Chapter 9

59 8 0
                                    

"Chef! Gutom na po ako"  sabi ng batang si Portia na kakagaling lang sa kwarto, buong umaga kasi ito pinapaaral ng kanyang guro. Hindi ito pumapasok sa paaralan ngunit may binabayaran na guro ang magulang ni Portia para turuan s’ya.

"Hindi ka na naman ba pinakain ng guro mo ng umagahan?" Pag-aalalang tanong ni Icarus sa sampung taon na bata na si Portia. Umiling ang bata

"Dapat kasi baby Ana, palitan mo na ang masungit na gurong iyon" sabi ni Icarus

"Iyun nga po ang gusto ko chef Icarus e, pero hindi pumapayag magulang ko. Atsaka palagi ko yang sinasabi sa magulang ko, pero wala silang pake, parang hindi mo naman sila kilala" mahabang pahayag na may pagkamasungit na saad ni Portia

"Pasenya na, ito kumain ka na." Paghingi ng paumanhin ni Icarus kay Portia na agad nilantakan ang masarap na pagkain na niluto ni Icarus na para kay Portia.

"Chef, pwede n’yo po ba ako turuan mag luto?" Magiliw na saad ng labing-isang taong gulang na si Portia.

"Aba! anong nakain mo at gusto mo matuto mag luto? no'ng nakaraan lang ay tinanggihan mo akong turuan ka" Nakangiting sabi ni Icarus kay Portia

"Nagbago po-isip ko e" Nakakunot na sabi ni Portia, natatawa namang tinuruan ni Icarus ang bata.

"Chef Icarus, sorry po talaga" mangiyak-iyak na saad ng labinlimang taong gulang na si Portia.

Nasa hospital kasi itong si Icarus dahil niligtas n’ya si Portia, muntik na kasing masagasaan ng kotse itong si Portia at dahil may kunting tanga itong si Icarus ay tinulak n’ya si Portia para s’ya ang masagasaan, pwede naman s’yang tumalon din kasama si Portia, tsk. Buti nga hindi ito namatay at bali-bali lang ng boto ang natamo nito.

"Okay lang Ana, gaga ka din kasi bakit ka naman doon sumasayaw" saad ni Icarus habang ngumingiwi sa sakit

"Wala naman kasing dumadaan na sasakyan doon e, at tsaka malay ko bang may siraulong dadaan doon" depensa naman ni Portia

Isa kasi iyong park na dapat tao lang ang maglakad doon sa kalsadang iyon kaso may abnuy na gusto ng short cut at tamad mag hintay sa traffic kaya doon nalang dumaan.

"Pasensya na chef oh" iyak na saad ni Portia

"Okay lang sabi e" nakangiting sabi naman ni Icarus

"Sira ka talagang bata ka! bakit ka kasi sumasayaw doon?" Singit naman ni Sevilla

"Bawal ba? Para sa nag lalakad lang kasi ang kalsadang iyon, malay ko bang may dadaan na sasakyan doon?" Saad ni Portia habang nag pupunas ng luha.

"Ano nga pala ang ginagawa mo doon chef Icarus? sa pag kakatanda ko si Ava lang ang kasama ni Young lady Portia" sabat na naman ni Sevilla

"Bibili kasi dapat ako ng groceries, kaso naisip ko mag pahinga at mag pahangin muna sa lugar na iyon, kaso nakita ko si Ana na mukhang tanga na sumasayaw pfft" pag pipigil tawa na saad ni Icarus

"Ana, mag iingat ka sa lalaking iyon ha?" Saad ni Icarus na agad naman itong kinatango ni Portia

Ito 'yung araw na lumipat si Sevilla at Icarus sa mansion ni Caspian.

"Hindi naman ako mapanghusga e, pero wag ka masyadong mag tiwala sa kanya ha? do you understand? handa kami ni Sevilla na iligtas at susubukan na itakas ka dito, basta sabihin mo lang. Isang salita mo lang ay handa akong isugal ang buhay ko" pag-aalala na sambit ni Icarus

I Got Lost And He Found MeWhere stories live. Discover now