Chapter 7

67 9 15
                                    

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Caspian saakin na hindi man lang ako tinignan

Sabay kasi kaming bumaba, naka busines suit na ito at mukhang amoy baby powder pa HAHA joke ang bango kasi n’ya tignan.

"Kay Ava, sabi kasi n’ya gagala kami sa mall" sabi ko habang pilit na inaamoy s’ya, malayo kasi s’ya saakin nakakahiya naman kasing lumapit sa taong 'to

"Ava? Who's Ava?" Tanong n’ya nakatingin na sa ’kin na ikinatigil ko

Litse nadulas pa, bakit pa kasi sinanay ko sarili kong tawagin s'yang Ava? E wala na kami sa dating mundo namin.

"Soriya! hindi Ava! anong Ava pinagsasabi mo?" Kunyari inis kong saad

"Liar, i heard it clearly" bored na sabi nito sa 'kin "Hahatid kita"

"Hala! Bakit? Diba may trabaho ka? Wag na" oa ko namang saad kasi hindi naman talaga sa mall ang punta namin. Nag eensayo kasi kaming dalawa ni Ava, self defense and archery together with her gwapitong kuya. Dapat kasi sila kuya Zeus at Hades lang mag eensayo pero sinali nila kami 8 years ago, so nag eensayo kami nang patago ni Ava.

Si kuya Zeus at kuya Hades pala ang mga gwapong kuya ni Ava. Grabi naman, baka mamaya may Poseidon dito na name ah, joke so ayon mababait ang mga iyon pag tulog, joke ulit haha legit mababait ang mga yon kahit palaging salubong ang mga kilay nila at mukhang mga suplado.

Balik sa topic, so ayon balita ko kasi pag nageensayo daw dito ang mga babae ay sasali or pilitin nasumali ito sa military, or isasali sa kahit anong organization na related sa pagpatay. Kaya tinatago namin ito maliban sa gusto namin mag mukhang mysterious and cool ay trip talaga namin na magpaturo sa kuya ni Ava, and isa pa need namin malaman ang self defense kahit wala kaming interest na sumali sa ganyan, lalo pa't milonaryo ang angkan namin, hindi ako nagyayabang ha.


Wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto n’ya, matapos kasi no’ng sinabi n’ya na susunduin n’ya ako ay hindi na n’ya ako pinansin, so ayon napilitan akong ibahin ang location at doon nalang kami magkikita ni Ava

"Caspian, naniniwala ka sa reincarnation?" tanong ko sa mahabang katamihikan, papunta na kasi kami sa mall

"No" maikling saad nito.

"Paano kung totoo?"

"I don't believe it, walang theory na nakakapagpatunay na totoo ito, makikita lang ito sa novels"

Tumango lang ako sa sinabi n’ya at hindi na nag salita.

Buti naman at hindi s’ya naniniwala.

Wait! kaya ba sinundo ako nito dahil akala n’ya lalaki si Ava?

Napailing naman ako sa bigla kong naisip

"Dito nalang" sabi ko at bumaba na "Salamat"

Bumaba naman s’ya at tinignan ako "S'ya ba si Ava?" Tanong nito na nakatingin sa babaeng nasalikod ko, takte hindi ko s’ya nakita kanina ah

Gulat naman si Ava na nasa tabi ko na "Sabing Soriya e, anong Ava ba kasi pinagsasabi mo?!" Mahinang sigaw ko

Hindi na s'ya sumagot at pumasok na ulit sa sasakyan at umalis.

"Huy! Gaga pa'no n’ya nalaman ang pangalan ko?" Nakakunot noo nitong tanong

"Sorry, nadulas ako e" sabi ko nalang

Tinanong n’ya din kung sinabi ko ba sakanya na nag eensayo kami kaya ang sabi ko ay hindi n’ya alam.

Nasa training ground na kami na pagmamay-ari ni kuya Hades, sekreto ang lugar na ’to at tanging kaming apat lang ang nakakaalam.

So sinong gumawa nitong training ground na 'to? Edi 'yong gumawa at nag desenyo nito so hindi lang kami ang nakakaalam nito tsk bobo din minsan si kuya Hades e, kidding.

Isang araw akong tumambay sa lugar na iyon. Hindi ko na nga pala sinama si Sevilla dahil wala naman s’yang alam dito.


