“Ate.. Ate..”
mmmm..
“Ate.. Ate Carla..”
“mmm.. Hindi pa ko ready..”
“Ate Carla naman eh!”
Woah! Napatayo ako sa pagkakahiga ko. Ang sakit ha!!!!
“Ayan.. very good ate..” nakangising sabi saken ni Aris.
“Ano bay un Aris! Hindi nakakatuwa un ha!!” sigaw ko sa kanya. Ang sakit kaya sa tenga! Sigawan ka ba naman?!
Hala.. Ayan na.. lumungkot ang mukha ng pogi kong baby..
Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya.
“Sorry baby.. Hindi sinasadya ni ate na sigawan ka.. Pero mali ung ginawa mo..” marahan kong paliwanag sa kanya.
“Eh kasi ate kanina pa kita ginigising eh.. mga.. mmm.. 10 minutes na.. ganto oh..” at tinaas niya ang mga kamay niyang may isang daliri at isang bilog, tanda ng 1 at 0. “Ayaw mo magising eh. Akala ko iniwan mo na ko..” mahabang-ngusong sabi niya.
Susko Lord..
kaya niyo po bang lumungkot ang batang ito?
“Tsk tsk.. baby, natutulog lang si ate. Medyo kulang kasi ang tulog ko, tapos pagod pa. kaya malalim ako matulog ngayon.. Tska ano ka ba! Hindi kita iiwan noh!” sabi ko sa kanya at niyakap siya.
Binaon ko ang ulo niya sa dibdib ko para di niya makita ang paluhang mata ko..
Tama..
Hindi ko po kayang iwan ang kapatid ko..
Diyos ko, eto na naman po ba tayo sa pag-iyak..
“Ate?”
Napasinghot at napapunas ako ng mukha ng marinig ko si Aris.
“Ate, bakit ka umiyak?”
“Hindi ako umiyak! Ano ka ba! Napuwing lang si ate..” palusot ko habang kinukusot ang mata ko.
“Ate, akala ko ba bawal magsinungaling?” tanong ni Aris.
Nakooo.
Nakalimutan ko matalino pala tong baby ko. Hehehe!
“Haha! Oo na oo na po. Ang totoo po niyan natusok ako sa haba ng tirik tirik mong buhok! Haha.. Maligo ka na tapos magpapagupit tayo bago ako pumunta sa trabaho. Dali!” sabi ko at tinulak ko siya ng mahina.
“Naku si ate.. Sige na nga po. Kumain ka na po ha? May pansit at pandesal pa po sa lamesa. Bigay po yan ni nanay andeng kanina. Tapos ung 3-in-1 na kape po nasa kahon po natin. Mainit pa po ung tubig sa kaserola, wag ka na po magpakulo ulit.. ok na po un..” mahabang sabi ni Aris tska pumasok sa banyo.
Ohh..
May ganyan ba kayong kapatid? WALA! Hahaha.. Sorry.. proud lang ako sa kapatid ko..
Aris Angelo Ramires. 8 years old. Nag-aaral sa public elementary school dito samen. Kahit gusto ko man na sa private siya pag-aralin, hindi ko naman kaya. Un lang ang budget ko eh.
Mga magulang ko? Wag niyo na tanungin. Wala akong balak ikwento sila dahil hindi naman sila parte ng buhay namen. Oo. ako na masamang anak. Pero I don’t think naging mabuting magulang sila samen.
Hindi din naman masama ang pag-aaral niya sa public. Minsan nga sinasabi niya saken, “Ate, pangalan lang ng school ang binabayaran sa mga private na yan.. Wala namang pagkakaiba yan sa public eh. Oo walang aircon, may electric fan naman! Kulang nga ung mga upuan, pero Masaya naman! Atsaka po mas magagaling pa nga ang mga guro sa public eh. Kayang magturo ng lagpas 60 na maiingay na estudyante. Oh di ba?”
BINABASA MO ANG
Last Pill [ON-GOING]
Genç KurguHappy endings don't always mean being together.. (Credits to pilosopotasya for the cover!)