Chapter 8

1.2K 34 2
                                    

Elucidate

"Sean?"

May naririnig akong naglalambing na espiritu.

I was busy preparing the materials para sa painting ko. I also turned on my lamp sa tabi ng easel. Di ko nga namalayan na tapos na palang magluto si Axel. The blank canvas is already placed sa easel ko. I chose the 10x15" na canvas and since it's a selfie, I want to paint it vertically.

I decided to use acrylic paint para mas ganda yung kalalabasan ng colors sa portrait. Unti-unti ng kumakalma yung mood ko pagkakita ko pa lang sa color palette na napili ko for their selfie. I really love looking at different colors lalo na't maganda yung combination ng colors. I'm not the type of person na pag may nakitang red color, red na agad yung color nun. No, madaming pumapasok na iba't-ibang klase ng red sa isip ko. Makikipagtalo talaga ako sa'yo kapag sasabihin mong red lang yang nakikita mong kulay. 

"Mon chéri?"

Ay nandito pa pala ang espiritu.

May konting tampo pa din ako kay Axel. Pero mga beh naglalambing na yung Captain ko huhu pansinin ko na nga.

"O?" Tanong ko sa kanya habang nag-aayos ng paints ko sa mini table. Di ko muna siya titingnan baka nag puppy eyes na siya, kahinaan ko yan ih.

Nu ka ngayon. Di ako marupok porke't mah- este gusto kita hmp.

"Dinner's ready, amour. Kain na po tayo?"

Tangina.

"Okay." Naglakad ako agad sa dining area.

Kaya mo yan, Sean. Anak ka ni Elsa, dapat marunong ka ding maging cold.

Ako na ang kumuha ng sarili kong pagkain, di ko siya hinayaang kunin yung plate ko. Bahala siya jan, tampo pa din ako.

Hinayaan niya lang ako at kumuha na din siya ng sarili niyang pagkain.

We ate silently. Di yung comfortable silence mga beh, may tension na ewan di ko na alam mama gusto ko nalang kumanta ng Let It Go.

Okay, may aaminin ako. This is one of my flaws. Pag kasi alam ko na di ako yung may kasalanan sa away, di talaga kita papansin. I don't care kung maliit or malaking away yan, basta pag di ako ang may sala, di talaga ako mage-effort na makigpagbati sa'yo. 

Inintindi ko naman siya kanina diba? I asked him kung okay lang ba siya, kung ano ang nangyari, but he just brushed me off. I gave him space para makapag-isip pero hanggang sa natapos yung practice tahimik pa din. Syempre, pinanganak akong overthinker ni Elsa kaya sumagi sa isip ko yung thoughts na may nagawa ba akong mali or what. Kaya I kept on over-analyzing lahat ng pangyayari ngayong araw pero wala talaga akong nakitang mali, kaya eto ako ngayon. Nagtatampo. Goodluck nalang sa kanya. Mahirap akong suyuin mga beh. Tatlong araw nga akong sinuyo ni Serene nung may nagawa siyang kasalanan sa akin.

"Thank you for the food, Captain. It was delicious." Sabi ko sa kanya pagkatapos kong kumain. Syempre may manners pa din ako noh. Tumayo ako agad at pumunta sa sink para hugasan yung plate ko.

Alam kong alam na niya na nagtatampo ako. Ewan ko nga kung bakit di pa din siya gumagawa ng paraan para suyuin ako.

Aahh ewan!! Bahala na siya jan. Makapag paint na nga.

Pumunta na ako sa living room at kinuha yung pencil ko. Kinuha ko yung phone ko para tingnan yung selfie na sinend ni Vander. I decided to stand while sketching their selfie. Kakakain ko lang mga beh, busog pa ako kay tatayo muna ako.

My Dearest CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon