Chapter Five

1 0 0
                                    

C5; Present

Nanlalaki ang matang nakatingin sa hawak niyang fifty thousand pesos ang kaibigan niyang si Sky. Tila ito hindi makapaniwala sa hawak niyang pera na papel na tig One thousand. Narecieve lang naman niya 'yun mula sa Wedding souvenirs ng kaibigan niyang si Crisha. Nakakatuwa lang din na umattend lang naman siya pero naka fifty thousand siya agad agad.

"Saan nanggaling ang perang 'yan? Nagbenta ka ba ng lamang loob mo?"

Hindi pa din makapaniwalang tanong ni Sky sa kanya. Napakamot tuloy sya sa kanyang pisngi.

"Umattend ako kahapon sa kasal ng kaibigan ko and souvenirs nila ay cash worth of fifty thousand."

"Seryoso?! Bakit dimo ako isinama?!"

"Diko din naman inaasahan 'yun e, sinundo lang ako agad. Kaya nga diba hindi ako pumasok sa karinderya. Besides, ang perang ito ay hindi para sakin. Kung di para sayo."

Nakangiting nilagay niya sa palad ng kaibigan ang pera.
Para namang nandidiring nilapag nito sa kama nito ang pera at masamang tinignan sya.

"Hindi ako tumatanggap ng pera! Isa pa, pera mo yan!"

Umiling sya. Ang totoo, alam na ni Sky na anak mayaman talaga siya pero simula ng maging kaibigan niya ito ay never itong nagmukhang pera.

"Oo nga pera ko nga kaya nga binibigay ko sayo. Mas kailangan mo yan sa pamilya mo."

"Nef naman e!"

"Huwag ka ng tumanggi. Kahit pa isang buwan kang magpakahirap sa kakatrabaho, hindi mo maiipon ang ganyang kalaking  halaga."

"Pero Nef!"

"Diba mayaman ako?"

Sinamaan siya nito ng tingin. Hindi naman siya nagmamalaki, gusto niya lang na huwag na itong tumanggi.  Kung tutuusin marami pa naman siyang savings dahil hindi naman siya gastudera. Naipon lang naman niya 'yun noong nagtatrabaho pa siya sa lalaking 'yun.

"Mas kailangan mo pa din naman yang pera."

"Tanggapin mo na kasi may pera naman ako dito para sa sarili ko. Hindi din naman para sayo yan dahil alam kong ipapadala mo pa din yan sa mga magulang mo sa province nyo. Isa pa, graduating kana din this semester, kung ano man ang maiipon mo sa trabaho save mo na 'yun sa sarili mo."

Nabigla pa siya ng matapos sabihin 'yun ay sinunggaban siyang yakapin ng kaibigan at huli na ng marealize niyang umiiyak na ito. Hindi niya tuloy maiwasan hindi ma-touch kaya ang ending umiyak na nga silang magkaibigan.

"Napakabait mo sakin Nef! Nakakainis ka. Lagi mo na lang akong tinutulungan."

"Ofcourse bestfriend kita no. Isa pa mabait ka din."

"Alamo ang swerte ko talaga naging kaibigan kita."

"Swerte din kaya ako sayo. Dahil sayo ang dami kong natutunan."

Kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya at natatawang pinunasan niya ang luha sa pisngi ng kaibigan niya.

"Alam mo ang aga aga ang drama natin. Anong oras ba ang pasok mo?"

"Ten thirty pa 'yon. Makakatulong pa ako sa karinderya."

"Then, hurry up. Kailangan na natin pumunta ng three shop ni Aling Nena."

"Tama, baka yawyawan na naman tayo. Saka salamat dito, mamaya din ipapadala ko 'to kina Mang at Pang."

"Yeah yeah. Ligo kana dun!"

Tumayo na ang kaibigan niya at tinungo ang maliit nilang toilet room. Nang mag isa na lang siya sa kama ni Sky ay napatihayang humiga siya at napapaisip.

Heartless Breaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon