Libro ng Propesiya

5 3 0
                                    

LIBRO NG PROPESIYA
ORIHINAL NA BERSYON

ANG PROPESIYA PARA SA ITINAKDA

Ang librong ito'y naglalaman ng bawat propesiyang naka-sentro lamang sa buhay at sa paligid ng itinakda. Lahat ng ito'y maisasakatuparan at dapat na mangyari sapagkat mas maigi ang daan na may patutunguhan kaysa ang daan na tila walang hangganan.

Sino ang Itinakda?

Ang itinakda'y magkakaroon ng anyo gamit ang ngalang Fauzeah. Siya'y maipapanganak sa gabing kay dilim na halos walang makitang liwanag sa kalangitan. Maging ang mga tala'y tila pundido.

Sa mga oras na iyon, tanging ang kaniyang mga magulang ang lilikha ng daan upang siya'y maging isang itinakda. Ang dalawang nilalang na sumumpa sa kanilang pagmamahalan ay isang magiting at isang may paninindigan. Dahil dito, lalaki ang itinakda bilang isang kamangha-manghang dalaga.

Ang kaniyang buhay

Upang matupad ang kaniyang misyon bilang isang itinakda, kinakailangan niyang makilala't tahakin ang islang bago pa sa kaniya. Kapag ipinakita na ng kanilang mahusay na manggagamot at mambabasa ang kaniyang hinaharap, kinakailangan nitong sabihin sa itinakda ang dapat nitong gawin.

Ang babago sa kaniyang daan ay tanging ang isang nilalang lamang, ito mismo ay ang hari ng Molvesca. Ang kaniyang mga desisyon ay makakaapekto sa buhay na tatahakin ng nilalang na ito.

Ang posibilidad na kaniyang taglay

Bilang isang itinakda, makikilala lamang siya na tagapagligtas sa mundong ito kapag siya na mismo ang nagpalabas ss kasamaan. Ang kaniyang aksyon sa mga oras na iyon ay nakasulat na mismo sa librong ito. Isa lamang ang maaari niyang gawin; ang lumuhod sa harap ng kasamaan.

Kahit ano pa ang kaniyang tahakin o kahit ano pa ang piliin niyang gawin, hinding-hindi na ito magbabago pa.

PROPESIYA
UNANG PARTE

Sa pagpatak ng dilim,
Isang liwanag ang titindig sa ilalim
Ito'y magmumula sa dalagang si Fauzeah
Itinakda man o ang makakasira

Ang tindig niya ay magdadala ng liwanag at kadiliman sa mundo ng Polyverian.
Kung ano man ang landas na kaniyang susundin, ito'y nakabase pa rin sa ninanais ng kaniyang damdamin

Sa pagbagsak ng agila sa hilagang silangan, magkakaroon ng kaalaman ang dalagang itinakda sa kaniyang misyon.
Sa araw na iyon, magbabago nang tuluyan ang kaniyang buhay

Isang serye ng pangyayari ang magsisimula.

IKALAWANG PARTE

Nang simulan ng dalaga ang kaniyang misyon, tanging ang may pakpak lamang at ang may kakayahan ang maaaring magtungo sa kagubatan kasama ang itinakda't makakasira. Sa kadahilanang sila ang magiging gabay niya sa kung ano man ang laban niya sa pangyayaring kakaharapin niya.

Kapag ang anim na sangtwaryo'y umilaw sa gitna ng gabi, magkakaroon ng gabay ang dalaga sa kaniyang tatahaking daan. Doon, malalaman niya ang katotohanan. Hanggang sa tanging ang hinaharap na lamang ang may kaalaman sa kung ano ang susunod na mangyayari. Unos man o pag-asa.

The Prophecy Series #2 : Decks of Qiver [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon