Chapter 20

836 15 1
                                    

Smitten

"Bff!!"

Serene screamed followed by an excited squeal as she ran towards me. Di ko tuloy mapigilang matawa, kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.

I braced myself for impact kasi alam ko na there's going to be an incoming hug from her.

"Oof!" I exclaimed the second naramdaman ko ang hug niya. Niyakap ko siya pabalik at mahinang hinaplos ang kanyang likod para kumalma 'tong gagang 'to.

"You're all here!!" Masaya niyang sabi while doing small jumps, nakahug pa rin siya sa akin so para na rin akong nakitalon kasama siya.

I giggled dahil sa kakulitan niya. Hinayaan ko na muna siyang magtatalon-talon, di ko kayang pakalmahin 'tong babaeng 'to kung ganito siya ka excited.

She finally stopped jumping at niyakap ako nang mahigpit bago siya bumitaw at lumayo sa akin. She smiled widely at all of us. "I'm so happy! Mas lalo tuloy akong na excite sa birthday ko."

"Happy birthday, Rene! We placed our gifts dun sa table kasama ang ibang gifts mo." I greeted and smiled at her.

Serene smiled widely at me. "Omg! Nag-abala pa kayo pero thank you so muuuuch!!" 

"Happy birthday, pretty!" Lance greeted her and kissed her on the cheek.

Agad ko namang tiningnan si Callum, I saw him smiling pero makikita mo na may halong pait ang mga ngiting yun.

"Happy birthday, Serena!! Matanda ka na pero maliit ka pa rin!" Tukso ni Vander kaya napatawa kaming lahat, binatukan din naman siya agad ni Serene. "Ah ganun, sige di kita bibigyan ng balat  ng lechon mamaya."

"Akin na lang ang balat ng lechon ni Vander, Serene!" Excited na sigaw ni Ion. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Vander.

"Subukan mo lang talaga, Gomez! Sasabihin ko kay Coach na nagch-cheat ka sa mga laps mo!" Vander threatened Ion.

I chuckled silently. Lagot talaga 'tong mga 'to ngayon. Nakalimutan ata nila na nakikinig lang si Axel sa kanila.

Axel's not aware of this. May iba kasi sa kanila ang nagch-cheat ng laps during training, kagaya kahapon, I was already on my last lap and I noticed na kakatalon lang ni Ion sa pool but then he said to Coach na natapos na rin niya ang 10 laps niya. Of course, I was stunned. Di naman ako makapag reklamo kasi I thought na ako lang nakakapansin then kapag nagreklamo ako, walang maniniwala sa akin kasi wala naman akong proof, wala ring baback-up sa akin. So tumahimik na lang ako.

It's not a big deal naman for me kasi it's just training. Di naman ako ang kawawa during competition kasi di naman ako tamad sa training. If swimming is a team sport then jan na ako maiinis kay Ion kasi madadamay kami dahil lang sa pangit niyang performance. Swimming is mostly a solo sport, nasa sa'yo na yan kung gusto mong magseryoso during training o hindi basta ang importante lang para kay Coach ay maka break kami ng time records o maging record holders kami. Though importante rin naman ang overall medals ng university namin, kapag maraming medals, mas sisikat ang university. I'm not that attached to our university so, meh lang sa akin yan.

"Repeat what you just said, Vargas." Axel's commanding and firm voice silenced all of us.

Sinasabi ko na nga ba.

"H-Ha? Ah eh... may nasabi ba ako A-Ace-lovey?" Kinakabahang tanong ni Vander.

"Isa, Vargas."

"Nakalimutan ko na talaga, Ace-babey huhu" Vander tried to mask his nervousness pero makikita mo pa rin talaga sa mga mata niya ang kaba.

My Dearest CaptainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon