Chapter 5

1.7K 49 1
                                    

Enervating

"Hoy Ace!"

Napatalon ako ng konti ng marinig ko yung sigaw ni Serene. Sinamaan ko siya ng tingin, kung nakakamatay lang 'tong tingin ko kanina pa nakabulagta 'tong gagang na'to.

"Ano?"

"Di ka naman nakikinig e!" Pagmamaktol niya.

"Pasensya na po kamahalan, pakiulit nga yung sinabi mo may hinahanap pa kasi ako."

"Ano ba yung hinahanap mo?"

"Yung pake ko sa pinagsasabi mo."

I whipped my invisible long hair at nag walkout sa kanya. Parang di nakahanda ng shield yung anteh niyo sa katarayan ko ngayon kaya na speechless ang gaga.

It's been 2 days simula nung pinatakbo kami ni Coach for 20 laps. Ever since that day ganun na yung routine namin. Every 4PM sa track and field na kami didiretso then we'll run for 20 laps, pagkatapos nun balik kami sa pool area to get our things then sasakay sa school bus para byumahe papunta sa Sports Center at dun mag training for 2 hours.

Dumagdag pa 'tong subjects ko. I have tons of plates na kailangan pang tapusin, lots of equations to solve, then may minor subjects pa na feel na feel nila yung pagiging major subject. Anong maitutulong ng role playing sa pagiging engineer ko mga beh? Buti nalang talaga't ako yung director at writer ng play namin, I don't like acting. Hahakot na naman yun ng attention and I don't like it when everyone's attention is on me.

I finished our script last night at papunta na ako ngayon sa meeting place namin kung saan kami magpr-practice sa play. Thankfully, ka grupo ko si Serene. I asked her if gusto niya bang umakting, sabi niya na siya na daw bahala sa costume, hair and makeup sa mga actors namin. Mas gusto niya kasi yun, kaya eto ako ngayon dala-dala 'tong ibang suitcases niya para sa costume, hair and makeup.

If you're wondering kung nakahabol ba si Serene sa akin, she did pero may kasamang batok yung paghabol niya sa akin. If di kasi siya naka resbak sa pagtataray ko, pambabatok yung revenge niya sa akin.

Nakarating na kami sa meeting place namin, thankfully kumpleto na yung ka grupo ko. I assisted some actors in our group na may mga tanong sa kanilang script, nag guide din ako sa mga cameraman namin kung ano ang dapat gawin sa scene na ito. So far matitino naman yung groupmates ko. Buti nalang talaga kasi feel ko sasabog ako kapag may di umaayon sa gusto ko.

"Ace!"

"O?"

"May naghahanap sa'yo, Captain mo daw."

Captain ko? Oh.

Agad akong tumayo sa inuupuan ko at tumungo sa pinto. There I saw Axel leaning on the wall with a bag of snacks and drinks on his hands.

He instantly smiled upon seeing me. "Bonjour, mon chéri." [Hello, my darling]

"Hi, Captain." I smiled at him, medyo nahihiya ako kasi madami-dami na din yung dumadaan sa hallway na'to. And Axel is attracting attention, sinong di mapapalingon sa kagwapohan niya?

He looked at me in the eyes, alam kong binabasa niya na naman 'tong mood ko ngayon. I don't know kung paano niya ginagawa yun, di naman ako ganun ka transparent sa emotions ko. I guess he's really that observant and attentive when it comes to me.

He sighed upon sensing my mood. "Don't tell me nakalimutan mong kumain ng lunch?"

"Uh... is it lunchtime already?"

"Sean, it's 2:30 pm already. Kaya nga snacks lang 'tong dala ko ngayon kasi akala ko tapos na kayong kumain."

"Oh." I checked my watch and indeed, it's already 2:30 pm. "I'm sorry, di ko namalayan yung oras. I really want to finish this play para maka focus na ako sa major subjects ko."

My Dearest CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon