Chapter Ten

2 0 0
                                    

C10; Jealous


WALANG pansinan ng bumaba sina Creill at Nefrie na ipinagtaka ng mga kaibigan nila ng makabalik sila ng big house. Pero ang mas kataka taka sa magkakaibigan ay magkaiba ang expression ng dalawa. Si Creill na kahit seryoso ang mukha ay mahahalata ang tuwa sa mga mata nito, tila ito nanalo sa lotto samantalang si Nefrie ay ang steady look nitong mahinhin ay mababanaag ang iritasyong expression. Nagkatinginan ang magkakaibigan at hinintay na mawala sa paningin nila ang dalawa bago nag umpisang mag usap usap.

Sa kabilang banda,

Nefrie throw herself in her single bed at napapadyak ang paang sinasabunutan ang sariling buhok. Sobrang nakakahiya ang ginawa niya! Ni hindi niya kayang tumingin kay Creill kanina sa buong biyahe, kahit pa gusto niyang humingi ng sorry. Oo nga't sinabi niya sa sariling she's not sorry for what she did pero magso-sorry siya dun sa paninigaw niya dito. Pero wala na ang plano niyang 'yun. Nilamon na siya ng kahihiyan sa ginawa niya.

Siya si Nefrie! At siya 'tong biglang nanghahalik sa kanyang ex-boss?! Siguradong iisipin ni Creill sa kanya na nababaliw na siya. Na nahihibang na siya! Natigilan lang siya sa pagmumuni muni ng biglang may kumatok sa kwarto niya, actually nakapasok na 'yung kumakatok at nasa mukha nito ang namamangha sa itsura niya.

"Anong nangyari sayo bruha?"

Excited na tanong ni Czizea na binuntutan pa ni Crisha at Kwyn sa likuran. Naiinis na humiga ulit sya sa kama at papadyak padyak ang paa.

"Luh, nabaliw na ang chef natin hahaha" komento ni Kwyn na biglang umupo sa kama niya at pinigilan siya sa braso sa pagpapadyak nya.

"Ate Nef, 'yung totoo galing ka ba sa mental hospital?" Tanong ni Crisha sa kanya na halatang nang aasar. Sinamaan niya ito ng tingin pero nagpeace finger lang ito.

"So, magkukwento ka or magkukwento ka?" Untag sa kanya ni Czizea.

"May choice ba ako dyan?" Inismiran niya ito bago bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Nakapalibot tuloy sa kanya ang tatlo, sa left side si Czizea at sa right side si Kwyn habang sa harapan niya si Crisha.

"Anong nangyari bat ang tagal niyong hindi nakabalik dito?" Excited na tanong ni Kwyn.

"Mga lagpas isang oras kayong nawala ni kuya Creill after makabalik nila ate Cecaurus. Anong nangyari ate? Bat magkaiba ang expression niyo ni kuya Creill?" Usisa naman ni Crisha.

"Nasa heat seat ba ako?"

"Gusto mo sa warm seat ka?" Pamimilosopo ni Czizea sa kanya.

Mukhang kailangan niya talagang ilabas ang kagagahan na ginawa niya. Ano bang malay niyang ganito pala mangyayari sa kanya? Like parang namental nga siya!
Bumuntong hininga sya bago maliit na boses na nagsalita.

"I...I kiss him."


"WHAT?!?!?!?!"


napatakip sya sa magkabilang tenga niya sa tatlo ng mapasigaw ito sa sinabi niya. Anong Big deal dun?!

"T-teka ano oh my god!" Maarteng sambit ni Kwyn.


"Sheeeeemayyy nagpersmob si ate nef!" Kinikilig na wika ni Crisha.

At si Czizea na biglang hinila ang buhok niya kaya napaaray sya. Pinandilatan sya nito sabay seryoso.

"Sakit mong manghila ng buhok!" Reklamo nya dito.

Nagcross arm ito at inis na tinitignan sya. Ano naman bang iniisip nito? Kanina lang gustong magpakwento, ngayong nag uumpisa pa lang sya, may Inis reaksyon na ito agad!

Heartless Breaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon