KABANATA 37

1.6K 38 0
                                    

The Secluded Trails of Deceit
written by : riyanisity


A week after that, Draven became busier. Mas lalong lumala ang sitwasyon dahil ang dating halos hindi namin pagkikita, ay napunta na sa madalang na pag-uusap. Still, despite that, I didn't demand or fight with him about what I was feeling. I keep reminding and pursuing myself that he's just dealing with a lot of things too, especially his internship. And in the end of that, I always tried my best to understand him, even though sometimes he'll rush to end the call between us.

Hinayaan ko na gano'n lang ang estado naming dalawa. Pinagsawalang bahala ko kahit ilang araw, linggo, at hanggang sumapit mismo ang dalawang buwan, dahil tuwing nakakahanap naman siya ng tyempo, ay pinupuntahan niya ako kahit saglit lang.

Although, most of the time, he's either tired or lost. The worst-case scenario is when he's drunk or close to falling asleep at any minute. It's making me worried and a bit troubled, but whenever I ask him about it, the only response I gain is just school-stuff and work-related. Hindi ko naman na siya pinilit pa dahil ramdam ko ang mas lalo paglala ng sitwasyon at emosyon niya tuwing ginagawa ko 'yon. Nananatili na lang tuloy akong tahimik at palihim na inaasikaso siya, kahit ang kapalit no'n ay ang sarili ko.

Not being able to contain my worries and thoughts, I stood up from my bed and took my phone, wallet, and car keys, even though it was in the middle of the night.

Pagkalabas ko sa kwarto ay bumungad sa'kin ang nakakabulag na liwanag dahil sa mga ilaw na nakabukas. Lahat 'yon ay nakaandar, mula sa sala, kusina, banyo, at kabilang kwarto. Ang bawat ilaw, maliit man o malaki, ay nanatiling sumasakop sa bawat kisame, pader, at sahig ng unit namin. Even the refrigerator was left open, which made my eyes widen.

Kaagad kong pinuntahan ang kwarto ni Sab para hanapin siya ro'n, ngunit wala akong nakita ni isang anino niya, maliban sa mga bago niyang gamit na nakakadagdag liwanag sa lugar. Hindi lang ang ilaw na nakadikit sa kisame ang naroon, kundi nakabukas din ang lampshade sa gilid ng kama niya, maging ang ilang kandila. Seeing that, I had no choice but to blow on them, without minding the lights powered by our electricity, as I went out of her room.

Sinunod ko ang sala, banyo, hanggang sa napadpad ako sa kusina. And there she was, leaning on the counter and sitting on the floor with her legs folded upwards as she scribbled on her sketchpad with her right hand, and the other one holding another candle. Hindi niya ininda ang bawat butil ng wax na bumabagsak sa tuhod at paa niya. Kahit nga ang pagtulo no'n pababa sa kaniyang binti ay parang wala lang.

Dahan-dahan kong sinara ang pinto ng ref, ngunit nakuha pa rin no'n ang atensyon niya. No'ng una ay gulat at takot ang namutawi sa kaniyang mukha, pero napilitan din naman kaagad 'yin ng kaginhawaan matapos niya akong makilala. She didn't say anything and went back to what she was doing, like I wasn't there.

I placed my things on the dining table before approaching and kneeling in front of her. "Sab..."

Again, she didn't respond and continued drawing with no emotion on her face. Nang sinubukan kong hawakan ang braso niya, ay mabilis siyang umiling at niyakap ang kaniyang ginagawa na para bang kukunin ko 'yon o may balak akong masama sakanya.

Mas lalo siyang sumiksik sa kaniyang sinasandalan, habang paulit-ulit na lumulunok. Ang sindi ng kandilang hawak niya ay halos dumikit na sa kaniyang balat na kaagad kong kinuha. Because of that, Sab was eager to move away from me even more. Tuloy ay hindi ko na lamang pinatay ang apoy at pinatayo sa pagitan namin 'yon, na nagpakalma nang kaunti sakanya.

Bumagsak ang kamay ko sa sahig at tanging simpleng ngiti na lamang ang ipinakita. Saglit niya pa akong tinitigan matapos no'n, na parang binabasa ang susunod kong gagawin, pero nang lumayo ako at sumandal sa kabilang bahagi ng countertop, ay muli siyang bumalik sa pagguhit.

THE SECLUDED TRAILS OF DECEIT '. ruler of fate series l first bookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon