Rhea's Pov
1 week ago
"Ma'am, kailangan niyo po muna umalis." problemadong saad ng landlord ko.
"Po? E, saan ako pupunta?"
"Problema mo na yun." sabay talikod at kinausap yong building maintenance.
"Ay grabe siya." napatakip ako ng mukha. Napasabunot nalang ako ng buhok.
Nilibot ko ang tingin sa buong bahay ko.
Indoor swimming pool!
Parang maiiyak na akong nakatingin sa buong condo. Ehhhh! Ang tanga ko ba naman kasi. Sa sobrang pag-pupuyat na iwan ko yong gripo sa bathtub na naka-on. Nakatulugan ko ayun, eto na kinabukasan.
"Sir este Ma'am Landlord, mga ilang araw po ba bago matapos ang pag renovate?" sa talim ng tingin niya sakin mukhang bubulagta nalang ako sa sahig. Hindi ko naman sinasadya eh.
"Sa laki ng problema na binigay mo sa'kin Madam, isang linggo ito." napangiti ako ng pilit, tumango at dahan-dahan ng umatras palayo sa Landlord kong beki na mukhang sasabunutan na talaga ako.
"Okay po noted. Lalayas na ako. As in now na." tumakbo na ako papunta sa kwarto.
Ayun at nag impake na ako ng gamit. Wala akong ibang bag na nakita iyong pang-hiking lang na hindi ko pa nagagamit. Puro plano lang kasi ang nagawa ko at ni isang bundok e, wala pa akong na akyat kahit burol nga wala or nono sa punso. Wala talaga tinatamad ako.
Busy ako sa pagpasok ng mga damit sa bag ko ng mag ring ang phone ko.
Editor Calling......
Oh shit.
Here we go again.
Sinagot ko ang tawag.
"Hello."
"Fallenfromgrace! I saw your Author's Note last night mag-papahinga ka?"
"Yes po."
"How many days will it take?"
Days? Aba anong akala niya sa'kin powerbank need mo lang e charge.
"I don't know baka weekssssss or monthssss. Madaming S. Hindi ko pa po alam."
"Rhea, bumalik ka agad ang daming nag-aabang sa'yo."
Napangiti naman ako. Para namang lumubo ang puso ko. Salamat naman at may nakaka-appreciate ng lahat ng gawa ko.
"Salamat po. Mag-papahinga ako but mag-hahanap din ako ng inspiration para sa new story ko."
"That's good to hear. Okay then. Enjoy your vacation."
Nakangiti na pinatay ko ang tawag. Ito yong mga editor na ang sarap pasahan ng manuscript eh. Simula ng ma release ang first novel ko at si Ms. Mia na ang nag-handle sa lahat ng gawa ko, never niya akong na-pressure mag-pasa ng works alam niya kong gaano kahirap ang magsulat at mawalan ng inspiration minsan.
Mapapatingala at dasal ka nalang e, Thank you Lord for everything.
Nabaling ang tingin ko sa kama. Nawala ang ngiti ko. Diyos mahabagin lalayas pa pala ako. Mabilis kong nakuha lahat ng gamit ko at lumabas ng kwarto.
Paglabas ng building.
"Oh saan na ako pupulutin nito?" parang baliw kong monologue sa labas ng building sa entrance. Naks 'kala mo ang layo ng nilakbay.
Maka-pagkape nga muna.
Pumasok ako sa coffee shop sa baba ng building ng condo ko. Oh diba ang layo na ng narating ko. Note the sarcasm please.
BINABASA MO ANG
Author's Note
RomanceSad endings is Rhea's source of joy. She decided to be an author who bring out the sorrows of her readers. What will happen if someone who despise sad endings discover her stories? Enjoy the rollercoaster of chaotic emotions and discover the wildes...