Chapter 2

108 4 3
                                        

READ BEFORE VOTING.

CHAPTER 2.

Eto na naman po tayo sa pagpasok sa trabaho >.<

After ko pagupitan ng buhok si Aris, hinatid ko ulit siya sa bahay at pinabantayan kay Nanay Andeng. Pero alam ko naman na hindi un magstastay sa bahay, panigurado dun un sa bahay ni Nanay Andeng..

Lagi naman ganun un si Aris dahil sobrang close nila, turing nanay na ang trato niya kay nay Andeng, kahit ako naman.. tska Sabado naman ngayon kaya walang pasok ang baby ko.

Naglalakad na ako at medyo malapit na ng Makita kong parang may hindi magandang nangyayari sa labas ng shop…

“Nako naman! Kayo na nga ang mali kayo pa galit!!!”

“Ma’am pasensya na po talaga..”

“Hindi na ko magkakape dito! Ang pangit ng service niyo!!!”

“Ma’am tek- - -“napatigil si Ma’am Trisha sa paghabol dun sa costumer ng hawakan ko siya sa braso.

“Ma’am Trisha, hayaan mo na po un..” sabi ko sa kanya sabay ngiti.

Napabuntong hininga siya ng malalim.

“Buti naman andito ka na ate Carla..”sabi niya at binigyan ako ng isang pilit na ngiti.

Napakaganda talaga nito ni Ma’am Trisha.. maamo ang mukha, mabait, magalang - kahit siya ang ma’am tinatawag pa din akong ate kasi mas matanda ako sa kanya, hindi matapobre, matalino.. Super kabaligtaran ng kapatid niya.

Ayyy sorry po!

Kaya niyo ata ako binigyan ng sakit dahil sa sama ng ugali ko sa lalaking un eh.. eh nagsasabi lang naman po ako ng totoo.. Ayyy sorry po ulit! Di na po! Good na po ako.

“Ano bang nangyari ma’am?” pagtatanong ko sa kanya.

“As usual.. eh di may sinungitan nanaman ang gwapo kong kuya..” nanghihinang sagot niya saken habang papasok kami ng shop.

“Wow ma’am.. ang bago niyan ah! hehe” pagbibiro ko sa kanya.

“Naku ate Carla! May mali naman talaga ung masungit na ale kanina eh! Sungitan ba naman kasi ung nasa counter natin, eh narinig nitong si kuya, ayun na! Hindi na naman nakapagpigil! kung bakit ba kasi hindi na lang magpakumbaba kahit minsan lang ni kuya eh, costumer naman un…” paliwanag niya saken.

Ganun naman lagi ang complain sa kanya..

In fairness naman, magsusungit lang siya pag pangit ang pinakita mong ugali sa kanya. Un lang, hindi marunong magbaba ng pride kahit sabihing customer is always right.

“Kilala mo naman kuya mo ma’am eh..” sagot ko.

“Kuya mo? Hindi ba dapat SIR mo?”

Sheeeet.

Andito na si speaking of the devil.

“Late na nakikipagdaldalan pa? Tsk. Trisha back to office now. May tinatally ka pa dun di ba?” masungit na sabi niya.

Kahit magkapatid silang nagpapatakbo nitong coffee shop nila, tinuturing talagang boss ni ma’am Trisha ang pangit na kapatid niyang si Troy, ay si Sir Troy. Kahit sobrang pangit ng ugali nitong kupal na kuya niya, sumusunod pa din siya.

“Akyat na po ako.” sabi niya kay sir Troy sabay baling saken, “Ate, ikaw na lang sumama sa delivery ha? Ung mga sako ung bibilin dun. 20 sacks un I think. Okay?”

Last Pill [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon