VII

0 0 0
                                    

"Ano teh? Susunduin ka ulit ni kuya pogi? Gosh kung ayaw mo dun aabangan ko talaga 'yon!" Nagtawanan kami ni Yeng sa sinabi ni Mae.

"Lol libre naman mangarap." I rolled my eyes. "besides, di ka type non! Maarte gusto non."

"Malay mo naman! Opposites attract kaya." She replied.

"Ulul! Inistalk ko sa facebook yon kagabi." Ani ni Yeng. " Di ka talaga magugustohan nun, same religion ata sila ni Stel eh. Tama ba?"

Tumingin silang dalawa sa'kin.

"Oo, bawal sa'min ang di same religion." I chuckled. "Bigay ko sa'yo si Dave? Yung kapartner ko sa debate last quarter."

"Ay pwede! Ang hot papi non!" Nagtawanan kami lalo.

"Landi mo talaga." Ani ni Yeng. "So, good boys pala ang typings ng ating bestie eh! Ikaw ah. James ka pala ah." She teased habang hinahampas ako ng notebook.

"Ikaw na talaga ang mahaba ang hair!" Mae said. "Ay wait mahaba nga pala talaga ang buhok mo hahaha."

We continued with classes.

Naglalakad ako nun papunta sa library. It was already 4:00pm nagsabi na'ko kay James na baka 'di muna ako magpapasundo gawa ng magrereview ako. He agreed naman.

I entered the library and konti lang ang tao kaya nakahanap agad ako ng spot.
I sat down and tied my hair before opening my laptop.

I've been studying for like 2 hours na so I stretched my arms.

"Oh kape." It was Dave. "Para kang tatakbong valedictorian ah."

"Yun naman talaga ang goal eh." I replied. "Thanks dito."

He sat beside me and opened his laptop. We ended up talking the whole time I was there and nang matapos ang chismis session namin it was already 8:00pm

"Sabay nako sa'yo papuntang gate." He said.

I nodded and gathered my things inside my bag. We walked down the corridor hanggang makarating sa gate.

"Sali ka ulit sa debate ah." He said. "Extra points promise hahaha."

"Yeah sure, malakas ka sa'kin eh!" I smiled and tapped his shoulder.

Maglalakad na sana ako papuntang overpass ng tawagin nya ko.

"Stella,hatid na kita?" He asked.

Sabagay delikado na ngayon.

"Okay!" Agad syang naglakad para makahabol sa'kin. Nag bus nalang kami para hindi hassle.

Tumigil yung bus sa kanto kung san ako bababa.

"Oh ba't ka sumunod?" Nagtatakang tanong ko sakaniya.

"Samahan kita hanggang sa tapat ng bahay nyo." He explained.

'Di nako nakaangal hinayaan ko nalang sya. Nakarating naman kami agad sa tapat ng apartment.

"Thank you sa paghatid." I smiled. "Kaso baka magselos yung manliligaw ko pag nalaman nya."

"Manliligaw? You accept suitors? Pwede mag apply?" He asked continously. "I really like you, Stel. And gagawin ko lahat sagutin mo lang ako."

"Hindi kasi ako nagpapaligaw sa hindi same ng religion ko eh." I explained.

"Ah I see. Ayos lang, sige na pasok kana sa loob." He waved goodby and left.

Pumasok na'ko kung saan naabutan ko si Achi na naka abang ulit sa sala.

"Naks naman, daming manliligaw ah." She laughed.

The Summer I Met You (Under Revision)Where stories live. Discover now