Gumising ako nang maaga dahil balik klase na naman kami. At alam n’yo ba sa 18 years ko na nandito ako ay never pa akong nakapasok sa isang skwelahan, home-schooled kumbaga. Ewan ko anong nasinghut nila Savannah at may ganun silang trip, sinabayan ko nalang sila. Ngayon dahil wala ako sa poder nila ay makakapasok na ako sa school.

Naligo, nagbihis at nag paganda lang ako at ready to go na, biro lang kakain pa ako.

And isa pa, tatlong araw nang hindi umuuwi si Caspian, last kita ko sa kanya is yong hinatid n’ya ako, hays mag-iisang buwan na akong nandito kailangan ko na 'ata masanay, well i'm not complaining, mas gusto ko nga na wala s’ya dito, palagi kasing nakatingin nang masama. Nakakatakot kaya mga titig n’ya, mukhang demonyo, gwapong demonyo HAHAHA.

Oh speaking of demon ay nandito na pala s’ya. Kakababa ko lang kasi at naamoy ko ang mabangong amoy kaya akala ko nag luluto si Icarus, but no si Caspian ang nagluluto.

Si Caspian?! Nag luluto?! Ano na naman kayang katol ang nasinghut nito?

"Morning" bati ko sa kanya

"Hmm" sagot nito na hindi man lang ako tinignan

"Anong niluluto mo?" Takang natanong ko

"Food" maikling nakangising sagot nito saakin

Aba gago to ah, pilosopo

Tinarayan ko lang s’ya sa kabobohan n’ya "Nasaan si chef Icarus at ikaw ang nagluluto?" tanong ko na naman na kinakibit balikat n’ya lang.

Tinignan ko lang s’ya at napansin na naka business suit pa ito.

Umuwi ba ito kagabi or ngayon lang umuwi?

Tinignin ko ang itsura n’ya, mukha na naman s’yang pagod. So i guess ngayon lang s’ya umuwi at nagluto na naka business suit.

"Anong trip mo at nag luto ka? ano pa't may chef ka dito kung hindi mo man lang utusan na ipagluto ka? Ako na nga d'yan mag bihis ka muna, mukhang galing ka pa sa trabaho e" sabi ko at tumayo para lapitan s'ya. Nakakaawa naman kasi ang itsura n’ya.

Ginugutom ba s’ya ng sarili n'yang kumpanya at nakalimutan pang mag palit ng damit para mag luto? Adik ba s'ya?

"Alis" pangtataboy n’ya sa 'kin habang sinasalinan n'ya ng ulam sa plato. So tapos na pala s’yang magluto, hindi na pala kailngan ng tulong ko at isa pa hindi ko naman kasi alam ang niluluto n’ya.

Naghanda nalang ako ng kape n’ya at mga plato't kutsara para naman masabi n’yang may silbi ako.

"Hmm ang bango, anong luto ’to?" Tanong ko sa kanya nang nasa lamesa na ang ulam

"Wag na mag tanong at kumain ka na" sabi nito habang tinitignan ang kape na timpla ko "Akin ba yan?" Tanong n’ya at tumango lang ako na agad n’ya naman kinuha at uminom.

Nag pasalamat ako sa pagkain at masayang sinubo ang pagkain.

Oh masarap s’ya, legit, masarap pala magluto ang poging ’to, hindi na masama.

Susubo na sana ako nang makita ko na nakatitig saakin si Caspian, 'yung tingin na "How was it? It is good?" parang ganun.

"Masarap ka pala mag luto, sana nag palit nalang kayo ni chef Icarus" sabi ko

"What do you mean? na ako ang chef at s’ya and fiancee mo?" Nakataas kilay na tanong n’ya

Kung pwede lang e HAHAHA oy nakakapansin na 'ko ha, sabi na e crush ako nito e, nagseselos na s'ya e

oh my deluluness is to the highest level

"Nag bibiro lang, hindi ko nga naisip iyon e, ikaw lang" sabi ko pa

"Bakit hindi ka kumain kagabi?" Biglang tanong n’ya

Paano n’ya nalaman? Tsk malamang bahay- i mean mansion n’ya ’to

"Kakain ako pag gutom ako" yan nalang ang sabi ko "Wait, umuwi ka ba at pinagluto mo ako dahil nalaman mong hindi ako kumain kagabi?" Nakangiti kong pang-aasar sa kanya

Sabi na e crush ako nito e.

I Got Lost And He Found MeWhere stories live. Discover now