CHAPTER 1

17 1 30
                                    

Author's Note:

Hello! This is me Fallenfromgrace. The author of A love that last forever. I saw your comments and reactions on my last update as well as the ending of my 5th novel.

The ending will not be revised or anything. I hope that my readers will continue to support my stories.

The main reason I wrote this A/N is that I want you all to know that I will be taking a vacation from writing and I want to rest for sometime.

I hope you understand.

I love you all!

Thank you for the support.

Yours truly,

Fallenfromgrace

King's Pov

Napatulala ako sa Author's note na nabasa ko. Ito ay galing kay fallenfromgrace.

Ang author na sa hindi ko malamang kadahilanan ay napaka sadista, masochista at unfair sa mga characters niya.

And I don't know kong bakit hook na hook ako sa story niya. It was well written the emotions are there you can definitely feel the agony of each character she have written.

Yun nga lang napakasakit ng ending.

Anyways, iyon nga nakaupo na naman ako sa study table ko dito sa kwarto. Late na ako sa first subject ko pero wala akong paki kasi yong author ng paborito kong novel ay nag announce na mag-ha-haitus siya.

Tumayo ako at kinuha ang bag, papasok na nga lang ako.

Pagdating ko sa school agad na binati ako ng gwardiya sa school.

"Mr. Lolito Hari! Mukhang late ka na naman ah!"

Napakamot ako sa batok.

Tanginang yan buong pangalan talaga.

"King nalang kuya." tinapik ko siya sa balikat at malakas lang itong tumawa.

"Sige na pumasok ka na, King." Natatawa niyang sabi.

Naglakad na ako papuntang register office may fi-fill out daw na papers para sa nalalapit naming graduation.

"Oh, King. Ito na yong form. Sayang di ka na President ngayong taon ng student council."

"Di namam ate. Gusto ko lang mag focus ngayon sa part time ko."

Tumalikod na ako at naglakad papunta sa classroom.

Pagbukas ko ng pinto bumungad agad sakin ang mukha ng isa sa bestfriend ko si Boyet.

"Uy King! Dito kay may kwento daw si Dave."

Naglakad ako palapit.

Byuri Sanchez or Boyet, 21 years old. Classmate ko since 1st year college. Ang makulit at chismoso kong kaibigan na sa sobrang daldal mukha na talaga siyang si Boyet na may asawang pokpok.

David Karl or Dave, 22 years old. Ang kababata ko, magkaibigan na kami simula pa elementary di ko na nga maalala kong kailan kami naging close. Half American din siya kaya napakalapitin ng chicks ang problema napakasama ng ugali. Ewan ko ba bakit magkaibigan kami.

At ako si Lolito "King" Hari Jr. 22 years old.

"Lolito wag kang tulala lumapit ka dito!"

Napahilamos nalang ako sa mukha.

"Tangina mo. Boyet. King nga kasi."

"Aray" madramang niyang hawak sa ulo. Binatikan ko kasi.

"King daw. Lolito Hari Jr. Wag kang matigas di bagay sayo...aray sadista ka talaga". Sinampal ko sa bibig ng matahimik.

Author's NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon