King's Pov
Palagi kong naririnig ang katagang "Ang liit ng mundo" ngayon ko lang napatunayan na totoo pala 'to, habang nakatitig ako sa mukha ng babaeng nasa harap ko.
Napakamot ako ng batok.
"Fallenfromgrace yong author sa wattpad right?" Nakangisi kong sabi.
Tumayo si Rhea at nag gesture na tumahimik ako nasa labi niya ang index finger.
"Shh ka lang." sabay lingon sa paligid.
"Bakit? Million yong followers mo. You should be proud."
Umiling siya.
"No! No, no shut up. Please."
Natatawa ako sa taranta niyang expression kaya nagpakilala ako.
"I'm King. Nice to meet you. I am a fan with your works"
Napakunot siya ng kilay at hesistant man she extended her arms tinanggap ang kamay ko.
"Nice to meet you too. Ahhm..." di man lang makatingin sa akin.
I squeeze her hand before letting go.
"Can I- "naputol ang sasabihin ko sana ng may sumigaw.
"Hoy! Hari!"
Napalingon ako sa likod ng marinig ang boses ni Boyet. Naglalakad na sila palapit sa amin. Nakangisi si Boyet sa akin sabay sulyap sa babaeng nakatayo sa tabi ko.
Ng makalapit na sila, inakbayan ako ni Boyet.
"Eyy Pare ko! Sino itong magandang dilag na kasama mo?" Siniko ko si Boyet para matanggal ang pagkakaakbay niya sakin. Tumawa lang siya at humarap kay Rhea.
"Hello! Beautiful lady. I am Byuri Sanchez ang pinakagwapo sa aming tatlo." Nilahad niya ang kamay at tinaggap naman ito ni Rhea.
"Rhea." Maikli niyang sagot.
"Ooh Rhea. Rhea my loves haha" tinulak ko na palayo si Boyet kasi mukha na naman siyang pang mental.
"Ano ba King panira ka ng diskarte."
"Tumigil ka." Nilingon ko si Rhea. "Sorry. Di nakainom ng gamot eh."
Napangiti pang siya at inadjust ang salamin na suot.
"No its okay."
Nilingon ko si Dave na nakatayo lang sa gilid at nakapamulsa lang. Pinakilala ko nalang rin.
"This is Dave." Sabay turo kay Dave. Nakapamulsa at walang paki sa mundo.
Tumango lang si Dave kay Rhea at ngumiti nalang din ang huli.
.........
Nakaupo kaming tatlo sa iisang table. Binalik nalang ni Rhea ang lahat ng gamit na nakakalat sa table niya para malagay ang mga pagkain namin sa mesa.
"Dito ka ba nag stay Rhea?" pagbasag ni Boyet sa awkwardness. Wala kasing nagsasalita sa amin. At syempre sa daldal ni Boyet may pakinabang talaga siya sa mga ganitong sitwasyon.
Tumango si Rhea bago sumagot. " Yes, just for awhile."
"Bakit naman?... aray ko." sinipa ko nga sa paa at pinanlakihan ng mata.
Wag kang pakialamero.
Tinitigan lang ako ni Boyet at hindi talaga na gets yong gusto kong ipahiwatig. Bobo talaga tong si Boyet sa mga ganito eh.
"Stop prying on someone else business Byuri." napalingon ako kay Dave ng magsalita siya.
Thank God! May kaibigan pa akong normal.
BINABASA MO ANG
Author's Note
RomanceSad endings is Rhea's source of joy. She decided to be an author who bring out the sorrows of her readers. What will happen if someone who despise sad endings discover her stories? Enjoy the rollercoaster of chaotic emotions and discover the wildes...