Chapter 3

9 0 26
                                    


Byuri "Boyet" Sanchez Pov

Napakagandang araw galing sa pinakagwapong nilalang. Natulog ako na pogi, gumising akong sobrang pogi.

Heto ako at naglalakad sa hallway kumakaway sa mga fans. Makikita mo talaga ang mangha nila sa ganda kong lalaki.

"Akala mo naman ang gwapo bansot naman sa grupo nila"

Narinig kong bulong ng isang basher. Nilingon ko siya at binigyan ng middle finger.

Dasurv.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi naman ako maliit 5'10 ako for your information lang.

Talagang napaligiran lang ako ng mga higante.

Gaya nitong si Dave na nakikita kong nakatayo sa gitna ng hallway 6'5 ba naman ang height. At tumatakbong lumapit at umakbay sa kanya si King 6'2 ang height. Ano ba naman ang panama ng isang 5'10 nakatulad ko.

Ngunit maliit man ako sa inyong paningin mas malaki ang sa akin! BAHAHAHA

"Anong tinatawa tawa mo diyan baliw" nakakunot ang noo na lingon sa akin ni King.

"Wala naman. Napatunayan ko lang na mas magandang lalaki ako sa inyong dalawa."

Nauna na ako sa paglalakad. Ganyan ang leader dapat according sa kapogian ang paglalakad.

Nakarating na kami classroom namin. Magkaklase kami sa Rizal class eh. Ngayon lang namin tinake tatlo kahit graduating na kami. Katamad naman kasi ng subject nato. Nakakawala ng kapogian.

Pagpasok namin napatigil ang lahat.

Aba syempre pumasok ba naman ako.

"Aahhh ang gwapo niya talaga"

Yes. Yes. I know.

".... ni Dave eehhhh" tsk mga bulag.

"Grabeng karisma yan King! Ahhh" tili ng isang babae sa gilid.

Nilingon ko si King. Karisma? Asan ang karisma. Ang snob kaya niyan. Ewan ko nga bakit naging kaibigan ko tong dalawa e ang sasama kaya ng ugali nito.

"Hi girls!" Kaway ko sa mga girls.

"Hello Byuri. Ang gwapo mo!"

Ayan!

Ayan yong sinasabi ko.

Pangiti ngiti akong sumunod sa dalawa at naupo na sa pwesto namin. Bumukas ang pinto at pumasok si Rhea.

Rhea?! Ang crush ni King na bet si Dave?

Exciting to!

Napangisi  naman ako sa binabalak.

Papalapit na sa amin si Rhea. Nilingon ko si King at ayun nag hugis puso na ang mga mata. Naka poker face pa kuno e halata namang kinilig ang betlog.

Si Dave naman aba nakangiti! Mukhang kursunada ata talaga si Rhea.

Tangina. Ako na nga ang mag-gi-give way.

Hindi para sa'kin ang love triangle or kahit square. Di bagay sa gandang lalaki ko.

Ms. Rhea its not you, its me.

"Hi Boyet!"

Oh. Ayun lang ako unang pinansin.

Sinamaan naman ako ng tingin ng dalawa. Nararamdaman ko ang inggit sa kanilang mga awra.

Napangisi ako at tiningnan sila ng nakakaloko.

"Hello Rhea my loves dito ka umupo sa tabi ko!" tinapik ko ang upuan sa tabi ko.

Author's NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon