sa isa't-isa. "Ano ang kailangan n'yo sa Quevaria?" Tanong naman ni Accius sa sundalong iyon.

"Malaman n'yo lamang ito kapag kayo'y nakipagkita sa aming mga pinuno," nakangiting saad ng escias na iyon. Muling nagkatinginan ang mag-asawa subalit kay Accius pa rin ang huling desisyon.

"Nasa'n sila-"

"Accius!"

"Kung para sa Quevaria at kung maaari nating mapigilan ang posibleng labanan, kakausapin ko ang kanilang mga pinuno," paliwanag ni Accius sa kaniyang asawa. Napabuntonghininga na lamang si Imogen sa pasya niyang ito.

"Nasa'n na sila?"

"Sa inyong dalampasigan," wika ng escias at saka lumabas mula sa lungga jg mga quever. Napabuntonghininga si Accius at saka hiningi ang kamay ng kaniyang asawa. Wala namang nagawa si Imogen kundi hawakan ang kamay nito. At naglakad na nga sila patungo sa kanilang dalampasigan.

Nang makarating sila roon, bahagyang napatigil si Imogen sa kaniyang paglalakad. Nakilala niya kaagad ang nilalang na nasa harapan niya. Ngunit ang iba rito'y hindi niya inaasahan. Unang pumasok sa kaniyang isipan ay ang kaniyang anak na maaaring nag-iisa ngayon. 'Fauzeah, nasa'n ka na ba?'

"Mahal, alam kong mahirap ito at kahit ako'y nahihirapan, ngunit kailangan muna natin silang harapin. Saka na muna ang paghahanap kay Fauzeah. Mas maiging may balikan pa siya rito kaysa sa wala hindi ba?" Saad ni Accius. Kahit pa nagdadalawang isip pa rin, tumango na lamang si Imogen sa kaniya. Kaagad na naglakad ang dalawa sa harap ng anim.

"Imogen! Kay tagal ko ring hindi nakita ang pagmumukhang iyan!" Nanlaki ang mata ni Imogen dahil sa mga sinabi ni Epione. Bahagya niya rin namang tinignan ang dalawang featherian na kasama nila. Mas lalong tumindi ang pagtataka niya sa kung ano ang nangyayari ngayon sa Polyverian.

The Prophecy Series #2 : Decks of Qiver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon