READ BEFORE VOTE.
CHAPTER 4.
Parang mas gusto ko pang mangyari ung napaginipan ko kanina.. kesa tong ginagawa ko ngayon.
WAA! ERASE!
Mas gusto ko na tong ganto, kesa mapalapit ako dun sa mokong na un -_-
“Carla bilisan mo naman! Kanina ka pa dyan eh!” sigaw ni mokong sa labas.
Paano naman ako hindi magtatagal dito, eh ang gulo gulo gulo at dumi dumi dumi ng kwarto niya!! Parang engkanto ang nakatira dito!
“Teka lang! Ang dumidumi dito. Ang daming kailangan ayusin. Parang hindi tao nakatira dito eh!” sigaw ko. Totoo naman kasi!
Bigla siyang lumitaw sa pintuan.
“May sinasabi ka?” painosente niyang tanong.
“Walaaaa! Labas! Labas!” sabi ko at pinagpapalo ko siya ng walis.
“Aray! a-ano ba! Eto na!” at saka ko ni-lock ung pinto.
Wew. Sabi ko naman wag kasi siyang lalapit saken eh. Ayoko talaga. Wooo!
“Bilisan mo na! Malapit na dumating ung bisita ko eh! Mamaya maabutan ka pa nun dito. Tsk”
Bisita? Kaya niya pala ako pinaglinis dahil may bisita siyang dadating. Psh. Okay lang. Atleast may extra job, extra income din to.
“Eto na po SIR. Konti na lang!”
Pinalitan ko ung bedsheet niya, ung mga punda ng unan, tinupi ko ng maayos ung mga damit niya sa cabinet niya, sa drawer, ung mga maduming damit nasa sahig lang hindi man lang maishoot sa basket -_- tapos nagwalis walis, tinapon sa labas ung laman ng garbage can niya sa kwarto niya pati na ung nasa pinakakusina, umm ano pa ba? Ung mga sapatos niya din pala inayos ko sa shoe rack! Pati ung banyo niya sa kwarto nilinis ko na din.. Ang bango ng bathroom niya.. KDOT! Tapos un. Un lang naman…
After mga 30 mins ata, natapos na din ako.
Paglabas ko ng kwarto niya, nakaupo siya sa sofa at nanunuod ng tv. Relax na relax. Haaay. Hirap talaga pag nabuhay na mayaman.
“Tapos na po sir..” sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya.
Nakakapagod ah! WOOO!
Nanunuod ako ng tv, at parang naramdaman ko na nakatingin siya saken..
“Bakit? May dumi ba sa mukha ko?” tanong ko sa kanya.
Nangiti siya, “Wala naman. Hindi ko kasi alam kung bakit ka tumabi saken. Akala ko ba ayaw mo na malapit saken? Kunyari ka pa…” sabay smirk niya.
Oo nga noh..
WAAA! Bigla akong tumayo at umupo dun sa isa pang upuan.
“Ahh.. kasi.. nakakapagod kaya maglinis ng kwarto mong sobrang dumi no! Gusto ko na umupo.. Ang sakit kaya ng paa ko! MMM!” sabi ko sabay amba sa kanya.
“Sus.. Alam ko namang humiga ka na dun sa kama ko. Okay lang un, panigurado sarap na sarap ka dun sa loob kanina. Hahaha..”
ANG YABANG!!
“Hoy!! Grabe ka!! Hindi ako humiga dun no!! Ni umupo nga di ko ginawa eh!! Napakasama talaga ng ugali mo kahit kailan!!!!” -___-
“Hahaha.. Oo na oo na..” sabi niya pero natatawa pa din.
Tumayo siya at naglakad papunta sa kusina, “Anong gusto mong kainin? Kumain ka na muna bago ka umalis.”
What? Totoo ba ung narinig ko?
BINABASA MO ANG
Last Pill [ON-GOING]
Teen FictionHappy endings don't always mean being together.. (Credits to pilosopotasya for the cover!)