Chapter Six

1 0 0
                                    

C6; Steal of Glancing

KANYA kanyang pagkakaabalahan ang mga kasama niya samantalang siya ay inasikaso na agad ang mga dapat niyang lulutuin. Cecaurus already told them na siya ang magiging chef for their picnic. There's no occasion trip lang daw nilang mag unwind ng magkakasamang magkakaibigan and she's happy na nakasama siya for the second time around after ng mga lumipas na taon.

She never thought this day would come.
And since busy siya sa pagprepara ng mga kasangkapan para sa lulutuin niya ay hindi na din niya napansin na pumasok pala ng kitchen si Creill. She didn't aware that he's around dahil okupado na ng konsentrasyon sa pagluluto ang mindset niya.

Iniwan niyang nakabukas ang bawat kabinet para hagilapin ang kakailanganin niyang equipment at nakita naman niya ang mga big bowls na nasa pinakatuktok layer ng cabinet. Bahagya pa niyang inaabot ito pero hindi niya naabot kaya hinila niya ang plastik single chair at dun pumatong. Sandali lang ay hindi pa din niya naaabot.

"Seriously? Gaano ba ako kapandak?"

Kausap niya sa sarili at tinangkang kunin ang bowl at nakatatlong abot lang sya ay nakuha na nga nya kaso bigla namang nagslide ang plastik single chair kaya napapikit na lamang sya sa takot na mabuwal sa sahig ng kitchen pero hindi nangyari 'yun! Naramdaman niya ang dalawang brasong humigpit na humawak sa kanyang bewang at nanlalaki ang matang napatingin siya sa may ari ng braso.

It's him!

Agad agad na naitulak niya ito at napapatangong nagthank you na lamang bago binalik ang atensyon sa lulutuin.

"You need help?"

"Ha?"

"Marami kang lulutuin right? Can you let me help you?"

"Ikaw bahala..."

At sinundan na lamang niya ng tingin ang sunod nitong ginawa. Ito ang humiwa ng mga lamas na kanina lang ay hinugasan niya't nilagay sa strainer. Namiss niyang makita ito sa ganoong gawain.

Nef magmomove on ka diba? Ano na namang kaharutan yan! Pigil niya sa sarili.

Binuksan na niya ang manok na nasa xyro plate at nilagay na nya sa bowl na kinuha nya kanina. Hinugasan na din niya 'yun sa lababo pagkatapos ay naghanap pa siya ng chopping board para dun isa-slice ang meat. Natutuwa syang kumpleto sa kagamitan ang kusina. Oriented talaga ang Resort ni Neith.

Sandaling tumungo sya sa Refrigerator at kinuha mula sa loob ang mga itlog at Fresh milk. Naisip niyang pagsabay sabayin na ang gagawing pagkain. Bukod sa dish ay gagawa  na din sya ng Dessert. Good thing na tumulong si Creill sa kanya kaya madali lang sa kanya matatapos. Isang oras ang palugid nya sa sarili. Nilabas na nya ang mga frying pan at kaldero kung saan magpapainit na sya ng mantika sa glem glass.

"Paabot ng Sibuyas at bawang."

Hindi naman na nagsalita ang binata at iniabot lang sa kanya ang dalawang platito na may lamang sibuyas at bawang. Tuluyan na siyang nagfocus sa lulutuin kaya hindi niya namalayan na ang bilis na niyang naluto ang kanin at natimpla na din niya ang cake, isasalang na lamang niya 'yun sa oven. Tapos na din siyang i-slice ang manok kaya uumpisahan na niyang lutuin ito.

"Gusto mo ba ng Adobo?" Biglang tanong nya sa binata bagaman ang paningin ay sa niluluto.

"Ayos lang ba? Ang dami mo ng niluto. May Kaldereta ka ng nagawa, pritong manok, fish fillet,..."

"If you want Adobo I can make it. Walang problema sakin 'yon."

"Yeah, I miss Adobo."

Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Namis nito ang adobo? Aware naman siyang paborito nito ang adobo pero kung makapagsalita ito ng miss nito 'yun parang hindi ito kumain sa nagdaang taon.

Heartless Breaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon